-
Childproof Your Marriage! Sikreto Sa Isang Maayos At Matibay Na Pagsasama
Sabi ng isang nanay, ito raw ang naging paraan nilang mag-asawa para mapanatiling maayos ang kanilang relasyon.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Inamin niyo na ba ni hubby sa mga sarili ninyo (at sa isa't-isa) na napakahirap maging magulang? 'Yan mismo ang ginawa ni mommy Janelle Joy Viray Robledo.
Ikinwento niya ito sa isang Facebook post na ibinahagi niya sa amin sa Smart Parenting Village.
What other parents are reading
Mahirap pagsabayin ang maraming bagay
Tatlo ang mga anak ni mommy Janelle. Mayroon siyang isang baby, isang toddler, at isang preschooler. "Nung second year naming mag-asawa, may 1-year-old na kaming anak at buntis na rin ako ulit," kwento niya. "Nung fourth year namin, ipinanganak ko na ang pangatlong anak namin. Our early years in marriage and parenting are literally like a rollercoaster."
Kwento ni mommy, 1/4 pa lang ng araw nila, pagod na silang mag-asawa sa dami ng kanilang ginagawa. Nariyan ang mga chores, homeschooling ng mga bata, at trabaho nilang dalawa.
"Juggling work, family life and marriage seems impossible. If left unchecked, parenting our kids will exhaust all our energy leaving no more time, joy and desire to meet our spouse's needs," sabi pa ni Janelle. "Minsan hindi natin namamalayan na we fall out of love for each other dahil sa ka-busyhan natin."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng kahalagahan ng childproofing
Napakasimple ng paliwanag ni mommy Janelle kung ano ang ibig sabihin ng 'childproofing your marriage'. "This means we are to remove possible dangers that may injure our marriages kapag may mga anak na."
"It means making choices in this busy season of parenting, para safe and protected ang relationship ng husband and wife despite the demands of the children," dagdag pa niya.
Narito ang mga paraan kung paano i-childproof ang inyong pagsasama, ayon kay mommy Janelle:
1. Do things together
Ito ang ilan sa mga bagay na pwede ninyong gawin nang magkasama:
- Put your kids to sleep together
- Do things of your common interest
- Do your devotions together
- Learn a new skill or hobby together
- Relax together
Sabi ni mommy, "Time spent together becomes our relationship powerhouse."
2. Grant each other some me-time
"Grant your Partner a chance for alone-time din. As much as we draw strength by being together, we also get refreshed when alone," payo ni mommy.
CONTINUE READING BELOWwatch now"Kung games ang gusto ni husband para marecharge or online shopping naman ang peg ni wife, basta hindi naman destructive to one's health or life, then let them be," sabi pa niya. "Remember, a happy spouse is a happy life."
3. Lower your expectations, but give high appreciation
"Expectation and reality are really different," sabi ni mommy. "We assume that our partners have super powers to read our minds. Iniisip natin na dahil kilala na nila tayo ng husto, pwede na tayong mag-expect."
Importante na sabihin mo sa partner mo kung ano ang kailangan mo sa halip na hintayin mong mahulaan nila. "Don't accuse your spouse by being insensitive. Kapag hindi mo sinabi or inexpress, wag ka mag assume or mag-expect."
Sa kabilang banda naman, kung may ibinigay naman sa iyo ang asawa mo, matuto ka ring magpasalamat. "Appreciate your partner no matter how big or small his gesture is. Malay mo next time, di mo na siya kailangan sabihan, gagawin niya na lang, kasi super gracious ka with your words."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
4. Magkaroon ng oras at panahon para sa love-making
"Kapag sunod-sunod ang trabaho sa bahay, its reassuring kapag may unexpected surprise hug or kiss from mister or misis," sabi ni mommy.
"Si husband, kadalasan habang nagluluto ako, bigla niya ako ikikiss, well, kinikilig naman ako at parang napapawi ang pagod ko. Siya naman habang busy magtrabaho, binibigyan ko siya ng light and fast massage at the back and I see him refreshed afterwards," kwento pa niya. "Physical touch and affection is important."
5. Share the workload according to your strength
"Pag-usapan ninyo kung saan kayo mahusay sa gawaing-bahay at 'yung ang pagbutihan ninyo. When chores are done more efficiently, less stress sa bahay at sa inyong mag-asawa. Mas maraming time magpahinga," payo ni mommy.
What other parents are reading
6. Maging thoughtful at generous
"Minsan hindi materyal na bagay ang pinaka-kailangan ng asawa natin kundi 'gift of presence'," sabi ni mommy. "Kapag kailangan niya ng karamay at encouragement, make sure andyan ka sa tabi niya. Malaking bagay ang pagpapakita ng suporta natin sa ating partner."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW7. Choose your battles
"May mga bagay talaga na hindi maiiwasang mangyari. Hindi naman natin kontrolado ang lahat ng sitwasyon. Minsan, mas magandang ipagbuntong-hininga na lang natin kaysa patulan, not only for our children and husband's sake, but for our own peace of mind," sabi niya. "Don't let little things steal your joy. Instead, see the beauty behind the mess."
8. Patawarin ang isa't-isa kapag may nagkamali
"A husband and a wife may disagree on many things, but one thing they should always agree on is to not give up on each other," payo ni mommy.
Ayon kay mommy, importanteng magtanungan kayo ng partner mo kung ano ang nakasakit sa inyo kapag nag-aaway kayo. Pagkatapos, ulitin mo sa kanya ang sinabi niya at saka ka humingi ng tawad. Mangako ka sa abot ng iyong makakaya na hindi mo na uulitin kung ano man ang pinag-awayan ninyo.
Importanteng magkapatawaran kayong dalawa para hindi paulit-ulit ang dahilan ng inyong pag-aaway.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW9. Accept what you cannot change
"Tanggapin na may mga bagay ka hindi kayang baguhin, pero may mga bagay na nasa kontrol mo," sabi ni Janelle. "Pwede mong baguhin ang ugali mo, mood mo, perspective mo, lifestyle mo, at choices mo," dagdag pa niya. "Baguhin mo ang iyong sarili. Huwag ang ibang tao o ang iyong asawa at anak."
10. Put God in the center of your relationship
"Sa pag-aasawa, kapag nanghina ang isa, maaring palakasin ng isa at vice-versa. Pero paano kapag pareho sila nanghina? Sino ang mag papalakas sa kanila? Mahalaga na ilagay natin ang Diyos sa gitna ng relasyon natin sa ating asawa. Makaka-asa tayo na ang Diyos ay hindi manghihina," pagbabahagi ni mommy.
"A lot of things can come between our marriages. It can be bills, work, differences or even our own children. These things will only do harm than good, when we allow it. So let's always choose what is good for our marriages," sabi pa ni Janelle.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKayo? Paano ninyo sinisigurong childproofed ang pagsasama ninyo? I-share na 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments