embed embed2
  • 'Proud Ako Sa Kanya, Kahit Wala Na Siya,' Father Marched With Son's Standee On Graduation Day

    Paano nga ba matutulungan ang mga magulang na nakakaranas ng dalamhati sa pagkamatay ng anak
    by Judy Santiago Aladin .
'Proud Ako Sa Kanya, Kahit Wala Na Siya,' Father Marched With Son's Standee On Graduation Day
PHOTO BY EDUARD VILLANUEVA DESTUA
  • Naging viral sa social media ang video ng isang ama na nag-martsa bitbit ang life-size standee ng anak niyang namatay na.

    Mapapanood sa video na kuha ni Eduard Villanueva Destua, ang amang si Felipe Sanchez, Sr. na nag-martsa sa entablado kasama na lamang ang standee ng anak niyang si Mark Sanchez. Si Mark ay isang fourth year BA English student mula sa Marvellous College of Technology Inc. sa Koronadal City, South Cotabato.

    Sa panayam ng One PH News program sa ama ni Mark, namatay ang anak niya noong April 15, matapos itong atakihin sa puso dahil sa sakit na asthma.

    “Hindi talaga mapigilan ang sakit na nararamdaman ko kasi kitang-kita ko po ang kalagayan ni Mark. Kung puwede nga lang isalin ang hininga ko sa kanya, gagawin ko bilang ama. Napakasakit," sabi niya.

    READ ALSO: How Do You Say Goodbye: Explaining Death to our Children

    Ayon sa report, ang mga kaklase ni Mark ang nakaisip na gumawa ng standee para matupad ang pangarap na makapag-martsa ito kasama ang kanyang ama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Talagang pangako ko sa aking anak, napatunayan ko sa kanya na proud ako sa kanya, kahit wala na siya, sinikap ko sa tulong ng mga classmate niya, na sila ang mag-assist sa akin."

    Ang huling post ni Mark sa kanyang Facebook account ay noong April 14, kung saan humihingi ito ng solicitation para sa kanyang graduation.

    "Graduation is a dream come true to everyone it is  a meaningful and memorable celebration that pays each students' hard works and sacrifices. This year it is not the end of my journey as a student but it is a new chapter of my life to face new challenges."

    READ ALSO: Never Too Poor or Too Sick to Dream: 3 Remarkable Graduation Stories

    Paano harapin ang grief o dalamhati dahil sa pagkamatay ng anak

    Narito ang ilang sa mga paraan upang maka-cope sa pagkamatay ng anak.

    1. Ibahagi ang nararamdaman.

    Ayon kay Ichel Santos-Alignay na isang awtor, registered psychologist at registered guidance counselor, kung nais mong magdasal, umiyak, o makipagusap ukol dito, gawin mo ito. "Try to remember that your crying has a purpose. Make your tears as your 'stepping stones' in looking for hope and healing." 

    Mahalagang makipag-usap sa mga pinagkakatiwalaang tao o sa eksperto kung kinakailangan.

    2. Gamitin ang panahong ito upang makatulong sa ibang bata.

    Para kina Karla at Renan Caparas, ang pagkamatay ng kanilang 33-weeker baby boy na si Nathan dahil sa severe pneumonia ang nagsilbing mitsa ng pagsisimula nila ng House of Nathan, isang adbokasiya na tumutulong sa mga sanggol na nasa NICU at newborn wards ng mga ospital. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "House of Nathan is our family's way of honoring Nathan's short but meaningful life. It is our way of paying it forward to all the people who helped us during our challenging but rewarding journey. We know how hopelessness feel. We know how difficult and challenging a preemie journey is, and we want to help in little ways that we can," ayon kay Karla.

    3. Makipag-usap sa mga magulang na nasa kaparehong sitwasyon.

    Ayon naman sa grief coach na si Cathy Sanchez Babao, makakatulong ang pakikipag-usap sa mga magulang na nakaranas din ng pagkamatay ng anak.

    "Reaching out to bereaved parents online and in person and talking about their experience and how they survived was a lifeline in the early years," sabi niya sa kanyang libro na Heart On My Sleeve. 

    Maaari rin na sumali sa Smart Parenting Village, isang pribadong Facebook group ng higit sa 80,000 magulang na maaaring mayroong may kaparehong karanasan.

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles