embed embed2
  • Hindi Fake News Ang Kakulangan Ng PPE Para Sa Mga Doktor

    Delikado ang trabaho nila pero sumusuong sila nang walang proteksyon.
    by Ana Gonzales .
Hindi Fake News Ang Kakulangan Ng PPE Para Sa Mga Doktor
PHOTO BY Pexels and Lawyers for Doctors Philippines
  • Nito lamang March 26, 2020, kinumpirma ng aktres na si Ruby Rodriguez, sa pamamagitan ng isang Instagram post, ang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian dahil sa COVID-19.

    "We will only remember you with happy memories, laughing, and sleeping, your Johnson outfits and all, how you love bling bling, your Kuaff hair every day, your K-drama addiction I will make you kwento what I have seen last, our Sunday lunches, our 'bonding trips' that you and I only do," sabi ng aktres sa kanyang caption.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Dr. Sally ang presidente ng Philippine Pediatric Society at ilang beses na rin siyang naging resource person ng SmartParenting.com.ph sa ilan sa aming mga health-related articles.

    What other parents are reading

    Isa lamang siya sa ngayo'y tumataas na ring bilang ng mga doktor at medical professionals na nahahawahan ng COVID-19 dahil sa kakulangan ng mga personal protective equipment o PPE.

    Kamakailan nga ay nanawagan si Antonio Ramos, head of hospital's administrative service ng Lung Center of the Philippines, para sa sino mang maaaring mag-donate sa kanila ng mga PPE. Maging ang mga health authorities sa Davao City ay nagpahayag na rin ng kakulangan sa kagamitan.

    Sinubukan namang tugunan ng ilang sektor ng pamahalaan, maging ng mga independent groups ang kanilang panawagan.

    What other parents are reading

    Narito ang ilan sa mga grupo na pwede mong tulungan para makagawa at makapagpadala ng mga PPE sa ating mga frontliners:

    FabLab UP Cebu

    Ang mga donasyong nakukuha ng team sa likod ng FabLab UP Cebu ay ginagamit nila para gumawa ng sarili nilang mga face shields na siya naman nilang ipinapamigay sa mga nangangailangan. Pwede ka ring magdonate ng mga materials.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Pwede mong bisitahin ang kanilang Facebook page para manatiling updated sa kanilang mga efforts at pangangailangan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership

    Sa kanilang tala, mayroon na silang nakalap na 31,280,779.29. Ayon pa sa kanila, sa ganito karaming donations, makakagawa na sila ng mahigit 60,000 piraso ng PPE.

    Para maipagpatuloy pa nila ang paggawa, dito ka pwedeng magpadala:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magpapatuloy ang kanilang donation drive hanggang April 14, 2020.

    What other parents are reading

    Philippine General Hospital

    Hindi lang PPE ang ipinanawagan ng PGH. Nanghihingi rin sila ng donasyon para sa 70% ethyl alcohol, surgical masks, n95 masks, face shield, at surgical gowns.

    Lawyers for Doctors Philippines

    Tulong-tulong naman ang grupo ng mga abogadong ito para makapagipon ng sapat na pondo para sa ating mga frontliners.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kang mag-donate sa kanila ng mga face masks, gloves, at alcohol. Pwede mo ring i-sponsor ang pagkain ng ating mga frontliners. Kailangan mo lang makipagugnayan sa kanila at sila na ang bahala sa logistics.

    What other parents are reading

    Office of the Vice President

    Umabot na sa Php31 milyon ang nakalap na donasyon ng Office of the Vice President. Nakagawa na rin sila ng mahigit 60,000 na PPE at iba pang mga kailangan ng frontliners.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa kanilang pag-aaral, tinatayang magagamit ng mga frontliners ang mga PPE na ito sa loob ng labinlimang araw.

    Catalan

    Mahigit Php60,000 naman ang naipon ng Catalan na ibinili nila ng mga telang gagamitin para manahi ng mga PPE suits.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa bawat dalawang rolyo ng tela, tinataya nilang makakagawa sila ng 70 hanggang 80 piraso ng mga PPE suits.

    What other parents are reading

    Marami mang kalituhan at aberyang nangyayari ngayon sa ating bansa at sa buong mundo, mas marami pa ring bayanihan at pagtutulungan ang nangyayari.

    Maraming mga pribadong kababayan natin ang tumutulong mula sa kanilang mga bahay, katuwang ang mga negosyanteng nagpapadala rin ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ng frontliners.

    Sa halip na manood, tumunganga, o mawalan ng pag-asa, pwede mong gugulin ang iyong panahon para tumulong sa ating mga 'sundalo' at makabagong bayani.

    Para sa iba pang balita at kwento tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ang link na ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close