embed embed2
  • Alamin Ang Mga Sintomas ng Pagbubuntis Maliban sa Pagsusuka

    Paano nga ba malaman na buntis at anu ang mga dapat gawin kapag nalaman mo na magkakaanak ka na.
    by Dinalene Castañar-Babac . Published Jan 20, 2019
Alamin Ang Mga Sintomas ng Pagbubuntis Maliban sa Pagsusuka
PHOTO BY iStock
  • Updated as of July 22, 2023

    Itinuturing na magandang regalo sa mag-asawa at biyaya sa pamilya ang pagkakaroon ng anak. Sa mga bagong kasal, excited talaga silang magkaanak sa panahon na pinagkasunduan nila na tama. Kaya naman kapag delayed ang menstruation, tiyak na sabik na sabik na kayong mag-test para malaman kung buntis kayo.

    Mahalagang alamin ang mga paunang sintomas ng buntis upang higit na mapangalagaan ang iyong sarili at ang inyong baby. Gayundin, makapagpaplano nang mabuti ang mag-asawa sa kanilang binubuong pamilya. Narito ang ilan sa mga karaniwang tanong sa pagbubuntis.

    Anu-ano ang mga sintomas ng pagbubuntis?

    Iba-iba ang nararanasang sintomas ng bawat babae sa pagbubuntis. Halos hindi rin nagkakapare-pareho ang nararamdaman nila. Maaari ding sa bawat pagbubuntis makaranas ng magkakaibang sintomas. Kung minsan nga, wala kang mararamdamang kakaibang pagbabago sa una o ikalawang linggo. Ito ay dahil wala pang laman na fetus ang iyong sinapupunan. Para malaman kung gaano na kalaki ang baby sa loob ni mommy kada linggo ng pagbubuntis, panoorin ang video na ito:

    Paano ko malalaman na buntis ako?

    Upang matiyak na ang iyong nararamdaman ay sintomas ng buntis, makatutulong ang paggamit ng pregnancy test. Ngunit narito rin ang iba pang senyales nito:

    1. Makararanas ka ng pagka-delay ng iyong period

    Ito ang madalas na karaniwang palatandaan ng pagbubuntis para sa mga regular na nagkakaroon ng regla. Pero, hindi rin sapat dahil maaari din itong sanhi ng stress o iba pang bagay.

    2. Pagsusuka o morning sickness

    Maaaring maranasan ito sa unang bahagi ng pagbubuntis. Nangyayari din ito dahil sa pagkakaroon ng mapait na panlasa.

    3. Madaling pagkapagod at madalas na pagkahilo

    Sa pagtaas ng level ng progesterone, nagiging sanhi ito ng pagkaantok at pagkapagod matapos ang kahit simpleng gawain. Nakararanas din ng pagkahilo, hirap na paghinga at maging heartburn. Nakakaramdam din ng pangangalay ng katawan lalo na ng balakang, at tamad na pagkilos.

    4. Spotting

    Maaaring makaranas ng patak-patak na dugo o spotting. Ang light spotting ay senyales ng implantation bleeding.  Normal lamang pagkakaroon ng kaunti at milky discharge ngunit ang higit pa rito ay kailangang  ikonsulta sa doktor. Makararanas din ng pananakit ng puson o dysmenorrhea.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Mapili o mapaghanap ng partikular na pagkain

    Karaniwan na may hinahanap o pinanabikan gustong pagkain dahil sa pagbabago rin ng panlasa. Sa kontekstong Pilipino, tinatawag itong paglilihi.

    6. Pagiging maselan ng pang-amoy

    Sensitibo ang pang-amoy na nagiging dahilan din ng pagsusuka kapag hindi nagugustuhan ang naamoy, gaya ng pag-ayaw sa pabango na panlalaki o amoy ng ginigisang bawang.

    What other parents are reading

    7. Paninigas at pananakit ng suso

    Dahil sa pagbabago ng hormones, nagsisimula nang mag-produce ng breast milk. Nag-iiba ang kulay at laki ng areola. Nararamdaman din ang pananakit at paglaki ng suso. May paninigas at mas nagiging maitim din ang nipple. 

    8. Madalas na pag-ihi

    Nangyayari ito dahil dumarami ang dugo sa katawan kaya mas tumataas din ang produksyon ng tubig sa kidney at lumalaki ang matres kaya naiipit ang pantog.

    9. Constipation

    Nahihirapan sa pagdumi kapag buntis dahil sa pagbabago ng hormones, at bumabagal ang pag-digest ng pagkain. Nakararamdam din ng parang puro hangin ang iyong tiyan o kinakabagan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    10. Pagkakaroon ng pimples o acne

    Kalimitan lumalabas ang maraming acne  o nakararanas ng skin breakouts dahil pa rin sa pagbabago ng hormones.

    11. Pagbabago ng mood o mood swings

    Sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis, nagiging emosyonal o maramdamin at madali ring mainis kahit sa maliit na bagay.

    12. Pagdadagdag ng timbang

    Mararanasan din ang pagtaas ng timbang dahil sa bigat na kinakailangan din ng iyong baby. Inaasahan na magdadagdag ng timbang nang dalawang kilo sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis.

    What other parents are reading

    Ano ang mga dapat gawin kapag nabuntis ka?

    Medyo challenging sa mga first-time pregnant women ang pagbubuntis dahil sa pag-a-adjust ng kanilang katawan sa mga pagbabagong dulot nito. Ngunit nakakayanan at matagumpay na nalalampasan ang unang stage o trimester sa sumusunod na mga tip:

    1. Pagkain ng masustansiyang pagkain

    Kailangang manatiling malusog para sa iyong kalusugan at sa iyong baby. Kaya kumain ng gulay at prutas na mayaman sa protina at bitaminang kailangan ng iyong katawan sa pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Pag-inom ng maraming tubig

    Makatutulong ito upang hindi ma-dehydrate, mapabuti ang pakiramdam sa nararamdamang mga sintomas, at makaiwas sa anumang sakit.

    3. Sapat na pahinga at tulog

    Mahalaga ito nang magkaroon ng sapat na lakas at maging magaan ang pakiramdam.

    4. Huwag pigilan ang pag-ihi

    Karaniwang sakit sa pagbubuntis ang pagkakaroon ng urinary tract infection o UTI kaya hindi dapat nagpipigil sa  pag-ihi.

    5. Higit sa lahat, pinakamahalaga ang pagbisita sa iyong doktor o ob-gyn para sa prenatal checkups

    Siyempre, pinakaimportante ito sa lahat. Ito ay upang mabigyan ka ng tamang vitamins na dapat inumin at magawa ang mga tests gaya ng ultrasound, blood sugar at iba pang mga laboratory exams na kinakailangan upang masigurong safe at healthy ang iyong pagbubuntis.

    Ang lahat ng naibahaging impormasyon ay pantulong lamang sapagkat mahalaga pa rin ang iyong prenatal checkups. Bukod sa suporta mula sa iyong asawa, mahalaga ang advice ng iyong doktor sa buong journey ng iyong pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailan dapat gumamit ng pregnancy test? 

    Kung nakakaramdam ka ng mga sintomas ng pagbubuntis, maaari ka nang gumamit ng pregnancy test isang linggo pagkatapos mong ma-miss ang iyong period. Ito raw ang pinakamainam na oras para sumubok ng pregnancy test. Ayon sa National Institute of Child Health and Human Development noong 2017, 97 percent na accurate ang mga home pregnancy tests kung ito ay ginamit ng buntis sa tamang pagkakataon.

    Maaari kang makabili ng pregnancy test kits sa mga botika at hindi ito nangangailangan ng reseta ng doktor.

    Kung gusto mong matukoy nang mas maaga kung ikaw ay buntis, pwede ka ring pumunta sa clinic o ospital para magpakuha ng blood test.

    Kailan ako dapat magpatingin sa doktor?

    Kung sakaling maging positive ang iyong pregnancy test, nirerekomenda ng mga eksperto na tumawag o pumunta kaagad sa doktor. Ito ay para malaman kung may kailangan pa bang mga tests para makumpirma kung ikaw ay buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para masiguro na malusog ang nanay at ang sanggol sa sinapupunan, mahalaga ang unang check-up at lalo na ang pagkakaroon ng regular prenatal visits sa loob ng 9 na buwan ng pagbubuntis. 

    Frequently asked questions (FAQs)

    1. Ano ang mga dapat iwasan na pagkain o inumin kapag buntis?

    Ang pagkain ng oily o fatty food habang buntis ay maaaring magdulot ng heartburn at gestational diabetes. Ang mga canned na pagkain naman ay mataas sa preservatives, sodium, at asukal, kaya dapat itong iwasan.

    Kadalasang hindi ligtas para sa mga buntis ang mga hilaw na pagkain dahil sa panganib ng kontaminasyon. Ayon sa mga doktor, puwede uminom ng isang hanggang dalawang tasa ng kape bawat araw, pero iwasan ito sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis upang mabawasan ang tsansang magkaroon ng miscarriage. Iwasan din ang softdrinks na may caffeine at asukal. Puwede rin itong magdulot ng pagkahilo at pagkapagod. Iwasan rin ang pag-inom ng alak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    READ ALSO: Tinanong Sa Doktor: Safe Bang Uminom Ng Yakult Ang Buntis?

    2. May mga aktibidad bang dapat iwasan o limitahan kapag buntis?

    Sa pahintulot ng iyong doktor, hinihikayat ng OB-Gyne na si Dr. Aurora Tajan ang mga buntis na magpatuloy sa mga physical activity, lalo na ang mga Kegel exercises upang palakasin ang mga pelvic muscles. Ipinapayo rin niya ang paglangoy, na isang low-impact na ehersisyo.

    Sa pakikipagtalik o sex naman, payo ni Dr. Tajan, “Ask your obstetrician, as you may be having a high risk pregnancy. But kung totally okay naman lahat, puwede naman." 

    WATCH: What You Can And CANNOT Do In Pregnancy: Safe And Unsafe Activities

    3. Ano ang mga pinakamahalagang vitamins at supplements para sa buntis?

    Ang pag-inom ng folic acid supplement ay nakakatulong sa buntis na maiwasan ang pagkakaroon ng birth defects ng sanggol sa sinapupunan. Mahalaga rin ang iron at calcium hindi lang para sa bata kundi para rin sa nanay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Dinalene Castañar-Babac ay isang first-time nanay ng isang happy baby girl, si Kalliope Joni. Maituturing din siyang nanay ng kanyang mga students sa isang exclusive school for girls. Tinatapos niya ang kanyang doctoral degree kasabay ng kanyang pagtuturo.

    Ang mga impormasyon na nakasaad dito ay nanggaling sa: 

    Your Pregnancy: Early Signs, Stages of Labor, and Ways to Give Birth

    Early Pregnancy Symptoms

    Additional text by Judy Santiago Aladin

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close