embed embed2
  • Sana All! Kilalanin Ang Mga LGUs Na Angat Sa Iba Dahil Sa Maayos Na Serbisyo

    May dagdag-serbisyo ang ilang local government units.
    by Jocelyn Valle .
Sana All! Kilalanin Ang Mga LGUs Na Angat Sa Iba Dahil Sa Maayos Na Serbisyo
  • Sa gitna ng kalamidad na hatid ng COVID-19 pandemic ay may kanya-kanyang paraan ang lokal na pamahalaan ng mga siyudad at bayan sa bansa, lalo na’t sumailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) simula March 17, 2020. 

    Ngunit may ilang pamunuan na umangat dahil sa esktrang pagtulong at saktong pagkalinga na kanilang pinaabot. Kaya naman ang sambit ng mga mamamayan na hindi sakop ng kanilang pamunuan: “Sana all!”

    What other parents are reading

    Pasig 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong sa mga residente ng Pasig City sa pangunguna ni Mayor Vico Sotto. Pinatupad niya ang pagtanggap ng buong sahod ng city hall employees mula regular at contractual hanggang nasa “job order” o arawan na kita. Pati ang hazard pay, overtime pay, at iba pang benepisyo para sa mga empleyadong frontliners. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagbigay ang City Hall ng libreng sakay sa essential government personnel at health workers, at mobile kitchens para sa mga frontliners at local responders. Nagtalaga naman ng mga rolling store sa piling lugar na malayo sa palengke para hindi na dumayo ang mga residente at mabawasan ang mga tao sa pamilihang bayan.

    Halos isang buwan nang mapailalim ang buong Luzon sa ECQ ay binigyang pansin naman ang pamamahagi ng financial aid mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare Department (DSWD) para sa kanilang siyudad. 

    Ipinaliwanag ni Mayor Vico sa kanyang Facebook Live session nitong April 11, 2020 na sa orihinal na bilang na 206,000 pamilya na kanilang sinumite ay 93,000 lamang ang naaprubahan ng DSWD na makakatanggap ng P8,000 tulong pinasyal. Dahil pang dalawang buwan ang tulong na ito, ang kabuuang cash aid ay P16,000 bawat pamilya o household.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Aniya malaking tulong ang SAP, “pero marami sa mga pamilyang nangangailangan din ang hindi nakasama sa listahan” kaya naisipan nila na mag-abot din ng tulong pinasyal sa kanila. Tinawag nila ang programang ito bilang Pasig City Supplemental SAP.

    Dagdag niya, “Hindi sa buong halaga na P16,000. Pero kung ano ang kaya, ibibigay po natin. Sa ngayon, ang nakikita natin na kaya ng pamahalaan ay nasa P8,000 per family. Hindi pa final ang number na ’yan. Unang-una, kailangan pa ng approval ng Sangguniang Panglungsod. Pangalawa, titignan pa natin ang budget.”

    Nagpahayag din ang alkalde tungkol sa isa pang proyekto na para naman sa public school students. Ito ang pagbibigay ng food coupons na nagkakahalagang P400 kada estudyante upang makatulong sa paglaban kontra malnutrisyon.

    Kinabukasan, April 12, ibinalita niya sa kanyang Twitter account na natapos na ang pamamahagi ng tulong pinasyal sa 87 na Tricyle Operators and Drivers’ Association (TODA) at dalawang Padyak Operators and Drivers’ Association (PODA).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Valenzuela

    Naging maagap ang  pagdating ng tulong sa Valenzuela City sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian. Nagkaroon ng food vouchers sa pagkuha ng food packs at isolation centers/modular tents para sa COVID-19 monitoring. Nagmobilisa ng mobile palengke, na mula sa ideya ng Pasig City, at ipinasa ang Anti-Panic Buying and Anti-Hoarding Ordinance, na nagbigay naman ng inspirasyon sa Pasig City.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nitong April 11 ay inanunsiyo ni Mayor Rex sa kanyang Facebook Live virtual presser ang pagkakaroon ng localized targeted mass testing. Kinabukasan, sinimulan na ang programa na naglalayong makunan ng test ang lahat ng 537 persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM) bago ang itinakdang pagtatapos ng ECQ sa April 30. 

    Nakunan din ng swab sample ang ilang frontliners. Ang lahat ng swab sample ay ipoproseso ng The Medical City at Lung Center of the Philippines. Ilalabas ang test result makaraan ang dalawa hanggang limang araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, extended sa Valenzuela ang deadline para sa pagbabayad ng business tax, real property tax, at transfer tax. Suspendido din ang koleskyon ng upa para sa mga residente ng Disiplina Village Ugong at Disiplina Village Bignay. Ayon sa Facebook page ni Mayor Rex, sakop ang upa simula March 17 hanggang July 15. Ang kabuuang upa na maiipon sa 120 araw ay hahatiin at babayaran sa apat na buwan pagkatapos ng moratorium period.

    What other parents are reading

    Gapan, Nueva Ecija

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkatapos mamigay ng manok at itlog kalakip sa relief packs na canned goods at instant noodles, namahagi naman ang pamahalaang lokal ng Gapan City sa Nueva Ecija ng processed meat bilang pang-ulam. Mismong si Mayor Emeng Pascual ang namuno noong April 8 ng pamamahagi sa bawat bahay na madaanan sa Barangay San Nicolas.

    Aniya sa Facebook Live session nang araw na iyon na posted sa Mayor Emeng Pascual-Serbisyo Publiko Facebook page, nagkakaroon ng sabay-sabay na pamamahagi sa iba pang mga barangay sa buong siyudad sa pamamagitan ng kani-kanilang barangay captain. Ang target nila ay mabigyan ang 36,000 na pamilya. Silang mga opisyales na daw ang pumupunta sa mga residente para hindi na lumabas ang mga ito ng bahay bilang pagsunod sa ECQ.

    Bago iabot ni Mayor Emeng ang food pack, tatanungin niya muna ang tao sa bahay kung ano ang nais nito sa mga sumusunod na ulam: ham, hotdog, tocino, chicken marinado, at skinless longganisa. Ito rin ang sinasabi ng placard na bitbit ng grupo na kinabibilangan din ni Vice Mayor Dodong Bautista Jr. at kanilang mga konsehal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanang pa ni Mayor Emeng sa Facebook Live session na galing sa pondo ng city hall ang mga food pack, maliban sa chicken marinado o ready-to-cook marinated chicken na gawa ng Chooks to Go chain of roasted chicken stores. Donasyon daw ang Chooks to Go Chicken Marinado packs ng kanyang kaibigan, at may kabuuang halaga ang mga ito ng kalahating milyong piso.

    Bukod sa food distribution, namahagi din ang Gapan City government ng P1,000 cash assistance sa kanilang mga tricycle drivers, bus vendors, jeepney drivers, at dispatchers. Sila ang ilan sa mga residenteng nawalan ng hanap-buhay bunsod ng tigil-pasada ng mga pampublikong sasakyan.

    What other parents are reading

     

    Mabalacat, Pampanga

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa pamumuno ni Mabalacat City Mayor Crisostomo C. Garbo ay nagkaroon ng mga programa sa siyudad na ito sa Pampanga upang makaagapay sa hamon ng coronavirus health crisis. Bukod sa tuloy-tuloy na disinfection efforts at pamimigay ng relief goods, may relief pack na nakatuon sa nutrisyon ng mga batang kulang sa timbang at mga buntis. 

    Ang relief pack, na tinatawag na Nutripack, ay naglalaman ng sariwang gulay, prutas, tinapay, itlog, iodized salt, at ready-to-use supplementary food (RUSF). May dagdag na multivitamins syrup para sa mga bata at sulfate + folic acid tablets naman para sa mga buntis. 

    Vigan, Ilocos Sur

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binigyan din ng pansin ang mga malnourished preschooler, pregnant, at lactating mother ng pamunuan ni Mayor Juan Carlo Medina ng Vigan City sa Ilocos Sur. May rasyon mula sa Vigan City Health Office ng masustansyang pagkain sa mga nasabing bata at kababaihan.

    Nauna dito, nagbigay ng libreng sakay para sa mga residente ng bawat barangay papunta sa Vigan City Public Market. Isinulong din ang mga ordinansa tulad ng pagbabawal sa diskrimasyon sa mga taong kumpirmado at pinaghihinalaang tinamaan ng coronavirus. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles