embed embed2
  • Baby Food Recipes: 5 Ideas Para Sa Unang Pagkain Ni Baby

    Bukod sa masustansiya ang mga ito, madali rin itong ihanda.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Baby Food Recipes: 5 Ideas Para Sa Unang Pagkain Ni Baby
PHOTO BY Pixabay
  • Para sa mga first time mommies tulad ko, exciting talagang magresearch at magbasa tungkol sa mga dapat at hindi dapat ipakain sa ating mga anak. Sa katunayan, bago pa nga mag anim na buwan ang anak ko, marami na akong naipon na recipes. 

    Madalas rin akong maghanap ng mga pwedeng ihanda sa mga Facebook groups tulag ng Smart Parenting Vllage. Marami kasing nanay ang nagbabahagi doon ng mga baby food recipes na tried and tested na nila para sa mga anak nila. Nariyan din ang Facebook pages tulad ng The Nanay Avenue (Facebook: @nanayavenue) na marami ring ibinabahaging recipes na pwedeng subukan. 

    Bukod pa sa payo ng ating mga magulang, sa mga nababasa natin sa libro, at nakikita natin sa internet, marami rin tayong madedevelop na recipes habang patuloy tayong nag-eexperimento ng mga pinakamasasarap at masusustansiyang pwedeng ipakain sa ating mga anak.

    What other parents are reading

    Anu-ano nga ba ang mga pagkaing pwedeng ibigay sa mga babies edad anim na buwan pataas?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa mga experto, ang mga pagkaing maaaring ibigay sa mga sanggol ay kailangang siksik sa mga sustansya na kailangan niya sa kanyang paglaki. Magbabago ito kasabay ng pagtanda ng bata. Inirerekomenda nila ang pagpapasuso lamang sa mga sanggol sa unang anim na buwan dahil sapat na ang sustansya at mineral na mayroon sa breastmilk para tustusan ang pangangailangan ng iyong anak.

    Sa kanyang paglaki o pagtungtong niya ng pitong buwan pataas, kakailanganin na nilang kumain ng ibang pagkain para makakuha ng mas maraming sustansya na hindi na maibibigay ng gatas lamang ng ina. Sa complementary feeding, importante ang balanse ng mga ibibigay mo sa iyong anak. Kailangan ding tiyakin na huwag mo itong lalagyan ng asin at asukal hanggat wala pang isang taon ang iyong anak.

    What other parents are reading

    Narito ang limang baby food recipes na aking sinubukan:

    1. Mangga at saging

    Mga sangkap:

    ½ piraso mangga, hinog at katamtamang laki

    1 piraso saging, latundan, hinog 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Paraan ng pagluluto:

    1. Hugasan at balatan ang mangga at saging. 
    2. Durugin ang bawat isa hanggang lumapot.
    3. Pagsama-samahin ang mangga at saging. Haluing mabuti at ihain. 

    Para sa recipe na ito, maaaring gumamit ng iba’t ibang uri ng prutas o maaari rin naman magdagdag ng gatas lalo na kung naninibago pa si baby sa lasa. Ang dami at uri ng gatas ay maaaring baguhin depende sa nakasanayan ng bata.

    What other parents are reading

    2. Lugaw na may gatas, kalabasa at malunggay

    Mga sangkap:

     ½ tasa tubig 

    ¼ tasa kanin

     ½ tasa kalabasa, binalatan at hiniwa sa katamtamang laki 

    1 kutsara dahon ng malunggay, ginayat ng maliliit

    breastmilk / formula milk

    Paraan ng pagluluto:

    1. Sa isang katamtamang laki ng kaldero, ilagay ang tubig, kanin, at kalabasa.
    2. Pakuluin ng limang minuto. Haluin.
    3. Idagdag ang ginayat na malunggay at pakuluan ng tatlong minuto. Ipagpatuloy ang paminsan-minsang paghalo. Alisin sa init at palamigin ng kaunti.
    4. Durugin ang kanin at kalabasa hanggang makabuo ng magaspang na masa. Ilipat sa malinis na mangkok at ihain.
    5. Ihalo ang breastmilk o formula milk bago ipakain kay baby.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa recipe na ito, maaaring palitan ang kalabasa ng patatas o 'di kaya'y kamote, depende sa kung anong nais mong unang ipakain sa baby mo.

    What other parents are reading

    3. Sopas na may halo-halong gulay

    Mga sangkap:

    3 tasa ng tubig

    1/4 tasa carrots, binalatan at hiniwa para maging maliit na kwadrado

    1/3 tasa patatas, binalatan at hiniwa para maging maliit na kwadrado

    2 tasa upo, binalatan at hiniwa para maging maliit na kwadrado

    1 kutsara kamatis, hiniwa para maging maliit na kwadrado

    1/2 tasa repolyo, hiniwa para maging maliit na kwadrado 

    3 kutsara malapot na lugaw 

    Paraan ng pagluluto:

    1. Ilagay lahat ng sangkap sa kaldero at pakuluan ng 20 minuto o hanggang lumambot na ang mga gulay. Tanggalin sa init. 
    2. Durugin ang mga gulay hanggang makuha ang puree o pinakasabaw.
    3. Dagdagan ang nakuhang sabaw o katas ng gulay ng tatlong kutsarang malapot na lugaw. Haluin ng mabuti. Ilagay sa mangkok at ihain.
    What other parents are reading

    4. Lugaw na may upo

    Mga sangkap:

    3 tasa tubig 

    ¼ tasa carrot, binalatan at hiniwa para maging maliit na kwadrado

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1/3 tasa patatas, binalatan at hiniwa para maging maliit na kwadrado 

    2 tasa upo, binalatan at hiniwa para maging maliit na kwadrado

    3 kutsara malapot na lugaw

    Paraan ng pagluluto:

    1. Pakuluan ang lahat ng sangkap ng 20 minuto o hanggang malambot na ang mga ito. Tanggalin sa apoy at itabi.
    2. Durugin ang mga gulay hanggang makuha ang puree o sabaw. 
    3. Dagdagan ang puree o sabaw ng tatlong kutsara ng malapot na lugaw. Haluing mabuti. Ilagay sa mangkok at ihain.

    Maaaring baguhin ang recipe sa pamamagitan ng paggamit ng ibang gulay maliban sa upo, tulad ng sayote, papayang pang tinola o kaya naman ay raddish.  Maari na din subukang haluan ng itlog lalo na pag nasa edad sampung buwan pataas na ang sanggol na kakain para na rin sa karagdagang sangkap at sustansya.

    What other parents are reading

    5. Ginataang patatas at kalabasa

    Mga sangkap:

    ½ tasa tubig 

    ½ tasa patatas, binalatan at hiniwa para maging maliit na kwadrado 

    1 kutsarita kalabasa, binalatan at hiniwa para maging maliit na kwadrado 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ¼ tasa kakang gata ng niyog 

    1 kutsarita mantika 

    Paraan ng pagluluto:

    1. Pakuluan ang patatas at kalabasa ng sampung minuto o hanggang malambot na ang mga ito. 
    2. Durugin sa kaldero gamit ang sandok.
    3. Idagdag ang gata at mantika. Haluing mabuti at lutuin ng tatlo hanggang limang minuto. Haluin para hindi dumikit at masunog.
    4. Alisin sa apoy at ilipat sa malinis na mangkok. Ihain.
    What other parents are reading

    Maaaring hindi maging madali ang pagpapakilala sa ating mga anak ng iba't-ibang uri ng mga pagkain, prutas, at gulay. Ang mahalaga ay regular mo silang papatikimin ng mga ito para masanay sila sa lasa at magustuhan nila itong kainin hanggang sa kanilang pagtanda. 

    Ayon sa aking sariling karanasan, kailangan natin ng mahabang pasensya kapag nasa punto na tayo ng pagpapakilala ng mga solid foods sa ating mga anak. Napagtanto ko rin na kailangan ay walang distractions tulad ng TV, cellphone, at laruan habang pinapakain ang mga bata. Sa murang edad pa lang kasi, importante na maituro sa kanila na sa oras ng pagkain, wala kang ibang dapat gawin kundi kumain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Siniguro ko rin na hindi ko siya pipiliting kumain kung ayaw niya. Hinahayaan ko siyang magpakita ng sarili niyang cues kung gusto pa niyang kumain. Ngayon, mahigit isang taong gulang na siya at hindi siya pihikan sa pagkain. Sa katunayan, ilan sa mga paborito niyang kainin at mga gulay at prutas tulad ng okra, sitaw, orange, avocado, at pakwan.

    Minsan nakaka-stress kung ayaw talagang kumain ng mga anak natin. Makakatulong na huwag silang pagalitan at hayaan lang silang magbigay ng kanilang mga cues. Maging innovative at inventive din pagdatin sa paggawa ng kanilang mga pagkain, para mas mahikayat pa silang tumikim ng iba't-ibang recipes.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close