-
Paano Gumamit (At Mag-DIY) Ng Disinfecting Foot Mats
Pwede mong gamitin ito para maiwasan ang pagpasok ng virus sa bahay ninyo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Nang kumalat ang banta ng COVID-19 sa ating bansa, mas naging maingat at mapanuri ang mga magulang pagdating sa kalinisan sa loob at labas ng kanilang mga bahay.
Bukod sa masusing paglilinis sa groceries na pinapamili nila bago pa man nila ito ipasok sa bahay, matinding paglilinis at disinfection din ang ginagawa nila sa kanilang mga katawan o sa lahat ng mga gamit na inilabas nila at maaaring kinapitan ng virus.
Isa pang nakikitang solusyon ng mga nanay (at ng mga eksperto) para maiwasan ang pagpasok ng virus sa bahay ang pagkakaroon ng disinfecting foot mats.
Ano ang disinfecting foot mats?
Kung nagpunta ka na sa ilang mga malls at pangunahing pamilihan, marahil nakita mo na ang basahang pinapatapakan nila sa mga dumadaan o pumapasok. Ito ang disinfectant mat o mas kilala natin bilang foot bath. Maraming mga bahay na ngayon dito, maging sa ibang bansa, ang mayroon nito.
Paano gumagana ang disinfectant mats?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa halip na hawakan o paulit-ulit mong tanggalin ang iyong sapatos, mas maganda kung i-disinfect mo na lang ito.
Ayon sa Department of Health (DOH), pwede mong i-spray ng alcohol ang sole o swelas ng sapatos o tsinelas mo bago mo ito ipasok sa loob ng bahay. Sa ganitong paraan, masisiguro mong mababawasan o walang makakapasok na virus sa bahay ninyo.
Mas pinadali lang ng disinfectant mats o foot bath ang pagsa-sanitize sa sapatos mo. Sa halip kasi na ilalabas mo pa ang alcohol at lagyan ang parehong sapatos mo, pwede mo na lang tapakan ang mat nang ilang minuto bago ipasok ang sapatos mo sa bahay.
Pwede ka ring tumapak sa footh bath bago mo hawakan, hubarin, at itabi ang sapatos mo.
Paano mag-DIY ng disinfectant mats?
Napakadali lang gumawa ng foot bath. Lahat ng mga kailangan mo ay nasa bahay niyo lang.
Mga kailangan:
- Planggana o ano mang tray na hindi masisira kapag tinapakan
- Basahan
- Bleach
- Tubig
CONTINUE READING BELOWwatch nowParaan ng paggawa:
- Ilagay ang basahan sa loob ng planggana o tray na kasya ang paa mo at pwedeng tapakan.
- Buhusan ito ng 1 part bleach at 3 parts tubig.
- Maglagay ng isang foot bath sa bawat pinto ng bahay.
Kung wala ka namang matibay na tray o planggana, pwede kang gumamit ng lumang plastic bag. Doon mo ilagay ang basahan na basa ng 1 part bleach at 3 parts tubig.
Ayon pa sa mga cleaning experts, huwag punasan ang sapatos pagkatapos idaan sa foot bath o disinfectant mats. Hayaan mong kusang matuyo ang pinaghalong bleach at tubig.
Kung mayroon ka namang budget, pwede ka ring umorder online ng mga disinfectant mats. Mayroong mga nagkakahalaga ng Php800 hanggang Php2,500.
Mahalaga rin na linisin mo ang iyong disinfectant mats. Kailangan mong ipalaba o labhan ang basahan na ginamit mo o 'di kaya ay palitan na ng panibago. Siguraduhin mo lang na itatapon mo sa tamang lugar ang mga gamit mo nang disinfectant mats.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSamantala, iyon namang mga nabibili online at pwede sabunin o i-power wash gamit ang bleach, sabon, at tubig. Patuyuin ito sa sikat ng araw at pwede na ulit itong lagyan ng solution para magamit ulit.
Nasubukan mo na bang gumamit ng mga disinfectant mats? Kumusta ang inyong experience? I-share niyo lang sa comments section.

- Shares
- Comments