-
Money Walang Pang 3 Years Old, May Ipon Na Ang Bata Ng P77,000!
-
Real Parenting Mom On Raising A Toddler: Don’t Let Anyone Tell You You’re A Bad Parent. They Have No Idea
-
Home Whoa, This Tiny House Can Be Built In Four Hours And Costs P89,000
-
News Dawn Zulueta's Beauty Secret: Wag Magtanim ng Sama ng Loob
-
Gamitin Ang DepEd Dropbox Enrollment System Kung Walang Internet O Computer
August 24 ang itinalagang school opening ng DepEdby Jocelyn Valle .

PHOTO BY iStock
Naghahanap ka ba ng learn-at-home options at napapaisip kung magkano ang mga ito? Bisitahin ang Smart Parenting Classroom!
Bukod sa ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) na remote enrollment para sa public school students gamit ang telepono o computer, may isa pang paraan para mairehistro ang iyong anak kung walang access sa text, call, internet, at social media.Steps para sa Dropbox Enrollment System ng DepEd
Ito ang Dropbox Enrollment System na, tulad ng remote enrollment, extended din hanggang July 15, 2020.
Pupunta lang ang magulang o guardian sa barangay hall ng kanilang lugar o di kaya ang paaralan na papasukan ng bata. Hanapin ang kiosk o designated area para sa DepEd at kausapin ang kawani ng ahensiya na nakatala dito upang mabigyan ng Learner Enrollment and Survey Form (LESF). Mabibigyan din dito ng assistance sa pagsagot sa form at pagsunod sa proseso hanggang makumpleto ang enrollment.
Paalala ng DepEd na magulang o guardian lang ang maaaring gumawa ng transaksyon sa kiosk, at hindi ang estudyante mismo. Kaya huwag hahayaan na umalis ng bahay ang bata kung ang dahilan nito ay mag-e-enroll.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSinisiguro naman ng DepEd na sinusunod ang health at safety protocol sa bawat kiosk. Kabilang dito ang pagsusuot ng kawani ng face mask, paglalagay ng disinfectant sa lugar, at pagbibigay paalala sa mga nakapila na pairalin ang social distancing.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMagbubukas ang klase sa August 24, na siyang napiling petsa ayon sa malawakang konsultasyon na ginawa ng ahensiya bunsod ng COVID-19 pandemic. Isa dito ang survey na nilahokan ng 700,000 na guro, mag-aaral, at magulang.
Alinsunod din ito sa Section 3 ng Republic Act No. 7797, na nagsasabing “ang mga klase sa basic education ay dapat magbukas sa unang Lunes ng Hunyo at hindi dapat lalampas sa huling araw ng Agosto.”
Paliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones sa online presser nitong July 1 na Blended Distance Learning Modalities ang magiging sistema ng pagtuturo sa mga bata. Ibig sabihin, magkahalong online at traditional learning ang mangyayari dahil hindi lahat ng estudyante ay may access sa gadgets at technology.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAniya, ihahanda na ng ahensiya ang printed materials o modules para sa mga estudyante na walang computer at internet connection bago pa magbukas ang klase. Ang mga materyales na iyon ay maaaring kunin ng magulang sa mapagkakasunduang oras at lugar sa kinatawan ng paaralan.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network