hormones,pregnancy,pregnancy milestones,transvaginal ultrasound,Tagalog,ovulation,refreshed,fertile window,pagbubuntis,sintomas ng pagbubuntis,pregnancy week 1,evergreen,senyales ng pagbubuntis sa unang linggo,buntis bawat linggo,refresh,sc23,week 1,Sintomas Ng Pagbubuntis Sa Unang Linggo,senyales ng pagbubuntis sa unang linggo, ilang araw bago malaman na buntis, paano malalaman kung buntis, buntis ba ako,Hindi lahat ay nakakaranas ng sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo.
PregnancyGetting Pregnant

Senyales ng Pagbubuntis sa Unang Linggo: Bakit Wala Kang Mararamdamang Sintomas

Narito ang mga kailangang mong malaman kapag nagbuntis ka.
PHOTO BYiStock

Updated as of July 31, 2023.

Hindi accurate na pag-usapan ang mga senyales ng pagbubuntis sa unang linggo dahil wala pang masasabing nangyayaring pagbubuntis. Sa katunayan, kailangang munang magpalipas ng dalawa hanggang tatlong linggo — depende sa iyong menstrual cycle — bago ka mabuntis. Ang pagbubuntis sa unang linggo ay kaugnay o patukoy sa unang araw ng iyong huling regla. Sa week 1, naghahanda palang ang iyong katawan para sa ovulation o ang fertile window mo.

Dahil mahirap malaman talaga kung kailan nangyayari ang pagbubuntis sa sinapupunan, ginagamit ng mga doktor ang unang araw ng last menstrual period (LMP) mo para ma-compute ang estimated due date (EDD) kapag lalabas na ang sanggol. Tandaan ang EDD ay tantiyahin — pwede kang mag-labor tatlong linggo bago ang iyong EDD o dalwang linggo makalipas ang EDD.

Kapag naghahanda ang iyong katawan para sa ovulation, senyas ito sa iyong iyong utak na gumawa ng follicle-stimulating hormone (FSH), na siyang nagsi-stimulate ng egg-containing follicles sa iyong ovariesna mag-mature. Sa loob ng isa o dalawang linggo, gagawa ang iyong katawan ng luteinizing hormones (LH) na tutulong sa pinaka-mature egg sa iyong ovaries na lumabas sa iyong ovarian wall. Sa oras na magkita ang sperm at egg at mag-fertilize, magsisimula na ang iyong katawan na gumawa ng baby.

Sa pagma-mature ng follicles, magreresulta ito sa paglalabas ng hormone estrogen sa iyong katawan, na maghuhudyat sa iyong uterus o matris na magsimulang kumapal ang lining o ang endometrium para maghanda sa implantation sa pagsisimula ng conception sa mga susunod na linggo. Kung sakali hindi ma-fertilize ang iyong egg, magsi-shed ang iyong lining sa susunod na period.

Senyales ng pagbubuntis sa unang linggo (Week 1)

Wala pang fertilized egg o embryo kaya wala ka pang mararamdamang senyales ng pagbubuntis sa unang linggo, pwera na lamang doon sa mga pagbabagong nararamdaman kapag natapos na ang iyong menstrual cycle.

Kung mayroon mang sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo, hindi pa ito gaanong pansin. Mararamdaman ito pagkatapos ng dalawa o tatlong linggo nang makabuo. Pero ang mga sintomas ng buntis ay maaaring kagaya rin kapag magkakaroon ka na mens.

Ang pinakamagandang paraan para malaman kung buntis ka ay ang pagsasagawa ng pregnancy test. Gawin mo eto kapag hindi pa rin dinatnan ng menstruation makalipas ng isang linggo kung kailan mo inaasahang dadatnan ka. Hindi mo kailangang mag-pregnancy test sa week 1. At kahit magpa-ultrasound ka sa period na iyon, wala pa rin masyadong makikita.

watch now

Kapag pinayuhan ka ng doktor na magpa-ultrasound (karaniwan ay transvaginal) sa linggo na ito, karaniwang nais lang ng doktor na bigyan ng pangkalahatang checkup ang iyong reproductive health at matiyak na walang ibang balakid sa pagbubuntis mo. Sa pamamagitan ng transvaginal ultrasound, matitignan ang kondisyon ng iyong ovaries, kung malinis ang iyong matris, at maayos ang lagay ng iyong fallopian tubes — at handa ka na para sa fertilization at implantation.

Ano ang transvaginal ultrasound at paano maghanda para dito?

Kung ito ang iyong unang pagbubuntis, mas mainam na malaman mo kung ano ang ginagawa sa transvaginal ultrasound bago ka pumunta sa iyong doktor.

Nakakabigla ito sa ilang babae, lalo na't kung unang beses nila ito mararanasan. Ang ibig sabihin ng "transvaginal" ay "through the vagina." Ito ay isang internal examination kung saan ipapasok ng doktor ang ultrasound probe ng halos 2-3 inches sa iyong vaginal canal. Ito ay ginagamit lalo na sa mga unang linggo ng pagbubuntis dahil hindi pa gaanong visible ang baby.

Wala namang kailangang paghahanda para dito, maaari na lamang kung sabihin ng doktor na dapat kang umihi o dapat puno ang iyong pantog. Sa clinic, kailangan mong tanggalin ang iyong damit pambaba at magpalit ng hospital gown. Pag oras na para sa transvaginal ultrasound, pahihigain ka sa examination table nang naka-bend ang iyong tuhod. Kapag ipinasok na ng doktor ang ultrasound wand na may condom at lubricant gel sa iyong vagina, maaari kang makaramdam ng kaunting pressure. Kailangan mo lang mag-relax, hindi ito masakit.

Mga dapat gawin sa unang linggo ng pagbubuntis

Kapag kinokondisyon mo na ang iyong katawan para sa pagbubuntis, narito ang ilang payo mula sa mga doktor:

Malusog na pamumuhay

Ito ang tamang panahon para gawin ang healthy changes sa iyong lifestyle para ihanda ang katawan sa paglilihi at pagbubuntis. Bawasan ang caffeine at itigil ang anumang hindi magandang bisyo katulad ng malakas na pag-inom ng alak at paninigarilyo. Simulan ang pagkain ng masusustansiya at magkaroon ng regular na exercise. Isama na rin ang iyong partner.

Magkaroon ng pre-conception checkup

Kung hindi ka pa nakakadalaw sa iyong doktor para sa pre-conception checkup, ang unang linggo na hinala mo na baka buntis ka ang tamang oras. Kailangan malaman mo ang ang anumang kondisyon na maaaring maging sagabal sa iyong pagbubuntis. Kung nagkaroon ka na ng pre-conception checkup, maaaring ireseta ng iyong doktor ang pag-inom ng folic acid at iba pang prenatal vitamins para ikondisyon ang iyong katawan, kaya sumunod sa sasabihin ng iyong doktor.

Alamin ang iyong paparating na ovulation period

Itala mo petsa ng unang araw ng iyong last menstrual period. Pwede itong makatulong sa iyo para maplano ang iyong ovulation period. Pwede kang gumamit ng app para masubaybayan mo ang iyong ovulation period. Pwede ka rin gumamit ng ibang method kagaya ng pagkuha ng basal body temperature o pag-monitor ng iyong cervical mucus.

Planuhin ang iyong pagtatalik

Kung nagpaplano kayo mabuntis, itaon ang inyong pagtatalik sa iyong ovulation period. Sa oras na ma-release ang iyong egg mula sa ovary, maaari itong magtagal ng 24 oras, habang ang sperm ay maaaring mabuhay sa loob ng matris sa loob ng ilang araw. Kailangang planuhin ang inyong pagtatalik at itaon sa iyong ovulation period para mas malaki ang tsansa na magtagpo ang sperm at ang iyong egg. Huwag kalimutang mag-enjoy! Ang stress ay hindi makatutulong kung gustong makabuo ng bata.

Paano mo malalaman na buntis ka in 1 week?

Ayon sa mga eksperto, ang isa sa mga pinakamaagang sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo ay ang mga tinatawag na breast changes. Mapapansin mo ang tenderness at pamamaga o iyong tinatawag na tingling na pakiramdam. Makikita mo ring may ilang mga blue veins sa iyong breast.

Tataas din ang iyong basal body temperature at mapapansin mong mas madali kang mapagod ngayon. Mas madalas ka ring umihi at mas magiging iritable ka dahil sa hormones. 

May ilang buntis na nakakaranas ng pananakit ng ulo bilang sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo, habang may ilan naman na nagiging antukin at nakakaranas ng bloating. 

Frequently asked questions tungkol sa pagbubuntis

Q: Paano malalaman ang eksaktong petsa ng pag-ovulate?

Ang eksaktong petsa ng pag-ovulate ay maaaring malaman sa pamamagitan ng pagmamarka ng unang araw ng iyong menstruation at pagbilang ng 14 araw mula roon. Halimbawa, kung ang unang araw ng iyong regla ay nagsimula noong ika-1 ng buwan, malamang na mag-ovulate ka sa mga bandang ika-15 ng buwan. Maaari rin gamitin ang ovulation predictor kits para masubaybayan ang paglabas ng iyong egg.

READ ALSO: Nagbabalak Mabuntis? Paano Sundan Ang Ovulation At Malaman Kailan Ka Fertile

Q: Mayroon bang mga pagkain na dapat iwasan kapag buntis sa unang linggo?

Oo, may mga pagkain na dapat iwasan kapag buntis sa unang linggo tulad ng raw o undercooked na karne at isda, unpasteurized na gatas at produkto nito, at mga pagkaing may mataas na mercury tulad ng swordfish at shark. Dapat din iwasan ang mga delikadong pagkaing may salmonella at listeria tulad ng hilaw na itlog at mga hilaw na sprouts.

Q: Ano ang mga dapat inumin na prenatal vitamins at kailan magsisimula?

Mahalaga na uminom ng prenatal vitamins na may folic acid, iron, calcium, at iba pang mahahalagang bitamina at mineral para sa kalusugan ng ina at sanggol. Maaari itong simulan bago mabuntis o agad pagkatapos ng pagkumpirma ng pagbubuntis. Kailangan itong ituloy sa buong pagbubuntis at sa panahon ng pagpapasuso.

Q: Paano maiiwasan ang morning sickness sa unang linggo ng pagbubuntis?

Para maiwasan ang morning sickness, maaari mong kumain ng maliit pero madalas na pagkain kaysa sa malalaking meals. Iwasan ang mga matataas na pabango at amoy na maaaring mag-trigger ng pagkahilo. Mag-inom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration, at kumunsulta sa doktor kung may karagdagang supplements na maaaring makatulong sa pagbawas ng morning sickness.

Q: Ano ang mga dapat gawin kung mayroong pagdurugo sa unang linggo ng pagbubuntis?

Kapag mayroong pagdurugo sa unang linggo ng pagbubuntis, mahalagang agad kumunsulta sa doktor upang ma-evaluate ang kalagayan. Maaaring ito ay normal, ngunit maaari ring magdulot ng alarma. Ang doktor ang makakapagsabi kung paano i-handle ang sitwasyon at kung mayroong kailangang pag-iingat o treatment.

Ang daming pamahiin sa buntis ng mga Pinoy! Basahin dito ang ilan sa patuloy na pinaniniwalaang mga pamahiing Pilipino sa pagbubuntis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close