embed embed2
  • Masyadong Close Ang Asawa Ko Sa Officemate Niyang Babae, What To Do?

    Tinatawagan pa siya para i-check kung sabay silang magkakape o kakain.
    by Ana Gonzales .
Masyadong Close Ang Asawa Ko Sa Officemate Niyang Babae, What To Do?
PHOTO BY mentatdgt from Pexels
  • Sabi nga ng mga mag-asawang matagal nang nag-sasama, walang manual ang pagiging husband and wife. Walang workshops at courses na ihahanda ka para dito at wala ring isang formula para masigurong magiging smooth-sailing at maayos ang inyong buong pagsasama.

    Pero kung mayroong maipapayo at masasabi ang mga mag-asawang matagal nang kasal, ito’y ang katotohanang walang perpektong pagsasama at normal lang na hindi kayo magkaintindihang mag-asawa paminsan-minsan. Isa sa mga madalas na hindi pagkaunawaan ng mga mag-asawa ay kapag may isang nakakaramdam ng selos.

    Narito ang isang #SPConfessions tungkol dito na ipinadala sa amin:

    Kalilipat lang ng asawa ko sa bago niyang trabaho. Mukhang masaya naman siya at mabilis siyang naka-adjust sa bagong setup at sa mga bago niyang katrabaho.

    Kaya lang, nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na lagi siyang may ka-chat. Nung minsang magkatabi kami, nakita kong nagpop-up ang pangalan ng babae sa phone niya at ang message ay: 'Sabay tayo kape bukas?' Para sa akin, okay lang naman iyon. Okay lang naman na may mga maging kaibigan siya sa work, ano man ang kasarian. Pero napapansin ko kasi, parang madalas silang magkasama at magkausap. Sabay din silang kumakain at sabay na nagmemeryenda. Ayon sa asawa ko, may partner din 'yung babae.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Ewan ko. Hindi ko maintindihan sarili ko. Minsan, kapag nasisilip kong magkausap sila, pa-comfort itong si girl sa hubby ko. Lagi rin niyang niyayayang lumabas si hubby. Minsan sumasama si hubby, minsan hindi.

    Nalulungkot ako kasi, sa akin, hindi naman masyadong nagtetext ang asawa ko. Kung magtext man siya, one word lang o kaya delayed na magreply. Pero kapag andito naman siya sa bahay, lagi niyang hawak ang cellphone niya. Bakit kapag sa ibang babae, may oras siya? Bakit sa ibang babae nag-eeffort siya?

    Minsan kinausap ko siya about this. Sinabi ko sa kanyang ayaw ko na masyado siyang close sa mga ibang babae. Nagalit pa siya sa akin. Parang ako pa ang mali. Hindi ba may karapatan naman akong magselos? Wala ba akong karapatang sabihin sa kanya na hindi siya dapat mas close sa ibang babae kumpara sa akin?

    More from Smart Parenting

    Maraming nakarelate sa sitwasyon ni mommy nang i-post namin ito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ngunit may ilang mga payo na talagang tumatak sa amin. Una, ang selos ay bunsod ng sarili nating insecurities. Hindi ito gawa o kasalanan ng ibang tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento ni Lolette Oliva-Alipe sa isang Smart Parenting article na isinulat niya para sa amin taong 2018, "Jealousy is a useless emotion." Sabi pa niya, kapag nagseselos ka, ibig sabihin ay mababa ang tingin mo sa sarili mo kaya iniisip mong pwede kang ipagpalit ng asawa mo sa iba. "I’ve joked with my husband many times, 'If you become unfaithful, it’s your loss, not mine!'" dagdag pa niya.

    Hindi ibig sabihin nito na libre nang makipagugnayan sa iba ang asawa mo. Kailangan ay mayroon kayong mutual respect sa isa’t-isa para maging maayos ang inyong pagsasama. Importante ring magset ng boundaries at rules na depende naman sa dynamics ninyo bilang mag-asawa.

    Ikaw? Paano mo hinahandle ang selos? I-share mo lang sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles