Tagalog,buntis,trending ph,covid-19,con-00062,covid-19 news,newbie mom,Ayuda ng Mabalacat City Para Sa Mga Bata at Buntis,COVID-19, relief pack, Mabalacat City, Pampanga, buntis, batang kulang sa timbang,Naglalaman ang relief pack ng sariwang gulay, prutas, tinapay, itlog, at iba pa na galing sa mga magsasaka at palengke ng Mabalacat, Pampanga.
LifeNews

Kumpleto Sa Nutrition Ang Relief Pack Para Sa Mga Bata At Buntis Sa Mabalacat, Pampanga

Kumpleto Sa Nutrition Ang Relief Pack Para Sa Mga Bata At Buntis Sa Mabalacat, Pampanga
PHOTO BYMabalacat City News CoVid19 Updates / Facebook

Sa gitna ng kalamidad na hatid ng COVID-19 pandemic, pinagtuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Mabalacat City sa Pampanga ang mga residenteng bata na kulang sa timbang at buntis na kulang sa nutrisyon.  

Kaya naman ang City Nutrition Office, sa pamamagitan ng kanilang Dietary Supplementation Programs for Children and Pregnant Women, ay namahagi ng tinatawag nilang Nutripack sa mga nasabing residente ng siyudad na pinamumunuan ni Mayor Crisostomo C. Garbo. 

Ang Nutripack, ayon sa April 7, 2020 post ng Mabalacat City News COVID-19 Updates Facebook Page, ay relief pack na nagbibigay ng complete nutrition sa mga beneficiary nito.

Naglalaman ang relief pack ng sariwang gulay, prutas, tinapay, itlog, iodized salt, at ready-to-use supplementary food (RUSF).  May dagdag na multivitamins syrup para sa mga bata, at mayroong sulfate + folic acid tablets para naman sa mga buntis.

Ang mga gulay — tulad ng sitaw, kamote, pechay, at ampalaya — ay nanggaling sa ani ng mga magsasaka ng Mabalacat City sa pagkikipagtulungan ng City Agriculture Office. Layunin kasi nila na itayugod ang mga produktong lokal ng siyudad at matulungan ang mga magsasaka habang sinisiguro ang kalidad ng mga gulay sa relief pack.

Ang mga prutas naman — tulad ng saging, mansanas, apple, pear, at lemon — ay mula sa mga tindera sa lokal na palengke sa pakikipag-ugnayan sa City Public Market Office.

Sa pamamagitan ng pamimigay ng NUTRIPACK, ayon pa sa Facebook post, ay nais ipaalala ni Mayor Garbo sa kanyang kapwa Mabalaquenos ang kahalagahan ng proper nutrition lalo na sa panahon ngayon ng health crisis. Aniya, makakatulong ang pagiging malusog at malakas ng bawat pamilya at indibidwal bilang proteksyon laban sa COVID-19. 

watch now

Batay sa pinakahuling datos na nakatala sa Mabalacat City News COVID-19 Updates Facebook Page, mayroon isang confirmed case ng coronavirus infection sa siyudad. Mayroon namang anim na Persons Under Investigation (PUI). Isa sa kanila ay severe case at lima ang mild lamang.

Ang Persons Under Monitoring (PUM) na kasalukuyang sumasailalim ng 14-day quarantine ay 154. Samantalang ang mga PUM na nakakumpleto na ng 14-day quarantine ay 494. 

Updated din sa Facebook page ang tuloy-tuloy na disinfection efforts sa iba-ibang parte ng siyudad, partikular sa mga ospital at terminal ng bus. Patuloy din ang pamimigay ng relief goods, kabilang ang isang sako ng bigas para sa bawat sambahayan.  

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close