embed embed2
  • Nag-Volunteer Si Jennica Garcia Sa Rescue Operations Ng Typhoon #UlyssesPH

    Ibinahagi ni Jennica ang ilang karanasan habang nagsasagawa ng kanilang trabaho.
    by Jocelyn Valle .
  • Aktibong tumutulong si Jennica Garcia sa mga nasalanta ng bagyong UlyssesPH bilang kasapi ng Alliance Search and Rescue (ASAR).

    Misyon ng ASAR, ayon sa Facebook page nito, ang palakasin at pagbigkisin ang Filipino outdoorsmen sa pamamagitan ng edukasyon at serbisyo publiko upang makapagligtas ng buhay.

    Ibinahagi ni Jennica ang ilang karanasan nilang magkakagrupo habang nagsasagawa ng rescue operations. Base sa kanyang Instagram posts, nagsimula silang rumosponde nitong November 12, 2020, habang patuloy pa ang hagupit ng isa sa pinakamatinding bagyo ng kamakailang panahon.

    Kabilang sa mga nahatiran na nila ng tulong ang mga lubhang binahang mga lugar sa siyudad ng Marikina at bayan ng Cainta sa Rizal.

    Sa una nilang pagsabak sa rescue operations, humingi si Jennica ng dasal mula sa kanyang social media followers.

    Papunta sila noon sa Rizal. Aniya, “Naniniwala po ako na mas marami ang nagdadasal ng iisang hangarin ay mas nagiging malakas ang panalangin.”

    Kalakip nito ang listahan mga pangalan nilang magkakasama. “Panalangin po natin na kami ay maging ligtas at patuloy na gabayan ng Panginoon sa kung saan may higit na pangangailangan ng sa ganon ay marami kaming matulungan. Presence of mind, liksi ng katawan, lakas, at ang kakayahan na mag improvise sa mga pagkakataon kung sakaling may kailangan na gamit, ngunit hindi sapat.

    “Higit sa lahat, panalangin po sana ninyo na wag kami tamaan ng kahit anong uri ng sakit. Taos pusong panalangin na kayahin ng lahat [ng] rescuers, kahit pa anong organization po sila nakabilang, na mailigtas ang LAHAT ng nangangailangan nito, sa LAHAT ng areas ng Pilipinas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Saludo po ako sa aking mga kasamahan sa ASAR, na kailanman di ko nakitaan ng panghihina ng loob sa panahon [ng] kalamidad. Ganon din sa WISAR [Wilderness Search and Rescue Philippines] at Caloocan East Fire and Rescue. Isama rin po natin sila sa ating mga panalangin dahil nasa field na po sila. Maraming salamat po.”

    Sa sumunod niyang post, ikinuwento ni Jennica ang malagim na pangyayari sa isang biktima ng bagyo at pagbaha sa lugar ng Dona Petra sa Barangay Tumana, Marikina City. Napag-alaman nilang “Terry” ang pangalan ng “homeless woman” na nalunod at bangkay na nang maabutan nila.

    Malungkot niyang lahad na wala silang dalang stretcher o ano pang gamit para  mas maayos na madala ang bangkay mula sa baha hanggang sa tuyong lugar.

    Paliwanag pa niya, “May alon kaya hindi na namin kinayang balikan ang mga gamit. We had to improvise to get her inside our boat. Ang bangka na gamit namin ay hiram lamang at hindi de-motor. Sinagwan namin ito at itinulak hanggat kaya pag ang tubig ay mas mababa sa aming dibdib.”

    May mensahe at hiling si Jennica sa nasawi: “Manang Terry, alam ko pong nakita ng Panginoon ang buhay ninyo bilang isang homeless dito sa mundo. Nawa’y nasa tabi na po sana kayo ng ating Tagapaglikha. Rest in Peace, Manang Terry.”

    Sa pinakahuling post ni Jennica, ikinuwento ng actress at mom of two na may nagmagandang loob na bigyan sila ng maraming box ng donuts.

    Kumakain sila noon nang mabilisan para makapag-ipon ng lakas sa gagawing rescue operations sa Cainta. Biglang may tumigil sa kalsada, kung saan sila kumakain, at iniabot ang pagkain. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Walo lang kami pero ang daming box ang sa amin ay ibinigay,” pahayag ni Jennica, na halatang puno ng gulat at galak. “Maraming salamat po sa lahat ng mabubuting loob na nagbibigay ngiti at lakas sa amin. Tuloy pa po ang pag responde. Maraming salamat po ulit.

    “Please continue to pray for us, the families in Cainta and, everybody in the Philippines, who are still in dire need of help. Mula po sa amin ng Alliance Search and Rescue. Maraming salamat po!”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles