embed embed2
  • Hands-on Si Pokwang Sa Gawaing Bahay: ‘Gustong-gusto Kong Maglinis Ng CR’

    Kilala si Pokwang sa hilig at galing sa pagluluto.
    by Jocelyn Valle .
Hands-on Si Pokwang Sa Gawaing Bahay: ‘Gustong-gusto Kong Maglinis Ng CR’
PHOTO BY Instagram/@itspokwang27
  • Bukod sa husay sa comedy, kilala rin si Pokwang sa kanyang galing sa pagluluto. Dahil diyan, naipundar ng GMA Artist Center star ang negosyong PokLee Food Products katuwang ang kanyang partner na si Lee O'Brian. Kilala rin sila bilang Mamang at Papang.

    Kaya hindi kataka-taka na si Pokwang mismo ang namamahala ng pagluluto at ibang gawain sa bahay nila ni Lee, kasama ang kanilang anak na si Malia at ang nakatatandang anak ng celebrity mom na si Mae

    "Hands-on talaga ako," sabi ni Pokwang sa exclusive interview niya sa SmartParenting.com.ph. Pero minsan, wala raw talaga siyang time dahil busy sa trabaho, gaya ng taping sa sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento (GMA-7) at Kusina ni Mamang (Cignal TV).

    Kaya nagbibilin na lang si Pokwang sa mga kasambahay kung anong lulutuin para sa araw na iyon. Isa sa mga bilin niya ang paboritong ulam ni Malia na paksiw na galunggong na may ampalaya at talong. Simpleng lutong bahay daw talaga ang hilig ng bata, lalo na kung may gulay.

    May isa pang pinagkakaabalahan si Pokwang na gawaing bahay: "Gustong-gusto kong maglinis ng CR." Di niya napigilang matawa dahil hindi nga naman lahat pinipiling matoka sa banyo o comfort room.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Grabe akong maglinis ng CR," lahad niya, na may sound effects ng pagkuskos. "Puwede kang matulog sa sahig. ’Yan ang gusto kong gawin. Tuwang-tuwa ako na malinis ang CR."

    Paliwanag niya, "Hindi ko alam kung saan ko nakuha, kung bakit ako gano’n. Siguro kasi noong bata ako, nakiki-CR lang kami noong araw. Now na I have my own toilet, bathroom, so parang tuwang-tuwa ako."

    Sabi niya raw sa sarili, "Ay, ang ganda-ganda ng toilet ko. Sayang naman kung magiging madumi lang."

    May sarili pa siyang bathtub, na talagang pangarap niyang magkaroon. Kaya ganoon na lang daw ang paga-alaga niya sa "dream-come-true" na banyo.

    Pansin ni Pokwang na tumindi ang pagpursige niya sa paglilinis nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020. Aniya, "Sobra ang pagka-praning ko talaga. Kunwari si Papang, galing sa labas, ’tapos magsha-shower. Grabe ang linis ko d’yan. Inis-spray ko ng disinfectant talaga."

    Kumpleto raw siya sa mga gamit na panglinis, at panay ang online shopping para sa tools. Kabilang diyan ang battery operated na toilet bowl brush at scrubber. Nabi-bend raw ito para maabot ang mga sulok at singit ng toilet bowl.

    Ang ginagawa niya, binababad niya muna sa toilet bowl ang pinaghalong baking soda at household bleach. Pagkaraan ng isang oras, at saka niya ito kukuskusin nang husto.

    Sabi niya, "Gusto ko talaga, kamay. Kinakamay ko, pero may gloves. Kaya marami akong gloves. Hindi kasi ako kuntento na ginano’n-gano’n lang ng brush."

    Kapag nakuntento na siya sa paglilinis ng toilet bowl, pupunasan niya ito gamit ang "basahan na madaling makatuyo." Nabili rin daw niya iyon online.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles