-
5 Natural Ingredients Na Maaaring Gamiting Panlaban Sa Mga Lamok
May ilan sa mga ito na makikita mo na sa kusina ninyo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Tag-ulan nanaman kaya marami nanamang umaaligid na lamok sa ating mga anak. Isa ito sa mga concerns na madalas ilapit sa amin ng aming mga readers.
Bukod sa paggamit ng mga store-bought mosquito repellents o bug sprays, pwede ka ring magtanim ng mga halaman at herbs na natural na nagtataboy ng mga lamok.
Marami ring mga natural na ingredients o langis na pwede mong gamitin para hindi dapuan ng lamok ang mga anak mo. Narito ang ilan sa kanila:
Natural ingredients na panlaban sa mga lamok
Lemon eucalyptus oil
Ayon sa mga pag-aaral, ang 32% na mixture ng lemon eucalyptus oil ay mabisang panlaban sa lamok hanggang tatlong oras.
Para makagawa nito, paghaluin mo lang ang 1 part lemon eucalyptus oil sa 10 parts sunflower oil.
Lavender
Isa ang lavender sa mga tanim na pwedeng makatulong para maiwasan ang lamok sa bahay ninyo. Para gamitin ito bilang langis, dikdikin mo lang ang bulaklak at ipahid ang katas sa bahagi ng katawan na madalas dapuan ng lamok.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCinnamon oil
Hindi lang topping at pampabango ng pagkain ang cinnamon. Mabisa rin itong pantaboy ng lamok.
Para gamiting mosquito repellent ang cinnamon oil, kailangan mo lang ihalo ang 1/4 teaspoon nito sa kada 4 ounces ng tubig. Pwede mong i-spray sa damit mo o sa paligid ng bahay ninyo ang solution para mabawasan at tuluyan nang mawala ang lamok sa inyo.
Citronella
Ito na siguro ang isa sa mga pinaka kilalang natural ingredients na pwedeng panlaban sa lamok. Sabi ng mga eksperto, ang effectivity ng citronella ay nakadepende sa formulation nito.
Pwede kang gumawa ng sarili mong citronella candle na siya mong sisindihan kung nasaan man kayong mag-iina. Siguraduhin lang na hindi ito maaabot ng mga bata at wala ito sa lugar na madaling mag-apoy.
Tea tree oil
Kilala ang langis na ito sa kanyang antiseptic, antimicrobial, at anti-inflammatory properties. Ngunit bukod diyan, nakikita na rin ng mga eksperto na maaari itong gamitin na pantaboy sa mga lamok.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBukod sa mga natural ingredients na ito, mahalaga ding siguraduhin mong malinis ang inyong kapaligiran.
Tandaan na nangingitlog ang lamok sa tubig. Itapon agad ang mga lata ng gatas o lumang timba para hindi maipon ang tubig sa mga ito. Huwag hayaang may lumang tubig sa vase o paso kung mayroon man kayong mga halaman sa bahay.
Takpan ang inyong mga kiddie pools para hindi pangitlugan ng mga lamok. Itapon na ang tubig kung hindi naman nagagamit.
Ugaliin ding linisin ang bubong—wala dapat mga dahon sa alulod para hindi maipunan ng tubig.
Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para maiwasan ang lamok sa loob at labas ng bahay ninyo.
Madaling umasa sa mga store-bought mosquito repellents, pero mas mainam kung malinis ang inyong kapaligiran.
What other parents are reading

- Shares
- Comments