embed embed2
  • Yaya Horror Stories: 'Bigla Na Lang Siyang Nawala Tangay Ang Mga Damit Namin'

    Kaya naman may ilang mga magulang na takot nang magtiwala.
    by Ana Gonzales .
Yaya Horror Stories: 'Bigla Na Lang Siyang Nawala Tangay Ang Mga Damit Namin'
PHOTO BY Shutterstock/CGN089
  • Hindi maikakailang may mga pagkakataong nagiging talagang challenging at overwhelming ang pagiging magulang.

    Lalo pa ngayon na nagtatrabaho ka na nga sa bahay, ikaw pa ang magsisilbing teacher sa anak mong kasalukuyang naka-distance learning.

    Kaya naman maraming mga magulang ang pinipiling humingi ng tulong sa mga kasambahay o yaya.

    May mga maswerteng nakakahanap ng mabait, masipag, at mapagkakatiwalaang kasambahay, pero mas marami ang nakakaranas na bigla na lang iniiwanan o mas malala, napagnanakawan pa.

    Ibinahagi ng mga nanay at tatay na miyembro ng aming online community ang kanilang mga karanasan.

    3 real-life yaya horror stories

    "Inuuwi niya ang mga pagkain at gamit namin sa bahay."

    Kumuha ako ng bagong yaya dahil babalik na ako sa trabaho. Nakahanap naman kami agad, pero napansin kong parang ayaw na ayaw ng anak ko sa kanya. Sabi naming mag-asawa, baka naninibago lang kasi bago pa, kaya hinayaan na lang namin.

    Bago kami pumasok na mag-asawa sa trabaho, ihinahatid muna namin ang anak namin at ang yaya niya sa bahay ng mga biyenan ko. Hindi kasi ako kampante na sila lang ng anak ko ang maiiwang magkasama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod pa sa ayaw ng anak ko sa kanya, napansin ko ring simula nang dumating siya, parang mas mabilis na nauubos ang mga gamit namin sa bahay tulad ng snacks at gatas ng anak ko, pati na rin mga sabong panlaba.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Naghinala na ako kaya pagkatapos lang ng dalawang linggo, inalis na namin siya. Doon namin nalaman mula sa sister-in-law ko, na inaambaan pala niya ang anak ko kapag wala kami. Kaya pala galit na galit sa kanya yung bata.

    Nalaman din namin na inuuwi pala nung yaya yung ilang mga supplies namin sa bahay.

    Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ganoon kalala ang inabot ng anak ko at maliit na halaga lang ng mga gamit ang nakuha niya.

    Lesson ito sa amin na huwag magtiwala agad at kilatising mabuti ang sino mang pagkakatiwalaan sa aming anak at tahanan.

    "Sinusuot niya pala ang mga damit namin, hanggang sa ninakaw na nga niya."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakakuha kami ng yaya na inirekomenda sa amin ng mga kamag-anak naming nakatira sa probinsya.

    Noong una, masipag talaga siya at puspos ng trabaho. Pero habang tumatagal, patamad na siya nang patamad. Ayaw naman naming pagsabihan dahil baka isiping inaabuso namin siya.

    Sa totoo lang, mas malinis pa ako sa bahay. kaysa sa kanya. Ako na nga halos ang gumagawa ng mga gawaing bahay.

    Then one day, bigla na lang siyang nawala. She just left us. We found her Facebook account and saw all of our clothes. She has photos wearing them as if they were hers.

    It's been two months since she left and were hesitant to get another yaya because of trust issues. No matter how kind you are if they want to abuse you, they will. Kaya ayaw ko muna.

    "Dinadala niya ang boyfriend niya sa bahay namin."

    The first time I met this yaya, may naramdaman na akong kakaiba sa kanya. Pero dahil mahirap maghanap, nag-push through pa rin kaming mag-asawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil hindi ako masyadong nakakatulog sa gabi, I take naps during the day. I would ask the yaya to watch over my son—after all, this is why I hired her in the first place.

    Napansin ko lang, after a few minutes of 'looking after' my son. She would knock on my door and give my child back. Nahihilo raw siya o pagod. Pero 'pag nakita mo naman siya sa sala, nagse-selfie lang naman.

    One time, I even allowed her to borrow my son's tablet. Para naman malibang siya habang natutulog ang anak ko.

    Aba, nakita ko na lang na selfie na niya ang wallpaper sa tablet. Inangkin na niya itong parang kanya. Wala namang kaso 'yun. So sige na lang.

    Ang hindi talaga namin nagustuhan ay iyong pagdadala niya ng boyfriend niya sa bahay. She would just flirt with her boyfriend while my son would play in his crib.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napansin ko rin na sinusuot niya ang mga damit ko at ipinopost pa ito sa Facebook Niya. Marami na ring mga nawawala sa bahay. Kahit ang sapatos at panyo ko, ginagamit din niya!


    **

    Ilan lamang ang mga ito sa mga yaya horror stories na natanggap namin ngayong buwan. Gusto mo ba itong maging isang series na pwede mong abangan? Ilagay mo lang ang iyong request sa comments section.

    Pwede ka ring mag-email sa amin ng iyong mga kwento. Ipadala lang sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Huwag kalimutang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles