embed embed2
  • Mga Hakbang Para Kasuhan Ang Asawang Nangaliwa (Puwede Siyang Makulong Ng 4 Na Taon)

    Ayon sa batas, sabay kinakasuhan ang nangaliwang asawa at kanyang kabit.
    by Jocelyn Valle .
Mga Hakbang Para Kasuhan Ang Asawang Nangaliwa (Puwede Siyang Makulong Ng 4 Na Taon)
PHOTO BY Shutterstock
  • Malaking dagok sa buhay mag-asawa ang pagkakaroon ng third party. Kung hindi man magkalamat ang kanilang pagsasama ay baka tuluyang mawasak ito. Kaya marami ang nagtatanong kung ano raw ba ang puwedeng kaso laban sa kabit.

    Hinaing ng isang mommy sa SmartParenting.com.ph Parent Chat, “Kawawa naman ’yung niloloko ng kanilang mga salbaheng asawa…Dapat nga siguro magkaroon tayo ng solid law na magtatanggol sa mga rights natin para mabawasan ’yung mga nagloloko at mga nagbabalak pa lang na magloko.”

    Komento ng isa pang mommy, “Puwede ko kaya idemanda ang kabit ng husband ko na siya lang, hindi kasama ang husband ko?”

    Sagot naman ng kapwa miyembro ng chat group, "Dapat kasuhan sila kasi para magtanda sila. Alam naman nilang mali, pero go go go pa din sila."

    Mga kaso hingil sa pangangaliwa

    Ayon sa batas, parehong may pananagutan ang nangaliwang asawa at ang kabit nito. May kaunting pagkakaiba lang sa kasong puwedeng isampa kung ang may sala ay ang husband o di kaya ang wife. Nagbigay ng paliwanag si Atty. Ma. Paz Serafica-Cayabyab sa aming panayam sa kanya.

    Concubinage

    Ang kaso na puwedeng isampa laban sa third party kasama ng lalaking may asawa ay concubinage, na nakapaloob sa Article 334 ng Revised Penal Code of the Philippines.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon kay Atty. Serafica-Cayabyab, ang krimen na concubinage ay layong parusahan ang lalaki at ka-relasyon. Hindi daw puwede na lalaki lang ang kakasuhan — dapat kasama ang sinasabing ka-relasyon.

    Kapag napatunayang nagkasala sa batas ang lalaking may asawa, maaari siyang mahatulan ng parusang prision correccional. Ito ang pagkakakulong mula 6 months and 1 day hanggang maximum na 4 years and 1 day.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, ang third party ay puwedeng mapatawan ng parusang destierro o banishment. Ibig sabihin, pagbabawalan siyang pumunta sa piling lugar o mga lugar ayon sa itinala ng korte.

    Adultery

    Ang kaso laban sa babaeng may asawa at kanyang kabit ay adultery, na napapaloob naman sa Article 333 ng parehong batas. Sabay din dapat silang ireklamo ng naagrabyadong mister. Kung hindi, walang kaso. 

    Kung hindi papaboran ng korte ang kanilang apela, maaari silang maparusahan ng pagkakakulong ng prision correccional mula sa medium hanggang maximum periods. Tinatayang aabot iyon ng kabuuang six years.

    Legal process ng concubinage at adultery

    Kung nais ng naagrabyadong asawa na dumulog sa korte, payo ni Atty. Serafica-Cayabyab na magsampa ng complaint-affidavit sa Office of the Provincial Prosecutor’s Office o di kaya sa City Prosecutor’s Office ng lugar kung saan ginagawa ang krimen.

    Sa tingin niya, tatakbo ang kaso depende sa dami ng ebidensiya na ipi-prisinta at gaano kabilis magresolba ng kaso ang korte.

    Kailangan kasing patunayan na may matibay na paglabag sa batas. Ayon dito, "Adultery is committed by any married woman who shall have sexual intercourse with a man not her husband and by the man who has carnal knowledge of her, knowing her to be married, even if the marriage be subsequently declared void."

    Tungkol naman sa concubinage: "Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling or shall have sexual intercourse under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall co-habit with her in any other place."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang gastusin naman ay depende sa napiling abogado. Kung hindi kukuha ng pribadong abogado ang nagrereklamo, wala siyang gagastusin kasi ang Fiscal ang tatayong abogado niya.

    Ganoon din daw para sa akusado. Kung ire-representa siya ng Public Attorney’s Office, wala siyang gagastusin. Meron naman siyang babayarang legal fees kung pipiliin niya ang private lawyer.

    Kung sakali namang magpasya ang naagrabyadong mister o misis na makipaghiwalay sa kanyang nangaliwang asawa, maaari niyang gawing ground for annulment ng kanilang kasal ang pagkakaroon nito ng third party. Isa iyang paraan ng pagpapakita ng psychological incapacity, sabi ni Atty. Serafica-Cayabyab.

    Pero paalala naman ng isa pang mommy sa Parent Chat sa mga nagbabalak na magsampa ng kaso laban sa nangaliwang asawa at ka-relasyon nito: "You have to consider your children's welfare. Malaking iskandalo ito at maaaring makaapekto sa mga bata."

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles