embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Dapat Pa Bang Magbigay Si Hubby Ng Pera Sa Mga Magulang Niya?

    Narito ang ilan sa mga paraan para magkaintindihan at mapagtibay ang pagsasama bilang mag-asawa.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Dapat Pa Bang Magbigay Si Hubby Ng Pera Sa Mga Magulang Niya?
PHOTO BY iStock
  • Likas na talaga sa ating mga Pilipino ang pag tanaw ng utang na loob, lalo na sa ating mga magulang. Sa katunayan, hindi uso sa atin ang pagdadala sa ating mga magulang sa mga home for the aged. Bagkus, ay kasama natin sila sa ating mga tirahan hanggang sa kanilang pagtanda, katulad ng setup namin ng aking asawa.

    Ang pagkakaroon ng sariling pamilya ay masaya at nakakapanibago dahil may mga bagay tayong nagagawa noon na hindi na natin nagagawa ngayon. Lalo na pagdating sa mga financial conversations.

    More from Smart Parenting

    Bilang mag-asawa, kailangang pinaguusapan at pinagkakasunduan ang mga usapin tungkol sa pera. Hindi magandang maglihim o magsinungaling kahit pa mabuti ang intensyon, dahil makakasira lamang ito sa inyong relasyon.

    Isa sa mga karaniwang tanong ng mag-asawa pagdating sa pera ay kung dapat pa nga bang magbigay si hubby sa kanyang mga magulang ngayong may sarili na siyang pamilya na kailangang suportahan.

    Dahil bahagi na ng ating kultura ang alagaan ang ating mga magulang hanggang sa kanilang pagtanda, hindi talaga natin sila natitiis lalo na kung alam nating wala na silang ibang masasandalan. Ngunit paano kung limitado na ang budget ninyong mag-asawa?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano mo nga ba sasabihin sa asawa mong huwag na siyang magbigay ng pera sa pamilya niya?

    May ilang paraan na maaring subukan upang hindi na maging problema at issue sa inyong mag-asawa ang pagbibigay ng pera sa mga magulang ni hubby:

    I-breakdown ang inyong budget

    Bago pa man kayo magdesisyong tuluyan nang hindi suportahan financially ang mga magulang ninyo, i-breakdown at kilatisin muna ninyong maiging mag-asawa ang inyong monthly budget. Magkano ba ang inyong combined income? Si hubby lang ba ang may trabaho? Magkano ang inyong monthly bills at daily expenses? May maitatabi pa ba kayo para sa savings at emergencies?

    Sa pamamagitan kasi nito, masusukat ninyo kung kakayanin niyo pa bang suportahan ang inyong mga magulang. Dito niyo rin malalaman o mabubuo ang magandang sabihin sa kanila kung sakali mang magdesisyon kayong huwag na silang suportahan.

    More from Smart Parenting

    Makipag-usap sa magulang niya ng masinsinan

    Kung sakali ngang hindi na kaya ng inyong budget ang suportahan pa ang magulang ni hubby (o magulang mo), ipaliwanag ninyo itong dalawa sa kanila ng maayos. Pwede niyo pa ngang ipakita sa kanila ang breakdown ng inyong expenses. Siguraduhin mo lang na ipapaliwanag mo ng walang sama ng loob, paghihiganti, o galit sa iyong puso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magbigay ng alternatibong tulong

    Kung hindi man kayo makakapagbigay ng cash buwan-buwan, maaari pa rin naman kayong tumulong sa ibang paraan. Pwede mo silang bigyan ng grocery items o di kaya ay ibili sila ng maintenance medicine nila na pang isang buwan. Kung may maliit kayong negosyo, maari silang tumulong at mula doon ay mabibigyan sila ng kaunting allowance depende sa kinikita ng inyong negosyo.

    Pwede mo ring sagutin ang ilan sa kanilang buwanang expenses. Kung halimbawa ay nagpapacheckup ang iyong in-laws, maaari kayong mag offer na kayo na lang ang sumagot sa kanilang regualar checkup, lalo na kung pasok ito sa inyong budget.

    More from Smart Parenting

    Turuan ang kanyang mga magulang na maging financially independent

    Madaling magbigay ng pera, pero panandaliang solusyon lamang ito, kapag nangailangan ulit sila, mapipilitan ulit kayong magbigay. Kaya naman mas mainam kung ang ibibigay sa kanila ay negosyo o kaya naman ay insurance para may aasahan silang pagkukuhanan ng pera kahit wala kayong maiaabot sa kanila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mag-compromise kayong mag-asawa

    Kung hindi kayang turuan ang kanyang mga magulang, maari naman kayong dalawa na lang ang mag-adjust. Sa aming experience ng aking asawa, nagbukas kami ng isang joint account para sa mga shared-expenses namin at kasama na din dito ang aming savings para sa aming anak at mga plano sa buhay.

    Sinisugurado naming ang halagang nilalagay namin dito ay hindi maaring galawin para sa ibang bagay. Ito ay nakalaan lamang para sa aming pamilya. Dahil may trabaho naman kami pareho, pagkatanggap namin ng aming sweldo, ay ibinubukod na namin ang kanya-kanyang ambag sa aming joint account at ang natitira naman ang aming ipinagkakasya para sa aming allowances. Pinagkasunduan naming magasawa na sa personal allowances namin ibinabawas ang halagang inaabot namin sa aming mga magulang.

    Importante na magkasundo kayo sa halagang ilalaan ninyo para sa inyong pamilya at para sa inyong mga magulang. Unahin muna ang lahat ng inyong pangangailangan para masiguro ninyong hindi kayo kukulangin kahit magbigay kayo sa inyong mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Isama ito sa inyong budget

    Ngunit kung kailangan talagang magbigay kayo sa inyong mga magulang buwan-buwan, mas mainam na isama na ito sa budget ninyo. 

    Tandaan lang na kung hindi talaga kaya ay sigurado namang maiintindihan kayo ng inyong mga magulang kung may mga panahong hindi talaga kayo makakapagbigay.

    More from Smart Parenting

    Pagdating naman sa pamilya ng iyong asawa, kung kakausapin niyo naman sila ng maayos at pagpapaliwanagan kung bakit, maiintindihan naman nila ang inyong sitwasyon. 

    Kung ano man ang inyong mapag-dedesisyonang mag-asawa, tiyak naman na tatanggapin at rerespetuhin ito ng inyong mga magulang lalo na kung nakasalalay ang kinabukasan ng sarili ninyong pamilya.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles