-
Mabilis Raw Makasira Ng Pagsasama Ang 5 Ugaling Ito
May mga ugaling maaaring maging dahilan para masabotahe ang pagsasama ninyong mag-asawa.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kung may mga ugaling nagiging dahilan ng tagumpay ng isang pagsasama, mayroon din namang mga ugaling nagiging ugat ng pagkasira nito.
Malimit, nakatingin tayo sa labas kapag may nangyayaring hindi maganda sa relasyon natin sa ating asawa. Hindi natin alam, maaaring ang mga dahilan pa ng hindi pagkakaunawaan ay tayo mismo.
Malaki ang maitutulong sa iyo para i-improve ang sarili mo kung alam mo ang mga ugaling nakakasama sa inyong relasyon.
What other parents are reading
Mga ugaling maaaring makasira sa pagsasama ninyong mag-asawa
Wala kang confidence
Kung hindi maganda ang tingin mo sa sarili mo, may tendency na hahayaan mo lang ang asawa mo na tratuhin ka kung paano niya gusto—maganda man ito o hindi.
Kapag mababa ang tingin mo sa sarili mo, hindi mo namamalayan na pumapayag ka na pala na hindi maganda ang trato sa iyo ng asawa mo.
Hindi rin maganda na wala kang tiwala sa sarili mo dahil maiiwan ang decision-making ng pamilya sa asawa mo. Malaking pressure ito para dalhin ng isang tao, kaya maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa pagsasama ninyo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMadamot ka
Kung puro sarili mo lang ang iniisip mo, siguradong hindi mo makikita ang mga pangangailangan ng partner mo. Hindi mo rin mapapansin kung ano ang love language niya dahil sa sarili mo lang na love language ikaw nakatingin.
Hindi rin makakatulong sa pagsasama ninyo kung sariling goals mo lang ang binibigyan mo ng pansin.
Sobra kang magselos
Normal lang na makaramdam ka ng selos. Ngunit kung labis na ito, maaari itong makasama sa pagsasama ninyong mag-asawa.
Ang labis na selos ay tanda rin na wala kang tiwala sa partner mo. Kadugtong din nito ang labis mong pag-aalala na baka may ginagawa siya na hindi mo alam. Kung ganito ka mag-isip, malimit ay pipilitin mong pakialaman ang lahat ng aspeto ng buhay niya, mula sa kaniyang mga gamit gaya ng cellphone at computer, hanggang sa kanyang social media accounts.
Hindi maganda sa pagsasama ang kawalan ng tiwala sa isa't-isa.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMasyado kang kritikal
Noong nagliligawan pa lang kayo ng asawa mo, bawat galaw niya ay nakakatuwa at nakaka-in love. Pero ngayong mag-asawa na kayo o nagsasama na kayo sa iisang bahay, bawat galaw na niya ay nakakainis at mali. Napansin mo ba ang pagbabagong ito?
Kung lagi kang nakatingin sa mga maling ginagawa ng partner mo at napakahirap mong pasayahin, hindi magiging maganda ang pagsasama ninyong mag-asawa.
Ayaw mong nakikipag-usap
Mahalaga sa isang relasyon ang open communication. Kung mas pinipili mo laging manatiling tahimik lang, walang mareresolba sa mga conflicts ninyong mag-asawa. Importante na open kang makipag-usap kung may conflict kayo. Nakakasira din ng relasyon kung nagtatanim ka ng galit.
Ilan laman ang mga ito sa mga ugaling maaaring mayroon ka na siguradong hindi maganda ang maidudulot sa relasyon ninyong mag-asawa.
Kung hindi mo alam kung alin sa mga ito ang mayroon ka, makakatulong kung magtatanong ka sa asawa mo o sa iyong mga kaibigan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAwareness, o ang kaalaman mo sa iyong mga sariling ugali, ang unang hakbang para mas maging maayos ang pagsasama ninyo ng asawa mo.
May ibang ugali pa bang tingin mo ay makakasira sa pagsasama ninyo ni hubby? I-share mo lang 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments