-
Mother-In-Law Love Stories: What Do You Cherish Most About Your Biyenan?
Hindi lahat ng mga kwento tungkol sa mothers-in-law ay malungkot at nakakatakot.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Hindi maikakailang minsa'y nagkakaroon ng struggles sa pagitan ng mga wives at mothers-in-law. Bukod kasi sa magkaiba ang kanilang mga parenting styles at paniniwala, maaari ring magkaiba ang kanilang goals at paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay.
Marami na kaming nailathalang 'horror stories' sa pagitan ng mga magbiyenan, pero ang madalas na hindi natin nakikita ay ang mga 'love stories' na mayroon (at marami) rin naman.
Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ibinahagi ng mga nanay ang kanilang mga nakakatuwa at nakakakilig na relasyon sa kanilang mga mothers-in-law.
Kakampi ko siya sa pagsaway kay hubby
Kwento ng mga nanay sa Village, instant kakampi ang kanilang mothers-in-law lalo na pagdating sa pagpapaalala kay hubby ng mga dapat at hindi dapat gawin.
Partner ko siya sa pagiging vain
Madalas makalimutan ng mga nanay ang kanilang mga sarili dahil na rin sa dami ng mga dapat asikasuhin pagdating sa pagpapalaki ng mga bata, pag-aalaga sa asawa at pagmamanage ng bahay. Kaya naman masaya ang mga nanay na nakahanap sila ng katuwang sa pagpapaganda sa katauhan ng kanilang mothers-in-law.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Supportive siya kahit hindi niya naiintindihan ang aking advocacy
Bawat nanay ay may unique na paraan at paniniwala pagdating sa pagpapalaki sa mga bata. Malaking bagay para sa mga nanay sa Village na 100% ang suporta sa kanila ng kanilang mga mothers-in-law kahit na iba ang paniniwala ng mga ito.
Siya ang kumuha ng kasama namin sa bahay
Mahirap maghanap ng mabuti at maayos na makakatuwang sa pagpapalaki ng mga bata at pag-aalaga ng bahay. Kaya naman walang pagsidlan ang kaligayahan ng isang nanay sa Village nang ang MIL na mismo niya ang nagkusang maghanap ng makakasama nila sa bahay.
What other parents are reading
Ipinapasa niya sa akin ang mga secret recipes niya
Maswerte namang nagiging tigapagmana ng recipes ang mga nanay kapag mahilig magluto ang mothers-in-law nila. Marami sa kanila ang kilig na kilig kapag tinuturuan sila ng mga MILs nila ng masasarap na recipes.
Ipinagluluto niya ako ng mga ulam na pampalakas ng milk supply
CONTINUE READING BELOWwatch nowKung struggle sa mga nanay na magparami ng gatas, to the rescue naman ang mga mothers-in-law na may tried and tested formulas na ng recipes na nakakapagpagatas. Sino nga namang hindi aapaw ang pagmamahal sa MIL kung sila mismo ang gumagawa ng paraan para suportahan ang iyong breastfeeding journey?
Siya ang storyteller sa mga bata
Kwento ng ilang mga nanay sa Village, ang kanilang MILs ang nagsisilbing storytellers kapag nap time o 'di naman kaya ay bago matulog sa gabi. Marami sa kanila ang nagsabing excited ang kanilang mga anak kapag story time na with lola.
Bagaman marami pa rin ang nagsabing 'sana all mabait ang mother-in-law' malaki pa rin ang bilang ng mga nanay na thankful sa mga biyenan nila.
Minsan kasi, kailangan lang nating tandaan na wala tayong control sa sasabihin ng ating mga mothers-in-law, pero mayroon tayong control sa magiging reaksyon natin sa kanila. Sabi nga ng isang nanay sa Village, "Always choose kindness". Huwag magpadala agad sa galit. Kung magpapaapekto tayo sa bawat comment ng ating mga mothers-in-law, unti-unti tayong mawawalan ng bilib sa ating mga sarili.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKayo? Kumusta ang relationship ninyo sa inyong mother-in-law? I-share ang inyong experience sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments