-
Getting Pregnant 8 Vitamins You Can Take To Increase Your Chances Of Conceiving
-
Your Kid’s Health ‘He Was Just Sleeping’: Mom Recalls ‘Unexplained’ Death Of 18-Month-Old Toddler
-
Real Parenting Why Those Tantrums and Crying Are Worth It During Family Vacation
-
News Kaye Abad Pregnant With Baby No. 2, Nikka Garcia Reveals Gender Of Baby No. 4
-
Mga Dapat Gawin Sa Panahon Ng Chinese New Year Para Daw Pumasok Ang Swerte
Dapat daw right timing ang paggupit ng quarantine hair.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY Shutterstock/happybas
Ngayong 2021, papatak ang Chinese New Year sa araw ng February 12. Tinatawag din itong Lunar New Year dahil nakabase ang petsa ng selebrasyon sa mga yugto ng buwan (phases of the moon).
Mga bawal tuwing Chinese New Year
Kasabay ng pagdiriwang ang mga pamahiin mula sa tradisyon ng mga Chinese bilang pampasuwerte at pag-iwas sa malas sa buong taon. Ika nga ng mga Pinoy na wala namang dugong Chinese, walang mawawala kung susundin ang mga pamahiin.
Tamang paggupit
Kung may balak kang magpagupit ng buhok, gawin ito sa bisperas ng Chinese New Year bilang simbolo ng paghiwalay sa patapos na taon. Huwag na huwag sa araw mismo dahil mapuputol naman ang pagpasok ng magandang kapalaran sa bagong taon.
Bukod diyan, iwasan ang pagsha-shampoo ng buhok para hindi masabunan at mawala ang suwerte. Isa pang rason kung bakit may ganito ang Chinese ay dahil sa posibleng pagkakasakit.
Taglamig kasi ang panaoh na ito sa China. Noong mga panahong hindi pa naiimbento ang hair dryer, madali silang nagkakasakit kapag naligo sila sa kalagitnaan ng winter. Kapag nagkasakit sa Chinese New Year, mamalasin daw ng buong taon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaglilinis ng bahay
Siguraduhing maglinis ng bahay sa bisperas nang matanggal lahat ng malas na dumating noong nakarang taon. Pero kailangang matapos ang paglilinis bago maghating-gabi at tuluyang pumasok ang Lunar New Year.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBawal na kasi ang ano mang uri ng paglilinis sa unang araw ng bagong taon — mula pagwawalis ng kalat, pagpupunas ng alikabok, at hanggang pagtatapon ng basura. Mawawalis, mapupunasan, at matatapon din daw ang suwerte.
Basahin dito kung ano ang mga lucky plants!
Mga dapat kainin
Hindi lang masarap ang siomai at iba pang dumplings, pampasuwerte pa ang mga ito. Ang Chinese word para sa dumplings, “jiao zi." Parehas ito sa ancient word na ang ibig sabihin: pagpapalit ng bago sa luma.
Katulad din ang tradisyonal na dumplings sa hugis ng ginto na ginagamit na pera noong sinaunang panahon sa China. Kaya ang isang platong dumplings ay parang isang tumpok na ginto. Dala raw nito ay kayamanan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakasanayan na ang pagreregalo at paghahain ng tikoy dahil sagisag ito ng mahigpit na pagsasama ng mga magkakapamilya, magkakaibigan, at magkakatrabaho. Didikit din daw ang suwerte dahil sa malagkit na pagkaing ito.
Usapang mag-asawa
Dapat daw iwasan ng mga misis na madaliin sa pagbangon ang kanilang mga mister sa unang umaga ng Chinese New Year. Dati kasi mga kalalakihan ang dominant breadwinners, paliwanag ng Chinese astrologer.
Kaya kailangan ng mga mister ng tamang pahinga bilang paghahanda sa bagong taon. Kapag nagpagising sila sa kanilang mga asawa, magiging sunod-sunuran o pushover daw sila.
Paalala sa mga magulang
Masayang okasyon ang Chinese New Year, kaya dapat iwasan ang pagtatalo ng mag-asawa at panenermon sa anak. Kung pera ang dahilan ng pagtatalo, tandaan na malas daw ang magpautang sa unang araw ng lunar year.
May paniniwalang kapag sinimulan ang taon na nagtatalo at nanenermon, buong taon na maghahari ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIwasan din daw ang paggamit ng mga matatalim na bagay, gaya ng gunting, kutsilyo, at karayom. Kung may baby sa bahay, baka maging kasing liit ng mata ng karayom ang kanyang mga mata kapag gumamit si mommy ng karayom sa ano mang gawain.
Kapag kutsiyo at gunting naman ang kanyang ginamit, mapuputol daw ang yaman ng pamilya.

View More Stories About
Trending in Summit Network