Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kumakapit Na Lang Sa Filters? Tatlong Paraan Para I-Handle Ang Insecurities

    Mahirap itago ang pagiging hulas pero kapag nanay ka na, minsan, mahirap itong iwasan.
    by Ana Gonzales .
Kumakapit Na Lang Sa Filters? Tatlong Paraan Para I-Handle Ang Insecurities
PHOTO BY Pexels
  • Sa Smart Parenting Village, madalas nakikita namin ang mga nanay sa kanilang pinaka vulnerable moments. Doon kasi, malaya nilang naikukwento ang kanilang mga insecurities, takot, at doubts sa kanilang mga sarili. Kahit kasi gaano ka-fulfilling maging nanay, may mga pagkakataong ma-mimiss mo ang dati mong katawan, ang kalayaang gawin kung anong gusto mo, o sa ibang extreme cases, ang dati mong tiwala sa iyong sarili.

    Malaking responsibilidad ang pagiging magulang, madalas ay hindi mo alam kung tama ba ang ginagawa mo. Dagdagan mo pa ng pressure mula sa society, sa iyong pamilya, sa iyong mga kaibigan, at minsan sa iyong asawa, talagang hindi maiiwasang ma-insecure ka. Kaya naman narito ang ilang paraan kung paano mo pwedeng i-handle ang mga pagkakataong nai-insecure ka.

    More from Smart Parenting

    Humanap ng matibay na support system

    Kwento ni mommy Caren Clariza Cortez, 17 kilos ang itinaas ng timbang niya pagkatapos niyang manganak. Sobrang insecurity ang naramadaman niya. Pero dahil mayroon siyang supportive na asawa, na-inspire siyang magworkout at kumain ng masustansiyang pagkain. “I am blessed with a husband who would always tell me that he loves me and that I look beautiful and sexy no matter what. If he loves me at my worst, he certainly deserves me at my best so I went on a strict diet and lost 20 kilos in three months. I have gained my confidence back,” kwento niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ganyan din ang experience ni mommy Agatha Dayao-Arreola. “I always feel insecure kasi I experienced extreme weight loss due to breastfeeding. Super haggard and super far away na sa physical appearance ko noon,” sabi niya. Tuwing nararamdaman niya ito, tinitignan niya lang ang kanyang anak.

    “Every time I see how my little girl is growing and super healthy, hindi na ako nanghihinayang with what I've lost."

    "It’s my daughter who calms me whenever I feel anxious and insecure, plus my husband na rin who tells me I am doing good always,” dagdag pa niya.

    More from Smart Parenting

    Practice self-love

    Gawin mo kung anong nagpapasaya sa iyo. Gawin mo ang mga bagay na tumutulong para maramdaman mong sexy at maganda ka. Para kay mommy Janneth Tabor Andes, kapag tinatamaan siya ng insecurities, humaharap lang siya sa salamin. “Nagme-makeup ako. Tapos sasabihin ko sa sarili ko, ‘Maganda ka kahit mataba ka na.’ I am loved. I am special. Lalo na sa mga mata ng mga kids ko at siyempre sa asawa ko,” sabi niya.

    Effective para kay mommy Jem Cadiz ang mag-shopping ng mga makeup at skincare products, pati na rin ang pag-undergor ng mga body treatments sa spas at parlors. Sinusubukan din niya ang mga bagong restaurants basta may pagkakataon at minsan ay nagla-late night road trips pa silang mag-asawa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Napakasimple naman ng technique ni mommy Bless Vir Marie Tenorio. “Pag naiinsecure ako, naglilipstick ako, yung pulang pula! Simple lang pero effective for me,” kwento niya.

    Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa ibang mga nanay. Gaya ng iyong pagbubuntis, ang experience mo ay iba sa experience ng iba dahil hindi kayo pareho ng katawan. Kung gagawin mong basehan ng kagandahan ang katawan ng iba, habangbuhay mong hindi matututunang mahalin ang katawan na mayroon ka.

    Pagdating sa comments ng iba, pasok sa isang tenga, labas sa kabila

    Maganda ring huwag mong hayaang makapasok sa iyong isip ang sinasabi ng iba. Para kay mommy San Sai, dati ay apektado at napipikon pa siya sa sinasabi ng iba, lalo na ang mga dating kakilala niyang pumapansin sa pagbabago sa katawan at itsura niya. Ngayon, natutunan na niyang ngumiti na lang. “Whenever na may mga ganoong ganap, I just smile and say, ‘Yeah ganito na ako at 40,’” sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi mo naman talaga mapapasaya lahat ng mga tao sa paligid mo. Kahit anong gawin mo, mayroon at mayroon silang masasabi tungkol sayo—kahit pa hindi na sila dapat nagcocomment. 

    More from Smart Parenting

    Pero alam niyo bang hindi masamang ma-insecure? Mabuti rin ito dahil isa itong paraan para hindi mo naman pabayaan ang sarili mo. Magiging masama lang ito kung hahayaan mong ito na ang maghari sa buhay mo. Kung paaabutin mo sa puntong hindi ka na makakilos dahil sa insecurities mo, marahil ay may mas malalim nang dahilan ang iyong nararamdaman. 

    Isa lang naman ang kailangan mong tandaan, mommy: mahalaga ka sa mga taong inaalagaan mo. Hindi man nila ito laging sinasabi, huwag mong hahayaang manaig ang insecurities mo laban sa pagmamahal nila. Sabi nga ni mommy Jeka Viloria, dapat positive lang. “Magandang-maganda ako, ganon!”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles