Tagalog,baby stage,toddler stage,spv lifestyle,Best Pieces Of Advice From Mothers-In-Law,mother-in-law, MIL, biyenan, MIL horror stories, horror stories, mother-in-law horror stories, mother-in-law good advice,Hindi limited sa 'horror stories' ang usapang mother-in-law. Marami rin silang magagandang advice!
LifeHome

'Huwag Pag-Awayan Ang Pera' At Iba Pang Best Advice Mula Sa Mga Mothers-In-Law

Marami pa silang ibang payo na minsan man ay unsolicited, malaki pa rin ang naitutulong.
PHOTO BYiStock

Hindi na bago sa mga nanay ang makakuha ng ilang piraso ng unsolicited advice sa kanilang mga biyenan. Bagaman madalas ay pinagmumulan ito ng conflict, mayroon pa rin namang kabutihang naidudulot ang mga payo nila.

Tinanong namin ang mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, at narito ang ilan sa mga pinakamagagandang advice na nakuha nila mula sa kanilang mga mothers-in-law.

Huwag matutulog nang magkagalit

Normal lang naman sa mag-asawa ang mag-away at hindi magkaintindihan. Ang mahalaga ay hindi ninyo hahayaan na hindi ninyo mareresolba ang inyong away bago matulog. Ayon sa mother-in-law ni mommy Joy Mendoza-Taan, pag-usapan ang problema para hindi mabigat ang dibdib pag-gising sa umaga.

Habaan mo ang iyong pasensya

Marami kayong pagdadaanan sa inyong pagsasama bilang mag-asawa. Mas marami pa kayong pagdadaanan kapag mayroon na kayong mga anak. Kaya naman kailangan talaga ay mahaba ang iyong pasensya. Importante ito para hindi ka agad magalit, ma-stress, at ma-overwhelm sa lahat ng pagdadaanan ninyo.

Ang unang taon lang ang mahirap

Payo ng mother-in-law ni mommy Eau Lautriso, ang unang taon ang pinakamahirap, lalo na pagdating sa pag-aalaga ng mga bata, pagaadjust sa buhay may anak, at marami pang iba. Hindi ninyo namamalayan, nakakaya niyo na palang mag-asawa ang pagpapalaki sa inyong mga anak at pagtataguyod sa inyong pamilya.

Magpatawad ng paulit-ulit

Ito naman ang advice ng mother-in-law ni mommy Joyz Bertillo. Kailangang isipin ninyo palagi na hindi na lang kayong dalawa ng asawa mo ang involved dito. Mayroon na kayong anak na kasama sa inyong relasyon.

Huwag pag-awayan ang pera

Ayon sa biyenan ni mommy Dianne Loraine, importante na hindi niyo na pag-awayang mag-asawa ang ano mang bagay tungkol sa pera. Ang pera ay pwedeng kitain kapag nabawasan o naubos, pero ang sugat na dulot ng pag-aaway ninyo dahil dito ay madalas na hindi na makakalimutan.

Importante ang time management

Maraming mga nanay sa Village ang nagsabing malaki ang naging kontribusyon ng kanilang mother-in-law pagdating sa pagtuturo sa kanila ng tamang time management. Kwento ni mommy Kai Buan, ang biyenan niya ang tumulong sa kanya para magkapag establish ng routine para sa kanila ng kanyang mga anak. "The routine kept me sane and organized," pagdedetalye ni mommy.

Kailangan ninyong maging mature

Kwento ni mommy Steffi Bardos-Umapas, bagaman mahalaga ang financial stability, mas mahalaga pa rin ang maturity ninyong mag-asawa. "Malaki ang effect ng immaturity sa family," sabi ni mommy. "If I only knew this earlier in life, I would have done better. Now I always keep it in my heart and always work on my maturity," dagdag pa niya.

Bukod pa sa mga life lessons, marami ring mga hacks ang mga mothers-in-law. Sabi ni mommy June Latigay, nakatulong daw sa kanya ang payo ng biyenan niya na gamitan ng virgin coconut oil ang cradle cap ni baby. "Grabe po 'yung pagbabalat sa ulo ni baby, to the point na medyo may amoy na siya," paliwanag ni mommy. "She [my biyenan] made us homemade coconut oil. We used it for about a week and ngayon wala na [ang cradle cap ni baby].

Kumusta ang relationship mo sa iyong mother-in-law? Marami ba siyang magagandang advice na naibigay sa iyo? I-share mo ang ilan sa comments section.

watch now

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close