Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Ano Ang Mga Sintomas ng Dalawang Linggong Pagbubuntis?
PHOTO BY iStock
  • Kapag ikaw ay buntis, hindi mo agad mapapansin ang mga senyas — ni wala ngang senyales ng pagbubuntis sa unang linggo at wala pa ring sintomas sa ikalawang linggo. Marahil, ang babalikan mo lamang ay kung kailan ka hindi na dinatnan, at sisikaping mong maalala ang unang araw na dumating ang iyong buwanang dalaw.

    Kung sinusubukan mong mabuntis, mahalagang tandaan ang petsa ng pagdating ng iyong regla. Ito ang magiging basehan ng iyong estimated delivery date (EDD) o inaasahang petsa ng panganganak, kapag ikaw nga ay mabubuntis. Tutulungan ka rin nitong malaman ang iyong ovulation period o fertile window (panahong maaari kang mabuntis).

    Upang ma-compute ang mga petsa ng ovulation, bawasan mo ng 14 ang haba ng ‘yong menstrual cycle. Kung mayroon kang 28-araw na cycle, ang ovulation period mo ay magsisimula sa ika-14 na araw — magbilang mula sa unang araw ng iyong period.

    Pinaka-fertile ka dalawang araw bago ka mag-ovulate at sa mismong araw ng ovulation. Sa panahong ito, ang tinatawag naluteinizing hormone ay bumubugso at nakati-trigger sa iyong ovaries upang pakawalan ang pinaka-mature na egg para sa fertilisasyon. Mayroon lamang 12 hanggang 24 oras ang itlog upang ma-fertilize pagkatapos itong mailabas ng obaryo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Pangalawang linggo ng pagbubuntis (Week 2)

    Batay sa timetable na ito, ang pangalawang linggo ng “pagbubuntis” ay simula pa lamang ng ovulation. Ito ang oras na ikaw ay pinaka-fertile. Ito rin ang pinakaideyal na oras para sa pakikipagtalik na maaaring mauwi sa pagbubuntis.

    Ayon sa The Bump, “At 2 weeks pregnant, symptoms of ovulation can clue you in on the best time to have sex and hopefully conceive a baby.” (Sa ikalawang linggo ng pagbubuntis, ang mga sintomas ng ovulation ay makapagbibigay sa iyo ng ideya kung kailan mainam na makipagtalik at makabuo ng sanggol.)

    Maliban sa timing, maaari kang mabuntis kapag napansin mo ang mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Kumakapal ang iyong cervical mucus. Ang discharge mula sa iyong vagina ay tila puti ng itlog sa kulay at kapal o consistency
    • Sensitibo ang iyong mga suso. Dahil sa hormones, pakiramdam mo’y bumibigat ang iyong mga suso at tila malaki, tulad ng nararamdaman mo kapag parating na ang iyong regla.
    • Gusto mong mas mapadalas ang pakikipagtalik. Mas matindi rin ang iyong sex drive dahil sa hormones.
    • Nakararanas ka ng light spotting. Mayroong mararanasang bahagyang pagdurugo dulot ng pagputok ng follicle na nakapalibot sa egg sa iyong ovary.
    More from Smart Parenting

    Sintomas ng pagbubuntis sa pangalawang linggo

    Ang hindi pagdating ng regla sa inaasahang petsa o delay ng buwanang dalaw ang isa sa pinakamalinaw at pinakamalaking palatandaan na sintomas ng buntis. Para sa mga may 21-araw na cycle, mas malinaw ang pagbubuntis kung wala pa rin ang regla pagkatapos ng tatlong linggo. Ilan sa kababaihan ang kayang matukoy ang sumusunod na mga sintomas ng buntis sa pangalawang linggo:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Mas madalas na pag-ihi. Mas madalas ang pabalik-balik sa banyo upang umihi at lalo pa itong mararanasan habang tumatagal ang pagbubuntis.
    • Nangingitim na nipples at tila nakakikiliting pakiramdam sa paligid nito. Nagkakaroon ng karagdagang supply ng dugo sa iyong suso dala ng hormones. Ito ang paraan ng katawan upang maihanda ka sa pagpapadede sa iyong sanggol.
    • Pakiramdam ng matinding pagod. Gugustuhin mong mas matulog nang matulog kaysa karaniwan dahil sa pagod. Isa pang buhay ang dala-dala mo sa iyong katawan — ang sanggol sa iyong sinapupunan.
    • Spotting o pagdurugo. Inaakala ng mga babae na regla ang kulay pula o tsokolateng patak ng dugo sa kanilang underwear. Ito ang unang senyales ng pagbubuntis. Kapag inilalagay ng embryo ang sarili sa uterine lining sa ika-9 hanggang ika-12 na araw ng pagbubuntis, may ilang maliliit na blood vessels na maaaring pumutok. Ito ang sanhi ng pagdudurugo.

    Mahirap matukoy kung buntis ka ba kung hindi regular ang pagdating ng iyong regla — halimbawa, dadatnan ka lang isang beses sa tatlong buwan o isang beses sa isang taon. Kaya mas mainam na kumuha ng pregnancy test na maaaring gawin sa bahay o kumonsulta sa doktor.

    More from Smart Parenting

    Mga dapat gawin kung gusto mong mabuntis

    I-check kung ikaw ay nag-o-ovulate

    Mayroong ovulation test kits na mabibili upang matulungan kang tukuyin kung kailan ka higit na maaaring magkaanak.

    Dalasan ang pakikipagtalik

    Hindi kailangan na araw-araw ang pakipagtalik para mabuntis. Pero sinasabing mas mataas ang posibilidad na makabuo kayo ng iyong asawa kung mayroong isa o dalawang araw na pahinga sa inyong pagtatalik.

    Uminom ng folic acid

    Kailangang gamitin mo ang panahon ng pagbubuntis upang ihanda ang iyong katawan sa pagiging ina. Bago mo pa mahawakan ang iyong anak, tandaang kailangan din siyang ingatan habang siya’y nasa iyong sinapunanan. Posibleng bigyan ka ng iyong doktor ng supplements tulad ng iron at folic acid upang maiwasan ang mga depektong dulot ng folate-deficiency anemia tulad ng spina bifida, heart defects, anencephaly, at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang impormasyong nakalahad dito ay mula sa 

    Pregnancy SymptomsWeek 2: You’re Ovulating

    More from Smart Parenting

     

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles