embed embed2
  • Simple Ngunit Makabuluhang Civil Wedding Sa Halagang P27,800

    Minimalist ang mag-asawa kaya naman noon pa ma’y simpleng kasal na talaga ang gusto nila.
    by Ana Gonzales .
Simple Ngunit Makabuluhang Civil Wedding Sa Halagang P27,800
PHOTO BY Glenn Mendiola courtesy of Mariel Santiago
  • Ang pag-aasawa’y maituturing na isa sa mga pinakamahahalagang pagdadaanan ng isang tao. Tanda kasi ito ng pagsisimula ng isang panibagong chapter. May mga magkasintahang pinipiling maging engrande ang kanilang kasal, samantalang mayroon namang mas gusto na maging simple ang okasyon.  

    Isa na riyan sina mommy Mariel at daddy Oliver Santiago. Ibinahagi ni mommy Mariel sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang kanilang tipid minimalist wedding. Ayon sa kanya, noon pa ma’y talagang simpleng kasal na ang gusto nila dahil sumusunod sila sa minimalist lifestyle. "We initially planned for 50pax guest list. That’s already intimate compared to the usual 100 or more wedding guests," kwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang email interview. "But then we realised we can go for a civil wedding first, increase our streams of income and once we have enough for a church wedding, we can get married again!" dagdag pa niya.

    May singsing na sina mommy at daddy kaya hindi na sila bumili pa ng bago.
    PHOTO BY Glenn Mendiola courtesy of Mariel Santiago
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa kay mommy, hindi naman sila nanggaling sa pamilyang may kaya sa buhay. "We want a debt-free wedding," sabi niya. "We want to celebrate with people who really matter to our little family and who are always there for our marriage."  

    Ayon pa sa kanya, ang perang natipid nila mula sa simpleng kasal ay pwede nilang ilagay sa ibang bagay, tulad ng investments at sa educational plan ng 15-month-old nilang anak. 

    Ginanap ang kanilang kasal sa Mayor’s Office ng Angono, Rizal. Ayon sa breakdown ni mommy ng mga nagastos niya, humigit-kumulang Php1,000 ang municipal fees na nagastos nila.

    Halos P1,00 ang nagastos nila sa ceremony na ginanap sa Mayor's Office, Angono, Rizal.

    Samantala, ginanap ang reception sa Yellow Bird Cafe x Kitchen sa Antipolo. Php 12,000 ang nagastos nila para sa reception venue rental at consumable meals na may kasama nang cake. Nagbayad din sila ng Php4,000 para sa on-the-day van rental, na siya nilang ginamit para sa transportation nila nang araw na iyon.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    Intimate talaga ang celebration dahil walong bisita lang ang naroon.
    PHOTO BY Glenn Mendiola courtesy of Mariel Santiago
    Present ang pareho nilang ina, mayroon silang dalawang ninong, ang kaibigan nilang photographer, ang driver, silang dalawang mag-asawa at ang kanilang anak.
    What other parents are reading

    Pagdating naman sa on-the-day-photographer, lumapit sila sa kanilang kaibigang si Glenn Mendiola. Gumasto sila ng total na Php5,000. Kung damit at makeup naman ang pag-uusapan, pumapatak na halos Php5,800 lang ang nagastos nilang mag-anak. Php1,000 para sa wedding sandals, Php2,000 para sa wedding dress ni mommy, Php800 para sa pantalon ni daddy, at Php2,000 para sa polo ni daddy at dress ni baby.

    Kasama na ang cake sa binayaran nilang consumable meals.
    PHOTO BY Glenn Mendiola courtesy of Mariel Santiago
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kabuuang nagastos nilang mag-asawa para sa kanilang kasal ay hindi tataas sa Php30,000. Kwento nga ni mommy, importanteng pag-isipang mabuti ang mga malalaking desisyon sa buhay—at ang kasal mo ang isa sa mga malalaking life decisions na ito. "Stop impressing other people and do what’s best for you two, or three, if you have a baby like us," payo niya.

    Hindi naman masamang magkaroon ng engrandeng kasal. Bawat couple ay mayroong iba-ibang preferences. Ang importante lang ay alam mong ginagawa mo ito para sa sarili mo at hindi para makipagpaligsahan sa ibang tao. 

    Sabi nga ni mommy, "Your wedding is just an icing on the cake—the marriage is the whole cake! Anong sense kung engrande nga ang wedding mo, pero 'yung pagsasama ninyo as husband and wife ay hindi masarap, masagana at masaya?"

    What other parents are reading

    Kayo? Anong klaseng kasal ang mayroong kayo? Civil o church? Kumusta ang inyong experience at magkano ang inyong nagastos? Share lang sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close