-
Subukan! DIY All-Natural Pampabango Ng Bahay
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Alam mo ba na ilan sa mga pagkain at sangkap sa iyong refrigerator at pantry ay pwede mong gamitin para gumawa ng mga natural cleansers at air fresheners?
Pinatunayan 'yan ni mommy Alelly Hernane, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, nang ibahagi niya sa amin kung paano gumawa ng all-natural cleanser gamit ang orange peel.
Kaya naman naghanap pa kami ng iba pang pampabango at panlinis ng bahay na pwede mong gawin sa sarili mong kusina. Narito ang ilan sa kanila:
Natural air fresheners you can make in your kitchen
1. Lemon and Rosemary All-Purpose Cleaner
Huwag ma-intimidate sa herb na rosemary dahil mahahanap mo ito sa mga pangunahing groceries. Pwede ka ring gumamit ng extract kung sakaling hindi mo mahanap ang mismong herb.
Mga sangkap
- 1 cup white vinegar
- 1 cup water
- Lemon rind
- Rosemary
Paraan ng paggawa
- Paghaluing mabuti ang mga sangkap sa isang mangkok.
- Ilipat sa spray bottle, aluging mabuti, at itabi.
- Hayaang nakababad ang lemon at rosemary sa suka at tubig ng isang linggo bago gamitin.
Pagkatapos ng isang linggo, pwede mo na itong gamitin para ipanlinis ng lababo, basurahan, at salamin.
What other parents are reading
2. Mint Air Freshener
Paborito mo ba ang amoy ng mint? Tulad ng rosemary, madali mo rin itong mahahanap sa mga groceries. Epektibong pampakalma ng isipan ang amoy nito.
Mga sangkap
- 3/4 cup water
- 2 tablespoons rubbing alcohol
- 10 drops orange essential oil
- 8 drops peppermint essential oil
Paraan ng paggawa
- Paghaluin ang mga sangkap at ilagay sa spray bottle.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
3. Summer Citrus Air Freshener
Pwede mong paghalu-haluin ang ilang mga fruit peels para makagawa ng isang mabangong freshener.
Mga sangkap
- 3/4 cup water
- 2 tablespoons rubbing alcohol
- Orange peel
- Lemon peel
- Lime peel
- Grapefruit peel
Paraan ng paggawa
- Paghalu-haluin ang mga sangkap sa isang mangkok.
- Ilipat sa isang spray bottle at hayaang nakababad ang mga balat ng prutas ng isang linggo bago gamitin.
Pwede ka ring gumamit ng essential oil kung wala kang balat ng mga ito.
What other parents are reading
4. Homemade Apple At Orange Potpourri
Ang potpourri ay pinaghalo-halong mga plant materials na may natural na bango. Pwedeng-pwede mong gamitin ang orange at mansanas o 'di kaya ay lemon at lavender, depende sa kung anong mayroon ka sa bahay.
Mga sangkap
- Mansanas
- Oranges
- Cinnamon
- Star Anise
Paraan ng paggawa
- Hiwain ng manipis ang mansanas at orange.
- Ilagay ito sa isang tray at hayaang matuyo. Sa init ng panahon ngayon, iwan mo lang ito sa labas ng isa hanggang dalawang araw, siguradong tuyo na ito.
- Kung may oven naman kayo, pwede mo itong patuyuin doon. I-preheat mo lang ang oven mo sa 250 degrees at i-bake ang mga prutas ng isa't kalahating oras.
- Kapag tuyo na, ilagay sa isang garapon at ihalo ang iba pang mga spices sa listahan ng sangkap.
- Isara ang garapon at hayaang maghalo muna ang mga amoy bago ibukas at iwan sa banyo o kusina.
BONUS! DIY Glass Cleaner
Kalimitang may kamahalan ang mga glass cleaners na nabibili sa mga groceries. Para makatipid at para mas maging ligtas ito sa mga bata at buntis, pwede kang gumawa ng sarili mong glass cleaner.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMga sangkap
- 2 cups water
- 1/2 cup white vinegar
- 1/4 cup rubbing alcohol (70% concentration)
- 1 to 2 drops of orange essential oil for smell (o ano mang essential oil na gusto mo)
Paraan ng paggawa
- Paghaluin ang mga sangkap sa isang mangkok.
- Ilipat sa spray bottle.
Pwede mo na itong gamitin agad dahil essential oil naman ang ginamit mo para sa amoy kaya hindi na kailangang ibabad. Ayon sa Good Housekeeping, mas magiging epektibo itong panlinis kung i-spray mo muna ang solution sa paper towel bago ipunas ang paper towel sa salamin.
Posible kasing mag-iwan ng mga marka sa salamin kung ididiretso mo sa salamin ang solution—lalo na kapag mainit ang panahon.
Ilan lamang ang mga iyan sa mga natural na pampabangong magagawa mo gamit lang ang mga sangkap sa iyong kusina.
Mayroon ka bang sarili mong mga DIY pampabango ng bahay? I-share mo lang sa comments section.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments