embed embed2
  • Simpleng Kitchen Decluttering Tips Para Iwas Panis At Sira Ng Pagkain

    Makakatulong din ito para maging maaliwalas ang kusina ninyo.
    by Ana Gonzales .
Simpleng Kitchen Decluttering Tips Para Iwas Panis At Sira Ng Pagkain
PHOTO BY iStock
  • Isa ang kusina sa mga pinaka madalas gamitin na bahagi ng bahay. Bukod kasi sa mas nakakatipid ang inyong pamilya kung kayo mismo ang magluluto ng inyong pagkain, mas nakakasiguro rin kayong masustansya ang kinakain ninyo dahil alam ninyo kung saan nanggagaling ang mga sangkap.

    Kaya naman dapat ay sigurado kang laging malinis ang kusina ninyo—lalong-lalo na kung mayroon kayong kasamang mga maliliit na bata sa bahay. Kapag hindi kasi malinis at maayos ang inyong kusina, maaari itong pamahayan ng mga bacteria na pwedeng maging sanhi ng diarrhea.

    Hindi maikakaila na mahirap linisin ang kusina. Bukod sa mga talsik ng mantika at bakas ng mga natapong pagkain, marami ring gamit sa kusina ang kalimitang napapabayaan na lang na pakalat-kalat.

    What other parents are reading

    Paano i-declutter ang kusina?

    Alisin ang mga bagay 'di na ginagamit

    Ang unang hakbang sa isang matagumpay na decluttering ay ang pagtatapon ng mga bagay na hindi mo na ginagamit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bago mo pa man umpisahan ito, obserbahan mo muna ang pamilya ninyo sa loob ng isa o dalawang linggo. Anu-anong mga kitchen tools, appliances at iba pang gamit sa kusina ang araw-araw ninyong ginagamit? Sa ganitong paraan, makikita mo kung alin ang pwede mo nang itapon o ipamigay at alin ang mga iiwan mo sa kusina ninyo para ayusin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagsama-samahin ang mga kitchen tools at appliances ayon sa gamit

    Kapag alam mo na kung alin ang mga gamit na maiiwan, pagsama-samahin mo sila ayon sa gamit nila. Lahat ng baking tools mo ay dapat magkakasama. Lahat ng plato, kutsara, at iba pa na ginagamit ninyo sa pagkain araw-araw ay dapat ding magkakasama.

    Ang mga kawali at kaserola ay dapat magkakasama rin. Maglaan ka ng isang espasyo sa kada uri ng gamit para alam mo kung saan ka pupunta kapag may kailangan ka.

    What other parents are reading

    Piliing mabuti ang mga dekorasyon sa kusina

    Bagaman hindi naman masamang magkaroon ng mga palamuti sa ating tahanan, mas maganda kung lilimitahan mo ito para hindi magmukhang punong-puno ang kusina ninyo. Lagi mong unahing bigyan ng pagpapahalaga ang mga gamit na araw-araw ninyong napapakinabangan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Limitahan ang mga gamit sa counter at lababo

    Napansin mo ba na kapag maraming gamit sa lamesa, pakiramdam mo makalat ang bahay? Mas kaaya-aya kasing tignan ang mga flat surfaces kapag walang laman. Kung hindi mo naman maiwasang maglagay ng mga gamit sa lamesa, pwede kang bumili ng mga see-through containers.

    Makakatulong ang mga ito para makita mo kung alin sa mga sangkap mo sa kusina ang paubos na at alin ang mayroon pa.

    PHOTO BY Pexels
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Huwag mag-imbak ng maraming reserba

    Applicable ang payong ito para sa pagkain at sa mga gamit. Kadalasan ay napakarami nating mga reserbang plato, mugs, plastic containers at iba pa. Dito nagsisimula ang clutter. Hindi mo namamalayan, napakarami mo na palang kung anu-ano sa kusina na hindi mo naman nagagamit.

    Pagdating naman sa pagkain, dapat ay sapat lamang sa isang linggo ang iimbak mo para sa iyong pamilya. Dapat ay tama rin ang paraan ng iyong pag-iimbak para hindi masayang ang mga pagkain.

    What other parents are reading

    Paano ang tamang pag-iimbak ng pagkain?

    Para sa marami, nakasanayan na nating ilagay halos lahat ng ating mga pinamili sa loob ng refrigerator. Ayon sa Good Housekeeping, may mga pagkain na dapat ay hindi na nilalagay sa ref. 

    Huwag ilagay sa refrigerator ang mga ito:

    Pakwan

    Kung hindi mo pa ito nabubuksan, mas magiging masarap ito kung nasa lamesa lang. Ayon sa mga food experts, saka mo lang ito dapat ilagay sa ref kapag nabuksan mo na ito. Maaari itong tumagal ng tatlo hanggang limang araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Patatas

    Sisirain ng malamig na temperatura ang starches na matatagpuan sa patatas. Kapag nangyari ito, magiging matamis at magalas ang patatas. Dapat ay ilagay sila sa bahagi ng kusina na tuyo at madilim.

    Honey

    Magkakaroon naman ng crystals ang honey kapag inilagay mo ito sa ref. Hayaan mo lang itong nasa room temperature.

    Kamatis

    Nawawala ang lasa ng kamatis kapag nilalagay sila sa loob ng refrigerator. Hayaan mo lang sila sa lamesa at gamiting agad hanggang dalawang araw pagkabili mo sa kanila.

    What other parents are reading

    Paano ayusin ang refrigerator?

    Maaaring makatulong sa iyo ang illustration na ito mula sa Good Housekeeping. Ayon sa kanila, ang mga pagkaing hindi na kailangang lutuin ay dapat na nakalagay sa pinakataas na bahagi habang ang mga pagkain o inumin naman na may mga natural preservatives ay dapat nakalagay sa pintuan.

     

    PHOTO BY Rachel Sneddon for Good Housekeeping
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Tandaan, pagdating sa pag-aayos ng kusina, mas importanteng maging praktikal. Madali na lang kasing magpadala sa mga magagandang kitchen tools at gadgets ngayon nang hindi mo naiisip kung kailangan mo ba ito o hindi. 

    Gamitin mo rin ang inyong mga cabinets para mapadali ang buhay mo. Tandaan na bawat space ay hindi tambakan. Ibig sabihin, lahat ng espasyo sa kusina ninyo ay dapat makakapagpagaan sa buhay mo habang nagluluto ka ng mga masasarap at masusustansiyang pagkain para sa iyong pamilya. 

    Paano magmukhang maaliwalas ang kusina?

    Alisin ang mga kitchen cabinets

    Isa ito sa mga nauusong style o design ng mga kusina ngayon. Ayon kasi sa mga eksperto, mas nagmumukhang 'bukas' ang space kung walang mga pinto ang mga kitchen cabinets. Kaya naman kung pwede ninyong i-redecorate ang kusina ninyo, isa sa mga pwede ninyong gawin ang pagtatanggal ng mga kitchen cabinet doors. 

    Gumamit ng light colors

    Magmumukhang malaki rin ang maliit ninyong kusina kung bright colors ang gagamitin ninyo para sa mantel, placemats, kurtina at iba pa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maglagay ng mga halaman

    Ano mang bahagi ng bahay ninyo ay siguradong magiging maaliwalas kung lalagyan ng halaman. Presko ring tignan ang mga water plants o hanging plants. Pwede rin kayong mag-container gardening sa kusina para hindi lang pampaganda ang halaman ninyo, pwede ring isama sa ulam.

    What other parents are reading

    Kayo? Paano ninyo inaayos ang kusina ninyo? Anu-ano ang mga paraan ninyo para magmukhang maaliwalas ito? I-share niyo lang ang inyong tips sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles