;
embed embed2
Mahalaga Ang Prenatal Vitamins, Pero Kailangan Ba Talaga Ang Ferrous Sulfate Para Sa Buntis?
PHOTO BY Unsplash/Volodymyr Hryshchenko
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

     Kung buntis ka, natural lang na pangalagaan hindi lang ang kalusugan mo bagkus pati na rin ng dinadala mo. Kaya sisikapin mong gawin ang lahat ng dapat at sundin ang rekomendado ng doktor mo. Kabilang diyan ang pag-inom ng prenatal vitamins, tulad ng ferrous sulfate para sa buntis.

    Mga dapat malaman tungkol sa prenatal vitamins

    Ang prenatal vitamins ay supplements na nagbibigay ng pang-araw-araw na vitamins at minerals na kailangan bago mabuntis at habang buntis. Ito ang sabi ng Planned Parenthood.

    Mainam daw na simulan ang pag-inom ng supplements isang buwan bago magplanong mabuntis. Napakaimportante daw kasi ng mga unang linggo ng pagbubuntis. Ganyan nga ang ginawa ni Roxanne Barcelo, kaya raw agad nakabuo silang mag-asawa ng panganay (basahin dito)

    Payo pa ng mga eksperto na komunsulta sa doktor sa pagpili ng iinuming supplements. May mga tao raw, tulad ni Coleen Garcia, na hindi maganda ang naging karanasan sa synthetic vitamins. Ang iba naman ay nakakaramdam ng side effects, tulad ng nausea at constipation. Maipapaliwanag ng doktor ang mga uri ng prenatal vitamins and minerals at ang dosage.

    Marami sa mga miyembro ng Parent Chat, ang online community ng SmartParenting.com.ph, ang nagsabing hindi silang pumapalya sa pag-inom ng prenatal vitamins and minerals. Narito ang kanilang top choices:

    • Folic acid
    • Calcium caltrate
    • Multivitamins
    • Vitamin B complex
    • Iron/ferrous sulfate
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ng isang mommy, "'Yung ferrous sulfate I took it until 2 months after ko na manganak."

    Ferrous sulfate para sa buntis

    Ang ferrous sulfate ay isang uri ng mineral na iron, ayon sa University of Michigan Health (UMH). Mahalaga ang iron para makagawa ang katawan ng hemoglobin, ang protina sa red blood cells na naghahatid ng oxygen sa body tissues. Ang kakulangan sa iron ang sanhi ng iron deficiency anemia, na siya namang posibleng magdulot ng premature birth, low birth weight, at postpartum depression.

    Ayon sa WHO, kailangan ng buntis ang oral iron supplementation na may mula 30 mg hanggang 60 mg na elemental iron. Katumbas daw ang 60 mg ng elemental iron ang 300 mg ferrous sulfate heptahydrate o di kaya 180 mg ferrous fumarate at 500 mg ng ferrous gluconate.

    Mga paalala sa pag-inom ng ferrous sulfate para sa buntis

    Paalala ni Dr. Geraldine Mendoza, isang ob-gyn, sa panayam niya noon sa SmartParenting.com.ph, na iwasan ang sobrang pag-inom ng iron. Baka kasi tumaas ang tyansa naman magkaroon ng gestational diabetes at iba pang pregnancy complications. Dagdag pa niya na kadalasang nirereseta lang ang iron supplement sa second trimester.

    Sang-ayon ang mga may-akda ng medical paper na may titulong Pregnancy and birth: Do all pregnant women need to take iron supplements? Nailathala ito sa United States National Institutes of Health (NIH).

    Anila, mahalaga ang iron supplement partikular sa mga buntis na may anemia., lalo na kung malala at matagal nang nangyayari. Kailangan daw talaga ng reseta para sa high-dose iron supplements.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero kung normal naman daw ang iron levels, wala ng maibibigay na karagdagang benepisyo ang iron supplement. Ginamit nilang basehan ang higit sa 60 na pag-aaral tungkol sa pag-inom ng iron supplement habang buntis. Tinatayang lampas 40,00 o0 ang mga buntis na lumahol sa mga pag-aaral na iyon.

    Lumabas sa resulta na ang pag-inom ng 30 mg ng iron kada araw ng mga buntis na normal ang iron level ay walang hatid na karagdagang benepisyo para sa kanila at sa kanilang mga baby. Mainam pa raw na kunin ang iron sa pagkain basta normal ang iron levels ng buntis.

    Nagbigay ang mga eksperto ng mga halimbawa ng mga pagkain na mayaman sa iron. Una raw diyan ang karne, na may taglay na iron mula sa hemoglobin na nasa katawan ng baka, baboy, at iba pa, partikular ang kanilang atay.

    May kahirapan naman daw makuha ang iron mula sa mga pagkain na halaman (plant-based foods). Kaya piliin iyong talagang hitik sa iron:

    • Breakfast mula sa whole grain flakes at dinagdagan ng iron
    • Legumes, gaya ng lentils at beans
    • Green leafy vegetables, gaya ng lamb’s lettuce at spinach
    • Herbs, gaya ng parsley at cress

    Bilin ng mga eksperto na komunsulta muna sa iyong doktor bago simulan ang pag-inom ng prenatal vitamins, lalo na ang ferrous sulfate para sa buntis. Sa ganyang paraan masisiguro ang kalusugan ninyong mag-ina.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles