;
embed embed2
Nagbabalak Mabuntis? Paano Sundan Ang Ovulation At Malaman Kailan Ka Fertile
PHOTO BY Shutterstock
  • Kung nagbabalak kang mabuntis, isa sa mga dapat mong gawin ay makipagtalik sa panahon ng iyong ovulation o di kaya kung kailan fertile ang isang babae. Tumataas kasi ng 30 percent ang tyansang makabuo ng baby, ayon sa Your Fertility, isang non-government organization sa Australia na pinopondohan ng Australian Government Department of Health.

    Ano ang ovulation?

    Tinatawag na ovulation ang puntong pagpapakawala ng egg cell o ovum sa obaryo (ovary). Nananatiling buhay ang egg cell sa loob ng 12 hanggang 48 na oras. Kung lumampas sa oras ang dating ng sperm, hindi na nila maisasakatuparan ang fertilization para makabuo ng baby. Tinatawag din ang panahong ito bilang ovulation period.

    Kailan fertile ang babae?

    Kumpara sa ovulation, mas mahaba ang panahon ng pagiging fertile. Umaabot ito hanggang anim na araw, at ang average ay mula lima hanggang sampung araw kada buwan. Pero depende pa rin ito sa menstrual cycle ng bawat babae.

    "Fertile window" ang tawag sa limang araw bago ang pagpapakawala ng egg cell o ovulation at ang araw mismo ng ovulation, ayon pa sa Your Fertility. Kaya kadalasang anim na araw ito tumatagal.

    Kapag nakikipagtalik ka sa panahon ng iyong fertile window, sabi pa ng mga eksperto, tataas talaga ang tyansa na mabuntis ka hanggang 50 percent. Mainam daw na nandoon na ang sperm at nag-aabang sa egg cell.

    Paano mo malalaman na ovulating ka?

    Una sa lahat, dapat alam mo ang iyong menstrual cycle para masabi mo kung kailan ang iyong fertile days. Kadalasang nangyayari ang ovulation sa loob ng 10 at 16 na araw bago dumating ang regla. Kung malusog at regular ang iyong menstruation, nangyayari ang ovulation 14 na araw bago ang iyong buwanang dalaw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para maging mas malinaw ang ovulation period sa iyo, subukan ang ganitong calculation: ibawas ang 14 na araw mula sa haba ng iyong menstrual cycle. Mga halimbawa:

    • Para sa 28 na araw ang menstrual cycle mo: Day 1 ang siyang unang araw ng iyong regla at Day 14 naman ang simula ng iyong ovulation.
    • Para sa 35 na araw ang menstrual cycle: Day 21 ang simula ng iyong ovulation

    Bukod sa pagbabantay sa iyong menstrual cycle, maaari mo ring subukan ang basal body temperature (BBT) charting at ang pagsusuri sa iyong cervical mucus upang malaman ang iyong fertile days.

    Gamit ang thermometer para masukat ang BBT, kailangan mong sukatin ang iyong temperature tuwing umaga. Kadalasan kasing bumababa ang temperature tuwing ovulation days at, kinabukasan, tumataas ito hanggang datnan ka na ng regla.

    Sa pagsuri naman ng cervical mucus, ang pagkakaroon ng vaginal discharge na malinaw, madulas, at maihahalintulad sa puti ng itlog ay nagsasabing malapit na o di kaya nariyan na ang ovulation mo. Ito ay ayon naman sa American College of Obstetrics and Gynecology (ACOG).

    Sa pagsusuri ng cervical mucus, ganito raw ang gawin mo: ipasok ang malinis na daliri sa puwerta at kumuha ng vaginal discharge. Kung nababatak ang ito sa pagitan ng hinlalaki at isa pang daliri, malamang na ovulating ka na o di kaya malapit na ang ovulation mo. (Basahin dito para sa ibang senyales na ovulating  at fertile ka.)

    Paano kung irregular ang menstruation?

    Para sa mga kababaihang may endometriosis, polycystic ovarian syndrome (PCOS), at iba pang kondisyon, hindi regular ang dating ng kanilang regla. Kaya hindi rin sila nakakasiguro kung kailan ang kanilang ovulation. Kaya payo ng mga eksperto na komunsulta sa ob-gyn.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Payo ng ACOG na subukan ang BBT charting at ang pagsusuri ng cervical mucus kung irregular ang menstrual period. Makakatulong din daw ang paggamit ng ovulation predictor kit at ng wearable gadget na susukat ng iyong BBT kahit tulog ka.

    Kung hindi umuubra ang pagbabantay sa iyong ovulation period at fertile days para mabuntis, mainam na komunsulta sa iyong doktor. May ilang mga posibleng dahilan kung bakit hindi ka nabubuntis. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    Anovulation--ibig sabihin, hindi ka talaga nagkakaroon ng ovulation

    Male infertility--baka may problema sa sperm count o iba pang kondisyon ang iyong asawa o partner

    Age-related infertility--kapag nagkakaedad, kumukonti at humihina ang egg cells kaya hirap mabuntis kahit kailan fertile ang isang babae

    Basahin dito para naman paano malaman kung safe o hindi fertile.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles