embed embed2
  • Date Night Hack Ng Mag-Asawa: Midnight Date Sa Terrace

    Bakit nga ba importante sa mga mag-asawa ang ganitong mga moments?
    by Ana Gonzales .
Date Night Hack Ng Mag-Asawa: Midnight Date Sa Terrace
PHOTO BY courtesy of Ana Lalane Felicio
  • Gaano kadalas kayong mag-date ng partner mo? Kasama ba sa budget at schedule ninyo kada buwan ang date night? Kailangan ba talaga ito lalo na ngayong nasa gitna tayo ng isang pandemic?

    Oo. 'Yan ang maiksing sagot ng mga eksperto. May pandemic man o wala. Kabilang pa rin dapat sa buhay ninyong mag-asawa ang pakikipag-date sa isa't-isa. Sa katunayan, sabi pa nga ng mga eksperto, mas naging importante pa ito ngayon.

    Base sa isang pag-aaral na ginawa ng Marriage Foundation, lumalabas na ang pagkakaroon ng date nights ay nakakapagpatibay sa emotional connection ng isang magkarelasyon. Bukod pa riyan, pinagtitibay din nito ang intimacy ng isang mag-asawa. 

    Hindi niyo naman kailangang gawin ito araw-araw o linggo-linggo. Minsan sa isang buwan lang ay sapat na. Hindi niyo rin ito kailangang gawing kumplikado. Kahit pagsaluhan niyo lang ang isang simpleng midnight snack o 'di kaya ay magkaroon kayo ng movie night, okay na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Ana Lalane Lanot Felicio

    'Yan ang siyang ginawa nina mommy Ana Lalane Felicio at ng kanyang hubby na si daddy Arnold. Miyembro si Ana ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Nang ibahagi niya ang kanilang midnight date ng asawa niya, marami ang natuwa at napa-'sana all'. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Simple lang kasi ito ngunit makabuluhan. Sabi nga ni mommy sa kanyang post, DIY lang ang kanilang midnight date sa terrace ng bahay nila—itinaon pa nilang tulog si baby para sulit ang moment nila. 

    Kwento ni Ana sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, high school sweethearts daw sila ni daddy! "Magkaklase at naging kami noong 4th year high school," kwento niya. After high school, pareho kaming nag-aral sa PUP-Taguig."

    What other parents are reading

    Sabi pa ni mommy, kahit magkaiba ang kurso nilang dalawa, humahanap pa rin sila ng paraan para kahit sandali ay magkasama. "One time, naki-seat in siya sa klase ko na 6-9PM para sabay kaming umuwi," kwento niya. "Pinag-recite din siya ng prof ko!" dagdag pa niya sabay tawa. 

    Matapos ang walong taong pagiging mag-nobyo, nag-propose na sa wakas si daddy. "Na-witness din ng family and friends namin, super surprise at iyakan, kasabay ng house blessing ng kinuha naming bahay," pagbabahagi ni mommy. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kanilang 10th year bilang magnobyo, taoan 2019, ikinasal na sila. "Ten years na ang nakalipas simula naging kami pero feeling namin kahapon lang nangyari ang lahat pag binabalikan namin," sabi pa niya. Abril naman nang taon na iyon dumating sa kanila ang kanilang munting anghel. "April 2019 nalaman namin na preggy ako," kwento ni Ana. 

    What other parents are reading

    Mula noon hanggang ngayo'y lagi na raw talagang ipinagluluto ni daddy si mommy. Bago ang pandemic, madalas din daw silang mag-travel. Ngunit, paliwanag ni mommy, noon pa ma'y hindi na raw talaga sila mahal mag-date.

    Bawat travel nila ay matagal nilang pinag-iipunan at ang mga dates nila ay malimit hindi tataas sa Php1,000 ang budget. "Malaki na 'yung Php1,000 dahil mas priority ang paghulog sa kinuha naming bahay at kotse," paliwanag niya. "Ang hilig talaga namin ay mag-travel. Pinag-iipunan namin yun. Book ng seat sale at ipon ng ilang buwan before travel."

    Ngayong may pandemic at hindi sila makapag-travel, masaya na silang dalawa sa simpleng midnight date night sa terrace ng bahay nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento pa ni mommy, 'steak-steakan' ang hinanda ni daddy para sa kanila. "First time niya kasing gumawa nung beef steak at creamy mushroom pasta," paliwanag ni mommy. 

    Ayon pa kay mommy, mahalaga ang ganitong mga date nights sa kanila kahit may anak na sila, dahil nakakatulong ito para tumibay ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. "Kuwentuhan at tawanan na inabot kami ng 3AM. Kuwentuhan ng mga past experiences namin. Ang saya," pagbabalik tanaw niya.
    PHOTO BY courtesy of Ana Lalane Felicio
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Dapat magtulungan at hindi dapat magsawa sa mga ganitong bagay," payo pa ni mommy. "Maglaan ng oras na gawin kahit saglit lang [dahil] super makakatulong sa relationship. Minsan nagluluto lang kami ng fries at sandwich. Sabay kaming kakain ng midnight at magkukwentuhan. Super saya pa rin."

    Minsan, wala kasi ito sa nakahanda sa lamesa, kundi sa kalidad ng pagsasama ng dalawang magkaharap sa hapag kainan. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close