embed embed2
  • Kinakausap Pa Rin Ng Asawa Ko Ang Ex Niya, Anong Gagawin Ko?

    Hindi niya alam na alam ko. Cheating ba 'yung ginagawa niya?
    by Ana Gonzales .
Kinakausap Pa Rin Ng Asawa Ko Ang Ex Niya, Anong Gagawin Ko?
PHOTO BY iStock
  • Isa sa mga sinumpaan ng mag-asawa sa kanilang kasal ay ang manatiling tapat at totoo sa isa’t-isa. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Bawal na bang makipagkaibigan sa opposite sex? Hanggang saan ang okay lang at hindi pagdating sa pakikipag-usap sa iba? Kailang nga ba maituturing na mali o cheating ang isang ugnayan sa opposite sex?

    Narito ang ilan sa mga kwentong natanggap namin:

    #SPConfessions #1

    Hi Ms Sara! Please, hide my name. I have a concern with my husband. I just discovered that my husband still talks to his ex-girlfriend. I have proof but I don't want to start a fight with him. Sigurado, he will deny it. How should I confront him?

    More from Smart Parenting

    #SPConfessions #2

    Hello Ms. Sara, please hide my identity.

    I think I'm being unfaithful. Kahit hindi naman talaga. Ilang beses ko na kasing napapanaginipan ‘yung ex ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman siya iniisip bago ako matulog. Hindi rin naman kami nag-uusap. Facebook friends kami and we are in good terms. Last October, nakasalubong ko siya sa isang lugar at nagngitian naman kami.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May asawa at anak na rin siya, pero ang alam ko, lagi silang nag-aaway mag-asawa.

    Dati, hindi pa kami Facebook friends, lagi niyang ni-lilike ang Facebook posts ko. Parang sinasadya niyang bisitahin ang profile ko.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang napapanaginipan. Ano kayang ibig sabihin nito? Ayaw ko ring sabihin sa live-in partner ko kasi alam kong magagalit at magseselos siya kahit wala naman akong ginagawang masama.

    Am I cheating kasi hindi ko ito kinukwento sa partner ko? Noong huling beses kasing ikinwento ko sa kanya, nagalit siya sa akin.

    At ano kayang ibig sabihin na napapanaginipan ko ang ex ko?

    More from Smart Parenting

    #SPConfessions #3

    We’ve been married for two years. My husband recently admitted that he’s having a crush on someone. I think he’s implying that he’s attracted to someone and he’s thinking of dating this girl.

    I’ve seen this girl, but I don’t know her well. Now I’m being paranoid. Hindi na nag-elaborate ang asawa ko tungkol dito. He didn’t say if there’s something going on between them or if they’re flirting or getting to know each other.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I don’t want to ask him about it. I know he will probably lie. Siguradong isusugar coat lang niya ang mga sasabihin niya. 

    I don’t know what to do. I don’t trust him anymore. Para sa akin, betrayal pa rin kahit na inamin na niya. Para sa akin, ‘yung gusto mong makipag-date sa iba ay para na ring pangangaliwa. It’s as heavy as betrayal. 

    Considered na bang betrayal kung attracted ang parter natin sa iba?

    More from Smart Parenting

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfession na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles