embed embed2
  • #DropYourHonorsChallenge Viral Post, May Magandang Payo Tungkol Sa Grades

    Maraming sumang-ayon sa viral Facebook post, kabilang na si Yasmien Kurdi.
    by Jocelyn Valle .
#DropYourHonorsChallenge Viral Post, May Magandang Payo Tungkol Sa Grades
PHOTO BY iStock
  • Naging viral ang Facebook post ni Marky Lee, isang residente ng Ormoc City, para sa #dropyourhonorschallege. Nagkuwento siya na dati siyang consistent honor student hanggang college at ngayon ay graduate school dropout at unemployed.

    READ MORE ABOUT EQ

    Mula nang mai-post itong entry niya noong September 27, 2020, marami ang nagbigay ng positibong reaksyon. Umani ito ng 71,000 likes, 5,500 comments, at 54,000 shares hanggang ngayong halos dalawang linggo na ang nakakaraan.

    Aral na mapupulot sa viral 'Drop Your Honors Challenge' post

    Isa sa mga nag-share ng post niya ang aktres na si Yasmien Kurdi, na nagtapos ng college bilang magna cum laude tulad ni Marky. 

    “Ang ganda ng sinabi niya,” ayon sa shared post ni Yasmien na may kalakip na red heart emoji. Ibinahagi din niya ang ilang parte ng mga sinabi ni Marky: “Study hard for learning and not for numbers. Grades are just a bonus…Compete with no one. How you will ace life after school is the real challenge… Life isn’t a race. Just keep going. Things will eventually fall into proper places.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi garantiya ng mataas na pinag-aralan ang maunlad na buhay

    Si Marky ay consistent honor student mula elementary (class valedictorian) hanggang high school (class valedictorian) at college (magna cum laude). Naging international exchange student din siya sa U.S. sa ilalim ng work and travel program. Lisensyado pa siya ng Professional Regulation Commission (PRC) bilang Licensure Exam for Teachers (LET) passer. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa kabila ng mga ito, hindi maunlad ang pamumuhay ni Marky sa kasalukuyan. Inamin niyang nag-drop out siya sa graduate school. Wala rin siyang pinapasukang kumpanya pati na pag-aaring pera, ipon, o investment. Sabi nga niya, “Starting from scratch and patuloy na lumalaban…” 

    Daig ng street smart ang book smart

    Tinatawag na “book smart” ang isang taong mula sa libro ang kaalaman. Halimbawa nito ang mga estudyante na nagiging matalino dahil subsob sa pag-aaral at partisipasyon sa eskuwelahan. Wala namang mali kung mag-i-excel sa academics, ayon kay Marky.

    Paliwanag niya na ang honors, awards, at ipa pang recognition ay hindi basta ibinibigay, bagkus “pinaghihirapan at pinagpupuyatan.” Maaaring magkaroon ng silbi ang mga ito paglabas ng paaralan at sa paghahanap ng trabaho, pero hindi garantiya sa pagiging matagumpay sa buhay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Batid ni Marky na hindi lahat ng guma-graduweyt na class valedictorian, tulad niya, ay nagkakaroon ng marangyang pamumuhay at nagiging sikat. Pansin kasi niya na mataas man ang intelligence quotient (IQ) nila, mababa naman daw ang emotional quotient (EQ). 

    Komento pa niya na ang mga book smart ay nadadaig ng mga street smart, o ang mga taong nabuo naman ang talino mula sa labas ng classroom at sariling karanasan. (Basahin dito ang pagkakaiba ng IQ at EQ.)

    Bigyan pansin ang iba pang talento at abilidad ng mga kabataan

    Payo ni Marky sa mga magulang at guro sa huwag lamang pagtuunan ng pansin ang academic performance ng mga anak at mag-aaral. Mainam din daw na tulungan na sanayin at linangin ang talento at abilidad ng mga kabataan. Dagdag pa dito ang pag-alaga sa kanilang mental at emotional well-being. 

    Nabanggit sa viral Facebook post ang kaso ni Shaira Luna, na naging tanyag noong 1990s sa pamamagitan ng advertising campaign ng isang milk brand. Kabilang si Shaira sa tatlong kinilalang child geniuses sa mga commercial. Sa halip daw na maging scientist o flutist, gaya ng inaasahan sa kanya, sinundan ni Shaira ang passion at naging photographer.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mag-aral para sa karunungan, hindi para sa mataas na grado

    Paalala ni Marky sa mga estudyante na pag-ibayuhin ang pag-aaral para madagdagan ang karunungan at hindi para makakuha ng mataas na grado. Aniya, bonus na lamang ang grades. Huwag gawing kompitensya ang sino mang kamag-aral. Ang totoong hamon ng buhay ay nahihintay sa labas ng eskuwelahan.

    May kanya-kanya tayong panahon

    Ayon kay Marky, “chill” lang kung wala pang achievement hanggang ngayon. Iba-iba naman daw tayo ng timeline, kaya tuloy lang ang buhay. Sabi nga niya, “It is never too late to re-invent yourself, pursue your passion, and find that happiness.”

    Kung may mga tao daw na alam na ang gustong gawin at naging matagumpay sa murang edad pa lamang, mayroon din namang nakamit ang mga ito kalaunan na. Ang mahalaga ay gawin ang mga bagay na nagbibigay kaligayahan nang hindi nalilimitahan ng timeline at timetable, pati ng pressure at deadline, na batid ng lipunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag din daw ikumpara ang sarili sa ibang tao. Maging masaya na lamang sa mga dating classmates at batchmates na “happily married, have stable jobs, have professional tiles, live in beautiful houses, driving the latest car models, or are always traveling overseas.”

    READ MORE ABOUT EQ

    Hindi naman karera ang buhay, kaya hindi kailangang makipag-unahan. Tuloy-tuloy lang dahil darating din ang araw na magiging maayos ang lahat at mahahanap ang “purpose in life” na siyang magpapasaya at kukumpleto sa pagkatao. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles