embed embed2
  • Experts Say: Maituturing Na Emotional Abuse Ang Mga Gawaing Ito

    Madalas, hindi alam ng isang tao na pang-aabuso na pala ang pinagdadaanan niya.
    by Ana Gonzales .
Experts Say: Maituturing Na Emotional Abuse Ang Mga Gawaing Ito
PHOTO BY iStock
  • Sabi nga nila, napakadaling magbigay ng advice kung hindi ikaw ang taong nasa kabilang dulo. Ganito kalimitan ang kalagayan ng mga taong nakakaranas ng emotional abuse. Madalas kasi, hindi nila alam na inaabuso na pala sila. At ang kawalan ng kaalaman tungkol sa mga tanda ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpapatuloy ang pang-aabuso. 

    What other parents are reading

    Narito ang mga tanda ng emotional abuse

    Gumagawa siya ng paraan para ibaba ang iyong self-esteem

    Kabilang dito ang pagtawag sa iyo ng mga derogatory names tulad ng 'tanga', 'bobo', 'walang silbi', at iba pa. Tanda rin ng emotional abuse ang pagtawag sa iyo ng mga hindi magagandang pet names tulad ng 'taba', 'landi', at iba pa.

    Kung hindi ka komportable sa tawag sa iyo ng partner mo, may karapatan kang sabihin ito sa kanya. Kung hindi niya pakikinggan ang pagtawag mo sa kanyang atensyon, emotional abuse ang ginagawa niya. 

    Tanda rin ng emotional abuse kung madalas mong naririnig ang salitang 'palagi' o 'always'. Halimbawa: 'Palagi ka na lang ganyan.' O 'di kaya ay, 'Palagi kong napapansin.' Ang tawag dito ay character assassination. Ito iyong pagkakataon na pakiramdam mo ay may mali sa iyo o masama kang tao. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Palagi ka niyang sinisigawan

    Kailan man ay hindi naging tama na sigawan ang isang tao. Kung napansin mong palagi kang sinisigawan ng partner mo, tanda ito ng emotional abuse.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pang-iintimidate din ito para bumaba ang tiwala at tingin mo sa iyong sarili.

    Hinihiya ka niya sa harap ng ibang tao

    May tamang lugar at panahon para sa maraming bagay. Kung sa harap ng ibang tao ka pinipiling awayin ng partner mo, tanda ito ng emotional abuse. 

    Hindi rin siya dapat nagbabahagi ng mga pribadong impormasyon tungkol sa iyo at hindi rin niya dapat gamiting panakot sa iyo ang mga impormasyon o sikretong alam niya—emotional abuse ito. 

    What other parents are reading

    Minamaliit niya ang mga accomplishments mo

    Emotional abuse kung lahat ng ginagawa mo ay minamaliit niya. Tandaan na lahat ng mga achievements mo o mga narating mo sa buhay ay mahalaga. Kung para sa partner mo wala itong kwenta, tanda ito ng kawalan ng respeto sa iyo at sa mga bagay na mahalaga sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masyado ka niyang kinokontrol

    Normal lang na hanapin ka ng partner mo kung hindi niya alam kung nasaan ka. Pero kung labis na control ang ginagawa niya sa iyo, mula sa pagpili ng isusuot mo hanggang sa mga pwede mong maging kaibigan, emotional abuse ito. 

    Kung pakiramdam mo ay nawawalan ka na ng karapatang magdesisyon para sa sarili mo, emotional abuse ito. Hindi mo dapat maramdaman na wala ka nang kalayaang mamili para sa sarili mo.

    Hindi lang personal decisions ang sangkot dito. Kung siya rin ang lahat ng nagdedesisyon para sa pamilya, pera, at mga anak ninyo, maaari itong maging tanda ng emotional abuse. Sa isang pamilya, lahat kayo ay dapat may boses.

    What other parents are reading

    Palagi ka niyang sinisisi

    Normal sa isang relasyon na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan. Normal lang din na dumaan kayo sa mga pagsubok. Pero kung isisisi niya sa iyo lahat ng ito, emotional abuse na ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung palagi niyang sinasabi sa iyo na ikaw ang dahilan ng mga pagsubok na pinagdadaanan ng inyong pamilya, maaaring emotional abuse ang ginagawa niya. 

    Hindi ka rin niya dapat pinaparamdam ng guilt. Halimbawa, hindi niya dapat isumbat sa iyo ang mga pagkakataong nage-enjoy ka. Kung nagpapahinga ka, wala ka dapat maramdamang guilt at hindi ka niya dapat pagsalitaan para ma-guilty ka. 

    Hindi niya rin dapat isisi sa iyo kung may mangyari man sa anak ninyo na hindi mo naman ginusto. Kung nahulog sa kama halimbawa o nilagnat, hindi niya ito dapat isisi sa iyo.

    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga ito sa mga tanda ng emotional abuse. Mahalagang alam mo ang mga ito para maprotektahan mo ang sarili mo. Huwag kang matakot na magsalita, magsumbong, o manindigan sa kung anong alam mo. 

    Bahagi ng emotional abuse na alisin sa iyo ng iyong abuser ang confidence mo—huwag na huwag kang papayag na mawawalan ka ng tiwala sa iyong sariling kaalaman, kakayahan, at choices.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles