-
Money Mom Transforms Veranda Into A Tiny Coffee Shop For Only P5,000!
-
Your Health Experts Say: Ito Raw Ang 3 Brands Ng Mouthwash Na Maaaring Panlaban Sa COVID-19
-
Home Delikado Magluto Ng French Fries Sa Air Fryer: Consumer Group
-
Love & Relationships 'Am I Overreacting?' Mom Wonders About Comments Another Woman Left On Husband's Posts
-
#TaalVolcanoEruption: Mga Munting Donasyon Mula Sa Mga Kahanga-Hangang Mga Bata
Paano nga ba natin tuturuang maging mapagbigay ang ating mga anak?by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Shane Planta
Kasunod ng pagputok ng bulkang Taal ang pagdagsa naman ng mga taong gustong magpahatid ng tulong. At hindi lang basta-basta ang mga taong ito—mula sa mga medical professionals hanggang sa mga taong nakatira pa sa malalayong lugar.
Maraming nagpahatid ng tulong at marami ang kasalukuyang kumikilos para makalikom ng sapat na supplies para sa mga nasalanta. Ang labis na hinahangaan ngayon ay ang mga batang nagpapaabot ng tulong kahit sa kanilang mga munting paraan.
Ang Grade 7 student na nag-viral
Sa isang Facebook post, na kasalukuyang (as of writing) may humigit-kumulang na 30,000 reactions at 5,000 shares, ibinahagi ng isang netizen ang kwento ng isang Grade 7 student, na si James Paul Garcia, na nagpaabot ng kanyang munting tulong para sa mga biktima ng sakuna.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosMayroong ipinadalang dalawang pakete ng noodles ang bata at ilang piraso ng sabong panlaba at panligo. Lubos na naantig ang puso ng mga nakakita ng post—patunay lang si James Paul na walang kaakibat na limitasyon ang pagtulong at pagbabahagi. Basta’t mayroon kang handang ipagkaloob sa iyong kapwa, pwede kang makatulong.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga anak ni mommy Shane Planta
Todo flex naman si mommy Shane sa kanyang dalawang anak, lalo na sa kanyang panganay, nang magkusang loob ang mga ito na magbigay sa kanya ng bahagi ng kanilang ipon para ibili ng mga gamit para sa mga evacuees.
Kwento sa amin ni mommy Shane sa pamamagitan ng Facebook Messenger, nagkwento lang siya sa kanyang mga anak na bibili siya ng relief goods para sa mga nasalanta, nang magtanong ang anak niya kung bakit. Narito ang usapan nilan mag-ina na siya niyang ipinost sa aming Facebook group na Smart Parenting Village:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLimang taong gulang pa lang ang kanyang panganay na si Sab at isang taong gulang naman ang kapatid nito na si Jorgeena. Ayon kay mommy Shane, lumaki si Sab na nakikita siyang nagbibigay sa mga bata o matatandang nanlilimos. “I always talk to her na she is blessed kasi maraming tao ang nagbibigay sa kanya,” kwento ni mommy Shane.
Tinutulungan din ni mommy Shane ang kanyang anak na mas maging aware sa kapaligiran nito. Kinukwentuhan niya ito tungkol sa mga kalagayan ng mga taong kinakapos sa buhay. “Afterwards, I always as her kung anong nararamdaman niya for the needy,” paliwanag ni mommy Shane. “She answers me naman na ayaw niyang may mga taong malungkot at kawawa,” dagdag pa ni mommy. “I always tell her na ‘pag may extra money siya, o ‘pag may binigay na pera sa kanya, kailangan willing siyang i-share—especially sa food.”
Sa isang orphanage din nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Sab kaya naman mulat ang bata na mahalaga ang pakikipagkapwa tao at pagiging mapagbigay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakabili ng diapers, mosquito repellent, baby wipes, toothpaste, cotton buds, panty liners, bath soap, at shampoo ang mag-iina na siya naman nilang ipapamahagi sa mga nasalanta.
Sa panahon ng sakuna tulad ngayon, kahanga-hangang kahit ang mga bata ay nagpapaabot ng tulong, gaano man kaliit ang kanilang makayanan. Bilang mga magulang, trabaho nating tulungan silang makita na ang pagtulong ay dapat bukal sa kalooban at hindi ginagawa para pakitang tao lamang.
Ang mga galaw mo ang gagayahin ng mga anak mo. Mabuti ka bang halimbawa sa kanila? I-share mo ang iyong experience sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network