-
Folic Acid At Iba Pang Prenatal Vitamins Na Kailangan Bago Pa Mabuntis
Makakatulong ang supplements para sa mga buntis at nagpaplanong mabuntis.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Nang inanunsyo kamakailan ni Roxanne Barcelo na buntis siya, nagpahayag ang singer-actress sa kanyang YouTube channel na hindi nila inaasahang mag-asawa na darating kaagad ang pagkakataon na magkakaanak sila. Ang sabi raw kasi ng ob-gyn sa kanila na tila aabutin ng isang taon bago siya magdalang-tao.
Kaya sa sumunod niyang vlog post, ikinuwento na ni Roxanne ang mga preparasyon nilang mag-asawa bago siya mabuntis. Kabilang sa mga ito ang pag-inom niya ng prenatal vitamins and minerals.
Ibinahagi niya ang mahabang listahan (basahin dito), pero diin niya na hindi siya eksperto. Pinagbasehan niya lang daw ang kanyang sariling experience, research, at consultation sa doktor.
Mga benepisyo ng prenatal vitamins
Ang prenatal vitamins ay supplements na nagbibigay ng pang-araw-araw na vitamins at minerals na kailangan bago mabuntis at habang buntis, ayon sa Planned Parenthood. Mainam daw na simulan ang pag-inom ng supplements isang buwan bago magplanong mabuntis. Napakaimportante daw kasi ng mga unang linggo ng pagbubuntis.
Payo pa ng mga eksperto na komunsulta sa doktor sa pagpili ng iinuming supplements. May mga tao raw, tulad ni Coleen Garcia, na hindi maganda ang naging karanasan sa synthetic vitamins. Ang iba naman ay nakakaramdam ng side effects, tulad ng nausea at constipation. Maipapaliwanag ng doktor ang mga uri ng prenatal vitamins and minerals at ang dosage.
Folic acid
Unang-una sa listahan ng supplement ang folic acid, na siyang manmade form ng vitamin B na folate. Kailangan ang vitamin B sa pagdami at paglago ng cells sa katawan.
Rekomendado ng World Health Organization (WHO) ang pag-inom ng 400 mcg ng folic acid kada araw upang makaiwas sa mga sakit sanggkot ang brain at spine ni baby. Tinatawag ang mga ito na neural tube defects (NTDs).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIron
Mahalaga ang iron para makagawa ang katawan ng hemoglobin, ang protina sa red blood cells na naghahatid ng oxygen sa body tissues. Ang kakulangan sa iron ang sanhi ng iron deficiency anemia, na siya namang posibleng magdulot ng premature birth, low birth weight, at postpartum depression.
Ayon sa WHO, kailangan ng buntis ang oral iron supplementation na may mula 30 mg hanggang 60 mg na elemental iron. Katumbas daw ang 60 mg ng elemental iron ang 300 mg ferrous sulfate heptahydrate o di kaya 180 mg ferrous fumarate at 500 mg ng ferrous gluconate.
Paalala lang ni Dr. Geraldine Mendoza, isang ob-gyn, sa dating panayam ng SmartParenting.com.ph, na iwasan ang sobrang pag-inom ng iron. Baka kasi tumaas ang tyansa naman magkaroon ng gestational diabetes at iba pang pregnancy complications. Dagdag pa niya na kadalasang nirereseta lang ang iron supplement sa second trimester.
Calcium
Isa pa ang calcium na hindi dapat nagkukulang sa buntis at magbubuntis. Ito kasi ang responsable sa pagtubo at paglago ng mga malulusog na buto ni baby, lalo na sa third trimester. Maaaring mapunta ang calcium na nakaimbak sa iyong mga buto kay baby kung hindi sapat ang nakukuha mong calcium mula sa pagkain.
Nirerekomenda ng WHO ang calcium supplementation na mula 1.5 grams hanggang 2 grams na oral elemental calcium para sa mga buntis na may low dietary calcium intake. Makakabawas daw ito sa panganib ng pre-eclampsia.
Vitamin D
Kinikilala ang vitamin D sa parteng ginagampanan nito sa bone metabolism sa pamamagitan ng pagmintina ng calcium at phosphate equilibrium. Nakakagawa ang katawan ng vitamin D kapag nalalantad sa araw. Natural din itong taglay ng oily fish, eggs, at fortified food products.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng mga buntis na kulang sa vitamin D, ayon sa WHO, ay tumataas ang tyansa na makaranas ng pre-eclampsia, gestational diabetes, preterm birth, at iba pang tissue-specific conditions.
Makakatulong daw ang vitamin D supplementation para matugunan ang problema, pero hindi pa sapat ang mga paga-aral tungkol sa direktang epekto nito sa kalusugan ng buntis at kanyang sanggol.
Pinaniniwala na may tulong ang vitamin D sa better ovarian stimulation. Lumabas sa 2019 study na mababa ang vitamin D sa mga kababaihan na may problem sa fertility dahil sa polycystic ovarian sydrome (PCOS).
Makakatulong din, ayon sa Mayo Clinic, kung pipili ng prenatal vitamins and vitamins na mayroong vitamin C, vitamin A, vitamin E, B vitamins, zinc, at iodine. Malaking tulong ang mga ito pati sa mga nagpaplano pa lang mabuntis. May mga tinatawag ding fertility vitamins at fertility pills (basahin dito).
What other parents are reading

- Shares
- Comments