;
embed embed2
Ito Raw Ang Isang Mabisang Paraan Para Hindi Ma-Overwhelm Sa Dami Ng Gagawin
PHOTO BY Unsplash/Jcomp
  • Sa panahon ngayon, hindi na uso ang 'isa-isa lang' o iyong tinatawag na 'monotasking'. Mas kilala kasi ang kabaligtaran nito na multitasking. Ito iyong marami kang ginagawa nang sabay-sabay.

    What other parents are reading

    Hindi na bago ito sa mga nanay, lalo na ngayong narito tayo sa new normal, kung saan sa bukod sa nagtatrabaho ka na sa bahay, nag-aasikaso ka pa ng mga chores, at nagsisilbi ka pang guro sa iyong mga anak. Nariyan din ang responsibilidad mo sa iyong asawa at ang mga moments mo para sa iyong sarili.

    Dahil nga sa sobrang dami ng mga kailangan mong gawin ngayon, hindi nakapagtatakang ma-overwhelm ka. Sa katunayan, maraming mga nanay na mula sa aming online community ang nagsabing madalas silang makaramdam ng anxiety dahil hindi nila alam kung paano pagsasabay-sabayin ang mga responsibilidad na ito.

    What other parents are reading

    Karamihan ng mga payo online na makikita mo ay kung paano mo maisasaayos ang araw mo para mapagsabay-sabay ang mga kailangan mong gawin sa isang araw. Ngunit alam mo bang hindi mo kailangang pagkasyahin sa isang araw o isang oras ang mga responsibilidad mo?

    Ito ang tinatawag na "time blocking".

    Kilala rin ang time blocking sa tawag na monotasking o time chunking. Ito ay isang time management technique kung saan irereserve mo ang oras mo para sa isang task lang.

    What other parents are reading

    Halimbawa, pagdating sa trabaho, sa halip na tignan mo ang email mo sa tuwing may notification, magtatalaga ka ng oras para lang sa pagtingin mo sa mga emails mo.

    Ganito rin ang gagawin mo para sa ibang mga bagay. Kung nagtuturo ka sa mga anak mo ng mga aralin nila, mas maganda kung ito lang ang gagawin mo kaysa isasabay mo ang pagluluto at iba pang mga bagay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa madaling salita, mayroon kang specific na oras para lang sa isang gawain. Ayon sa mga eksperto, sa pamamagitan ng ganitong time management style, mas nagkakaroon ka ng control sa araw mo at mas maayos mong nabibigyang prayoridad ang mga kailangan mong gawin. Kapag natapos ang isang araw, mararamdaman mong mayroon nagawa o na-accomplish ka.

    What other parents are reading

    Paano kung kailangan mong mag-multitask?

    Ayon sa mga pananaliksik, 2.5% lang ng populasyon ang kayang mag-multitask ng maayos. May mga pag-aaral nang nagpapatunay na nakokompromiso ang kalidad ng ginagawa mo kung sabay-sabay ang mga sinusubukan mong ma-accomplish.

    Lumalabas sa isang 2013 pag-aaral sa University of Utah na ang mga taong mahilig pagsabay-sabayin ang paggawa ng maraming bagay ay malimit na hindi masyadong productive at madalas ding magkamali.

    What other parents are reading

    Bukod pa riyan ang madalas na papalit-palit ng ginagawa ay maaari ring makaapekto sa resulta ng ginagawa mo. Sabi ng mga neuroscientists, ang paulit-ulit na paggawa ng napakaraming bagay nang sabay-sabay ay nakakaapekto sa kakayahan nating gumawa ng mga simpleng bagay.

    Ayon pa sa kanila, mas madalas kang maraming ginagawa nang sabay-sabay, mas kakaunti ang iyong naa-accomplish. Ito'y dahil hindi ka nakakapag-focus sa iisang gawain. Nakakaapekto rin ito sa kung gaano kabilis mong nagagawa o natatapos ang isang bagay.

    What other parents are reading

    Paano gamitin ang time blocking?

    Gumawa ng listahan

    Anu-ano ba ang mga proyektong kailangan mong gawin? Sa halip na pagsama-samahin ang mga pwede mong pagsabayin, magtalaga ka ng oras para sa bawat gawain.

    Markahan ang iyong priorities

    Sabi ng mga eksperto, pumili lang ng dalawa hanggang tatlong priorities sa isang araw. Itong mga priority tasks na ito ang makakakuha ng tinatawag na 'prime slots' sa araw mo o iyong oras kung saan hindi ka talaga maiistorbo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Magtalaga ng schedule

    Kapag alam mo na ang mga priorities mo, pwede ka nang magtalaga ng schedule para sa bawat isa.

    What other parents are reading

    Epektibo ba ito sa mga nanay?

    Oo naman. Bagaman mas mahirap itong sundin kung isa kang working mommy na may sinusunod na work schedule at class schedule ng mga bata, posible mo pa ring magamit ang time blocking sa iyong advantage.

    Halimbawa, itaon mo ang reading session ng mga bata sa isang priority task mo para hindi ka nila guluhin habang naka-focus ka sa ginagawa mo.

    Kung pareho kayong working from home ni hubby, pwede ninyong paghatian mag-asawa ang chores at pag-aalaga at pagtuturo sa mga bata.

    What other parents are reading

    Kung enrolled ang anak ninyo sa isang school na nag-ooffer ng distance learning, itaon mo ang mga pinaka-importante mong gawain habang nasa 'school' sila.

    Aminado naman ang mga eksperto na hindi magiging madali ito sa umpisa dahil malaking pagbabago ito mula sa nakasanayan ng marami sa atin.

    Unang magiging mahirap ang hindi pagsabay-sabayin ang maraming bagay. Lalo na't sanay kang nagluluto habang sumasagot ng emails o 'di naman kaya ay nagsasalang ng labahin sa washing machine habang tinuturuan mo ang mga anak mo ng aralin nila.

    What other parents are reading

    Kung isa ka sa maraming mga nanay na nakakaranas ng anxiety at labis na pag-aalala dahil sa dami ng mga nangyayari ngayon, makakatulong kung mayroon kang sistema para hindi ka tuluyang ma-overwhelm sa mga responsibilidad mo.

    Ano man ang sistemang mabuo mo, maging time blocking man 'yan o multitasking, ang mahalaga ay hindi makompromiso ang iyong emotional, mental, at physical well-being.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong epektibong time management method ang ginagamit mo? Saan mo ito natutunan at paano ito nakatulong sa iyo? I-share mo na ang iyong experience sa comments section.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles