-
8 Tanda Na Toxic Ang Relasyon Ninyong Mag-Asawa At Bakit Hindi Mo Ito Dapat Tiisin
You deserve better, Ma!by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Wala naman talagang perpektong pagsasama. Bawat relasyon ay dumadaan sa iba't-ibang mga hamon at pagsubok. Normal lang din ang pagtatalo at hindi pagkakaintindihan.
Ngunit hanggang kailan mo nga ba dapat na tiisin ang mga hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon? Paano mo malalaman kung normal pa ba ito o pang-aabuso na?
Ano ang ibig sabihin ng toxic relationship?
Ayon sa Very Well Mind, ito ay isang uri ng relasyon kung saan nalalagay sa panganib ang iyong emotional, psychological, at physical well-being.
Ang mga relasyong mayroong physical at psychological abuse ay isang halimbawa ng toxic na relatationship.
Narito ang ilan sa mga tanda na nasa isang toxic relationship ka:
Bigay ka ng bigay ngunit wala kang natatanggap
Ang isang relasyon, maging sa partner mo man iyan, sa anak mo, o sa kaibigan mo, ay parang isang banko. Kailangan mong 'magdeposit' sa tinatawag na love bank nila. Mayroon ka ring sarili mong love bank na siya namang pupunuin ng partner mo.
Kung ikaw ang laging nagbibigay sa partner mo ng mga pangangailangan niya at wala kang nakukuha para mapuno ang sarili mong love bank, maaaring isang indikasyon ito na toxic ang relasyon ninyo.
Kung nararamdaman mo na parang 'nauubos' ka na, isa iyong indikasyon na hindi maganda ang inyong pagsasama.
What other parents are reading
Wala kang tiwala sa partner mo
Importanteng pundasyon ng isang matagumpay na relasyon ang tiwala. Kung wala ito, hindi magiging matibay ang inyong relasyon at hindi mo mararamdaman na secured ka. Palagi ring magiging mabigat ang pakiramdam mo dahil lagi kang nagdududa sa partner mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga tanda na wala kang tiwala sa partner mo:
- Hindi mo ipinagkakatiwala ang mga bagay sa asawa mo
- Palihim mong minomonitor ang social media accounts nila
- Nag-iisip ka ng masama sa tuwing nakakatanggap siya ng mensahe
Madalas kayong mag-away
Bagaman normal ang mga away sa isang relasyon, kung madalas na ito at paiksi na nang paiksi ang pasensya ninyo sa isa't-isa, hindi na healthy ang relasyon ninyo.
Isa ring indikasyon ng toxic relationship ang pag-aaway ng matindi dahil sa maliliit na bagay. Kung hindi niyo na nadadaan sa masinsinan at kalmadong pag-uusap ang mga problema ninyo, maaaring toxic na ang inyong pagsasama.
Wala siyang respeto sa iyo
Ang partner mo ang dapat na katuwang mo sa halos lahat ng bagay. Ang inyong pagsasama ay dapat katuparan ng sumpaan sa isa't-isa—na magsasama kayo sa hirap at ginhawa, sa kasaganaan at kagipitan, at sa ano mang uri ng karamdaman.
Kung hindi ka kayang irespeto at suportahan ng asawa mo, siguradong toxic ang inyong relasyon.
Hindi ka niya kinakausap
O hindi maganda ang inyong komunikasyon sa isa't-isa. Paano ninyo mareresolba ang inyong mga problema kung hindi ninyo magawang mag-usap?
Sa maayos na komunikasyon niyo rin maipaparating sa isa't-isa ang mga gusto ninyong makamit pati na rin ang inyong mga pangangailangan.
Negatibo ang ugali niya
Mabigat sa loob kung alam mong laging may hindi magandang iniisip tungkol sa iyo ang asawa mo. Walang anumang magandang bagay ang lalabas sa isang relasyon na punong-puno ng negatibong enerhiya. Sa katunayan, isa ang pagiging negatibo sa mga ugaling maaaring maging ugat ng pagkasira ng isang relasyon.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHindi ka makagalaw kapag nariyan siya
Kailan man ay hindi magiging healthy at masaya ang relasyon ninyo kung hirap kang kumilos kapag nariyan ang partner mo. Kung hindi mo kayang maging honest sa kanya o hindi mo kayang ipakita sa kanya ang iyong tunay na ugali, hindi healthy ang relasyon ninyo sa isa't-isa.
Nasa loob ka ng isang toxic na relasyon kung pakiramdam mo ay wala kang karapatang magsalita o magpahayag ng mga nararamdaman mo.
Nawawalan ka ng self confidence
Madalas bang iparamdam sa iyo ng partner mo na wala kang kwenta at hindi mahalaga kung ano man ang nararamdaman mo at mga gusto mong sabihin? Tanda 'yan ng isang toxic na relasyon.
Ang isang maayos at healthy na relasyon ay dapat na mag-aangat sa tiwala mo sa iyong sarili. Isa ito sa mga dapat na magpapalakas sa loob mo at magtutulak sa iyo para maniwala sa iyong mga kakayahan. Kung kabaligtaran ang nangyayari, nasa loob ka ng isang toxic na relasyon.
What other parents are reading
Bakit hindi mo dapat tiisin na maging bahagi ng isang toxic na relasyon?
Marami ang nananatili sa isang toxic relationship dahil sa tingin nila ito ang makakabuti para sa mga anak nila. Pero sa tingin mo ba, makakabuti sa iyong anak kung nakikita ka niyang walang tiwala sa sarili? Laging umiiyak? Laging malungkot? Hindi masaya?
Sabi nga nila, bago ka maging isang mabuting ina, kailangan mo munang maging okay sa sarili mo. Bago ka makapagpalaki ng mga matatagumpay na mga bata, kailangan ay maayos ang lagay ng iyong kaisipan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi ka dapat natatakot na sabihin kung ano mang gusto mo. Hindi ka rin dapat na natatakot na iparating ang mga pangangailangan mo. Hindi masamang mag-focus ka sa sarili mong mga pangangailangan—hindi ka dapat ma-guilty tungkol dito.
What other parents are reading
Ayon pa sa Insider, may mga physical manifestations din ang isang toxic relationship. Kabilang na riyan ang mabigat na pakiramdam, digestive issues, at muscle tightness.
Naranasan mo ba ang ilan o higit pa sa mga tanda na ito? Nakakaranas ka ba ng domestic violence o verbal abuse? Maaari mo itong i-report sa kapulisan. Tandaan mo, mayroon kang karapatan bilang babae.
Para sa iba pang kwento tungkol sa parenting at relationships, i-click mo lang ito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments