embed embed2
Paano Ang Work From Home Kung May Mga Batang Dapat Alagaan
PHOTO BY courtesy of Jannelle Swing and Say Alonzo/Instagram
  • Dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ), naging sistema na ng maraming opisina na magtrabaho na lamang ang kanilang mga empleyado mula sa sarili nilang tahanan.

    Hindi na bago ang ganitong work-from-home setup para sa working moms na Say Alonzohost/social media influencerat Janelle Swing, isang social media management/marketing trainer naman si Janelle.

    May dalawang anak si Say: sina Asher, 5, at Austin, 1. Ang unico hijo naman ni Janelle na si Jesse, 3. Patuloy nilang pinagdadaanan ang mga hamon ng sabay na paggawa ng trabaho at pag-aalaga sa kanilang mga anak sa ilalim ng isang bubong.

    What other parents are reading

    How to work from home when you have a toddler

    Ibinahagi nila Say at Janelle ang kanilang mga karanasan at kaalaman sa Smart Parenting Masterclass: Toddler Expertips nitong April 30, 2020 sa pamamagitan ng Facebook Live. Ang paksa ng livestream na hatid ng Nido 3+ ay “How to Work from Home Productively Even With a Toddler.” Nagbigay sila ng tips at sumagot ng ilang tanong mula sa mga sumubaybay sa livestream (mag-scroll pababa para panoorin).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tip 1: Set priorities.

    Ayon kay Janelle, na nagtuturo ng social media management sa ilalim ng freelancer community na Filipina Home-Based Moms (FHMoms), malaking tulong ang paggawa ng listahan ng mga araw-araw na gawain. Sa to-do list na ito nakasulat hindi lamang ang mga dapat gawin bagkus ang mga dapat unahin.

    Imbes daw na tapusin ang lahat ng gawain sa isang pasada, hatiin at ikalat ang mga ito sa buong araw. Kuwento niya na bago matapos ang kanyang araw, gumagawa na siya ng to-do list para sa susunod na araw. Pagkatapos ay inaayos niya ang mga gawain ayon sa kanyang prayoridad, lalo na iyong may takdang araw ng pagsumite o due date.

    Sinisiguro ni Janelle na hindi niya napapabayaan ang kanyang gawain sa bahay at anak, kaya kasama sa kanyang to-do list ang “mom duties,” kahanay ng “client tasks” at “FHMoms tasks.”

    What other parents are reading

    Tip 2: Work when you are most productive.

    Para maging productive, sabi ni Janelle, dapat daw ay walang distraction habang nagtatrabaho. Kaya hanapin ang oras na walang magiging sagabal. Puwede raw sa tanghali, o sa gabi pag tulog na ang mga bata, o kaya sa umaga habang tulog pa ang mga bata, o di kaya pag naptime nila. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Tip 3: Try not to multitask. Instead, be organized.

    Payo ni Janelle na iwasan na pagsabayin ang mga gawain. Mahirap man pigilan ang multitasking, tulad sa kaso niya na madalas maraming nakabukas na tabs sa kanyang computer, ay draining daw ito. Mas mainam daw na maging organized, at para magawa ito, makakatulong ang mga task management platform, tulad ng Asana, Trello, at Google Calendar.

    Aniya, “’Yon ang mga ginagamit kong tools para nakikita ko kung ano ’yong mga na-complete ko ng tasks, ano ’yong pending pa, and Google Calendar ’yong time management. So I know kapag may mga meetings ako. Alam ko pag may appointments akong naka-set.”

    What other parents are reading

     

    Tip 4: Stick to your specific work schedule with your parental duties in mind.

    Paalala ni Janelle na kahit tutok sa trabaho ay huwag kalimutan na may anak na kailangang may pagkaabalahan din. Kaya daw ginagawan niya ng sariling schedule ang unico hijo na si Jesse. Nakasulat sa schedule ang activities, tulad ng painting at writing, na susundin na gawin ng toddler bilang routine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gusto naman daw ng kanyang anak na magtatakbo sa kanyang home office ay maglalabas siya ng pens, crayons, at coloring books. Pagkatapos, sasabihan niya ito na tabihan siya at sabay sila sa kani-kanilang gawain. Mainam daw isipin ng bata na pareho silang nagtatrabaho.

    Tip 5: Delegate small tasks that teach independence in kids.

    Ikinuwento ni Say, na siya ring host ng livestream, na tinuturuan niya at ng kanyang asawa ang kanilang panganay na si Asher ng ilang magaang na gawaing bahay, tulad ng paglilinis, pagdidilig ng halaman, at pagtutupi ng mga nilabhang damit. Marunong na rin daw si Asher na mag-isang mag-toothbrush at magtabi ng mga laruan. 

    Sang-ayon si Janelle na epektibo iyong paraan upang maging independent ang bata. Ang kanyang si Jesse naman daw ay nagkukusa nang magtimpla ng sarili niyang gatas. Nakikita daw kasi siya ni Jesse na busy sa pagtatrabaho kaya ito na ang kumuha ng feeding cup at nilagyan ng gatas at tubig. Iyon nga lang nang i-shake ng bata ang cup ay natapon ito at umiyak dahil akala niya ay pagagalitan siya. Pero doon naman natututo ang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Tip 6: Ask help when needed.

    Aminado si Say na problema niya ang paghingi ng tulong dahil gusto niyang gawin lahat ng kailangan niyang gawin. Kaya ang nangyayari daw minsan ay nao-overwhelm siya, lalo na’t wala silang katulong sa bahay at walang yaya ang mga bata. 

    Na-realize niya na kailangan niya talaga ang tulong ng kanyang asawa. Pag may video call o Facebook Live siya na dapat gawin, pinapakiusapan niya ito na tumingin muna sa mga bata. Kung din man makapag-leave sa trabaho ay aagahan na lang daw ng uwi ng mister. Masaya siya na teamwork nilang mag-asawa.

    Tip No. 7: Don’t forget to take a breather!

    Binigyan diin nila Say at Janelle ang kahalagan ng self-care. Ginagawa ito ni Say sa pamamagitan ng kanyang daily 45-minute exercise at weekly skin pampering. Kada Linggo din si Janelle na may coffee/tea time o di kaya ay spa time sa bahay. Pag nasumpungan, magpapahangin sa kanilang bakuran at hihinga lang nang malalim.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close