-
Posible Nga Ba Ang Minimalist Lifestyle Kung Mayroon Kang Mga Anak?
Bakit hindi? Narito ang ilang paraan para magawa mo ito.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Siguradong nakapaglinis ka na ng bahay bago pa man pumasok ang taong 2020. Naging bahagi na kasi ng pagpapalit ng taon ang paglilinis natin sa ating mga tahanan para maayos tayong makapagsimulang muli. Kaya lang, habang tumatagal at habang parami nang parami ang ating mga anak, mas nagiging mahirap ito. Posible nga bang magkaroon ng minimalist lifestyle kung mayroon ka nang mga anak?
Bakit naman hindi? Kamakailan ay nagbahagi ang aktres at expectant mom na si Anne Curtis ng kanyang experience tungkol sa nesting. Ayon sa kanyang Instagram post, naramdaman niyang mas gusto na niya ngayon na lahat ay malinis at minimalist. At sino namang makatatanggi sa ganitong uri ng lifestyle?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano nga ba magsimula ng minimalist na lifestyle?
Ang pagiging minimalist ay ang pamumuhay nang mayroon lamang ang lahat ng iyong mga pangunahin o basic na pangagailangan. Ibig sabihin, walang gamit sa bahay ninyo na hindi ninyo nagagamit araw-araw. Kung may mga pandekorasyon man, kaunti lamang ito at kalimitan ay multifunctional pa.
Ayon sa isang article na inilathala sa Forbes, malaki ang benefits na makukuha ng mga bata sa pagkakaroon ng minimalist na lifestyle.
Halimbawa, ang isang kwartong walang masyadong gamit o kalat ay makakatulong para makatulog nang mas maayos ang mga bata. Sabi ni Jen Trachtenberg, MD ng American Academy of Pediatrics, maaaring ma-overstimulate ang mga bata kung nasa kwarto sila na maraming kalat. “Cluttered home environments often have increased opportunity for accidents, particularly choking hazards for kids,” dagdag pa niya.
Kaya naman marami nang mga nanay ang pumipili ng minimalist lifestyle para sa kanilang mga pamilya. Bukod sa matipid na ito, mas nagiging madali pang linisin ang bahay. Isa rin itong magandang paraan para ituro sa inyong mga anak ang kahalagahan ng simpleng pamumuhay. Pagkakataon mo ito para ipakita sa mga anak mo na hindi lang sa materyal na bagay makakakuha ng kaligayahan. Narito ang mga pwede mong gawin:
CONTINUE READING BELOWwatch nowIpamigay ang mga gamit na hindi mo na kailangan
Kung nahihirapan kang malaman kung alin ang kailangan at hindi mo na kailangan, tignan mo kung kailan ang huling beses na ginamit mo ang isang bagay. Kung umabot na ng halos tatlong buwan, marahil ay hindi mo na ito kailangan.
Kalimitang mali kasi nating mga nanay ay ang pag-iisip na ‘baka kailanganin ko ito sa hinaharap.’ Bitawan mo ang mga gamit na hindi ka naman sigurado kung gagamitin mo madalas.
What other parents are reading
Itapon ang mga gamit na sira na
May mga gamit na nakatago lang dahil sira na. Kung hindi mo na ito maipapagawa, huwag mo na itong itago. Magiging kalat lang ito sa bahay at magpapasikip lang ito sa mga storage spaces ninyo.
Gumamit ng storage spaces na multipurpose
Pagdating naman sa storage space, pumili ka ng multipurpose. May mga drawers na maaring dumoble bilang lamesa at may mga kamang ang base ay may kasama nang drawers. Maganda ang multipurpose na mga furniture dahil bukod sa tipid ka na sa space sa bahay, limitado rin ang storage mo kaya mapipilitan kang huwag mag-hoard.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Gumamit ng listahan sa pamimili
Marahil ay ginagawa mo na ito para sa inyong groceries pero makakatulong din ang paglilista kung mamimili ka ng gamit para sa bahay. Makakatulong din ang paglilista kung mamimili ka ng mga gamit o laruan ng iyong mga anak.
Bukod pa riyan, isa rin itong epektibong paraan para masiguro mong hindi ka bibili ng ano mang mga bagay hindi niyo kailangan.
What other parents are reading
Payo pa ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, subukan ninyong mag-asawa na huwag nang bumili ng mga laruan para sa inyong mga anak—lalo na kung madalas naman silang bigyan ng mga ninong at ninang nila o ‘di kaya ang mga lolo at lola nila.
Pagdating naman sa mga damit, huwag bumili ng marami dahil mabilis lumaki ang mga bata. Payo ng mga nanay mula sa Village, huwag matakot tangkilikin ang mga hand-me-downs na damit mula sa mga kamag-anak at kaibigan dahil malaki ang matitipid mo dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTandaan, ang minimalist lifestyle ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng kaunting gamit. Ito’y tungkol din sa pagiging simple at pagiging kuntento sa kung ano ang mayroon ka. Magandang matutunan ito ng mga bata para hindi sila lumaking materialistic at walang pagpapahalaga sa pera.
Nasubukan mo na ba ang minimalist lifestyle? Paano ito ginagawa ng inyong pamilya? Kumusta ang inyong pamumuhay? I-share mo na ang inyong experience sa comments section.

- Shares
- Comments