\
embed embed2
  • May Diarrhea Si Baby! Anong Gamot Sa Pagtatae At Kailan Ko Siya Dapat Dalhin Sa Ospital?

    Walang dapat na masayang na oras kung nagtatae ang anak mo.
    by Ana Gonzales .
May Diarrhea Si Baby! Anong Gamot Sa Pagtatae At Kailan Ko Siya Dapat Dalhin Sa Ospital?
PHOTO BY iStock
  • Ayon sa 2017 data mula sa World Health Organization (WHO) ang pagtatae o diarrhea ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga bata.

    Kaya naman hindi maiaalis sa mga magulang na labis na mag-alala sa tuwing may diarrhea si baby.

    Gaano kadalas dapat dumumi ang mga sanggol?

    Ayon sa mga eksperto, normal lang sa isang tao ang dumumi ng hanggang tatlong beses sa isang araw. Sa mga sanggol, depende ito sa gatas na iniinom nila—kung breastmilk ba o formula milk.

    Sa mga sanggol na umiinom ng breastmilk, kalimitan ay umaabot sa tatlo hanggang apat ng beses ang pagpapalit ng diaper sa isang araw. Magbabago ito sa ika-anim na linggo ni baby. May ilan na patuloy na dudumi araw-araw, habang ang iba naman ay maaaring umabot ng dalawa o tatlong araw bago dumumi.

    Para naman sa mga sanggol na formula milk ang iniinom, kalimitan ay tatlo hanggang apat na beses silang dumudumi sa isang araw. Ayon sa mga eksperto, formula milk man o breastmilk ang iniinom ng anak mo, kapag hindi na siya dumumi nang limang araw, kailangan mo na siyang dalhin sa doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Anu-ano ang mga sanhi ng diarrhea?

    Kung napapansin mong mas nagiging madalas na ang pagdumi ng anak mo at halos tubig na ang inilalabas niya, maaaring mayroon siyang diarrhea.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maraming maaaring dahilan kung bakit nagtatae ang anak mo. Narito ang ilan sa mga pinakamadalas na sanhi:

    Naninibago siya sa gatas

    Kung formula milk ang iniinom ng anak mo at pinalitan mo ito, maaaring hindi niya hiyang ang ipinalit mong gatas. Kaya naman mahalagang kumonsulta muna sa doktor bago mo painumin ng formula milk ang anak mo o palitan kung ano ang kasalukuyang gamit niya.

    Nakainom siya ng maruming tubig

    Sensitibo pa ang mga tiyan ng mga sanggol. Kaya naman dapat ay lahat ng mga gamit nila ay malinis—maging ang tubig na iniinom nila. Kailangang sterilized ang mga gamit ng anak mo, lalo na ang iniinuman niya ng gatas.

    What other parents are reading

    Mayroon siyang infection

    Sanhi ng pagtatae rin ang impeksyon na mula sa virus, bacteria, o parasite. Maaaring makuha ito ng anak mo kapag nakakain siya ng maruming pagkain o 'di naman kaya ay nakainom ng maruming tubig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari ring mangyari ito kung isusubo nila ang mga maruruming bagay sa paligid nila pati na rin ang mga kamay nila na ihinawak nila sa ano mang maruming bagay.

    Mayroon siyang food allergy

    Pwede ring maging sanhi ng pagtatae ang food allergy o 'di naman kaya ay pagiging sensitibo sa mga gamot.

    What other parents are reading

    Anu-ano ang mga sintomas ng diarrhea?

    Nagtatae ang anak mo kung nararanasan niya ang lahat o ilan sa mga ito:

    • Basa o tubig na pagdumi
    • Palagiang pagdumi
    • Pananakit ng sikmura
    • Pagsusuka
    • Pagkakaroon ng lagnat
    • Hindi halos na umiihi o maitim na ihi
    • May dugo o itim ang kulay ng dumi
    • Panunuyo ng mga labi
    • Umiiyak ngunit walang pagluha
    • Panlalalim ng mata
    • Hindi nagpa-flat ang balat matapos pisilin
    • Pagkahilo at pagkabalisa
    • Pagiging irritable o iyak nang iyak
    What other parents are reading

    Anu-ano ang epekto ng diarrhea?

    Nakamamatay sa mga bata ang diarrhea dahil sa dehydration. Mabilis kasing ma-dehydrate ang mga sanggol—isa hanggang dalawang araw lang ng pagtatae ay maaaring maging sobrang delikado na para sa mga sanggol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa mga epekto ng diarrhea ang:

    • Madalang siyang umihi
    • Iritable siya
    • Tuyo ang kanyang bibig
    • Kakaiba ang kanyang pagiging antukin

    Kailan ako dapat tumawag sa doktor?

    Kung ang baby mo ay edad anim na buwan pababa, kailangan mong tumawag sa doktor kapag nakita mo ang mga sintomas na ito:

    • Higit sa dalawang araw na pagdumi
    • Lagnat na umaabot ng 38.8 degrees Celsius (o 102 degrees Fahrenheit)
    • Matinding pananakit ng tiyan
    • Dugo sa kanyang dumi
    • Pagsusuka
    What other parents are reading

    Ano ang gamot sa pagtatae?

    Hindi inirerekomenda ng mga eksperto na bumili lang basta-basta ng mga over-the-counter medicines. Mas maganda kasi kung dadalhin mo muna sa doktor ang iyong anak para matukoy kung anong dahilan ng kanyang pagtatae.

    Isa sa mga paunang lunas na maaari mong gawin ay ang pagpapainom ng maraming tubig para manatiling hydrated ang anak mo. Mayroon ding mga oral rehydration solutions na makakatulong para mapalitan ang mga nawalang electrolytes sa katawan ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa sa mga eksperto, maaaring makatulong ang pagpapainom ng probiotics tulad ng erceflora para magkaroon ng good bacteria sa tiyan ng bata.

    Kapag nadala mo na ang anak mo sa doktor, may mga pagkakataong magrereseta sila ng antibiotic kung mayroon mang bacterial infection ang anak mo. Maaari rin silang magreseta ng anti-parasitic drug kung sakali namang parasite infection ang dahilan ng pagtatae ng bata.

    Kaya naman napakahalagang dalhin mo ang anak mo sa doktor para eksakto at tama ang diagnosis at reseta sa kanya.

    Paano maiiwasan ang pagtatae?

    Ugaliing maghugas ng kamay

    Habang bata pa ang anak mo, magandang maturuan na siya ng wastong paghuhugas ng kamay. Maaari kasing manatili sa mga kamay ng mga anak mo ang mga bacteria at virus na maaaring magdulot ng mga karamdaman bukod pa sa pagtatae.

    Uminom lamang ng malinis na tubig

    Dapat ay sigurado ka sa tubig na iniinom ng pamilya mo. Linisin mo ring mabuti ang mga bote at baso na pag-iinuman ng mga anak mo para makasigurado kang hindi sila magtatae.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ugaliing maging mabusisi sa paghahanda ng pagkain

    Kung kumakain na ang anak mo, dapat kang maging mabusisi sa paghahanda ng mga ipapakain mo sa kanya. Iwasan mo rin ang mga pagkaing mabilis masira.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga paraan para hindi magtae ang anak mo. Ang pinakamahalaga ay siguraduhin mong malinis ang mga gamit niya at ang kanyang kapaligiran—lalo na kung naroon na siya sa edad na isinusubo na niya lahat ng mahawakan niya.

    Para sa iba pang makabuluhang parenting articles, ugaliing bumisita sa smartparenting.com.ph.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles