Malimit relate ang mga nanay sa aming online community kapag naglalabas kami ng kwento tungkol sa kakulangan nila ng pagkakataong magpahinga.
Marami kasing mga nanay ang aminadong halos hindi na sila nakakapagpahinga. May mga nanay ding nagpadala sa amin ng #SPConfessions—idinidetalye kung paanong nagbago ang buhay nila nang maging nanay sila.
Samantala, ayon sa kanila, ang mga partners nila ay may panahon pa rin para sa ibang bagay bukod sa pagiging tatay. Bakit nga kaya?
Ayon sa isang survey na isinagawa ng Zulily, lumalabas na mas nagiging mapagbigay ang mga nanay. Ito marahil ang dahilan kung bakit madalas ay una nilang isinasakripisyo ang oras para sa kanilang sarili.
Mayroong 68% ng mga nanay na sumagot sa survey ang nagsabing isa hanggang limang oras lamang ang kanilang "me time" sa isang linggo.
Samantala, 37% naman ng mga tatay ang nagsabing 6 hanggang 10 oras ang ginugugol nila para sa kanilang sarili kada linggo. May 26% lamang sa mga tatay na sumagot ang nagsabing mababa ang oras nila para sa kanilang sarili.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Bagaman hindi na bago ang usaping ito, lalo na sa mga magulang, mahalaga ang naging resulta ng pag-aaral para maipakita ang kakulangan sa pahinga ng mga nanay.
Kung mayroon nga lang sweldo ang mga ina, aabot ito ng milyon kada taon.
Bukod sa pagtulong sa pag-aalaga sa mga bata, mahalaga ring nakaagapay ang mga Tatay sa gawaing bahay.
Sabi nga ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, kung makakatulong naman si daddy sa bahay, bakit hindi?
Hindi rin naman sa lahat ng pagkakataon ay puro me time ang inaatupag ni daddy. May mga tatay na matagumpay na nakakatulong sa kanilang mga partners—hindi lang sa paghahanap buhay, kundi pati na rin sa pagpapalaki sa mga bata.
Nakakakuha ka ba ng sapat na panahon para sa sarili mo? Tulungan ba kayo ng partner mo sa mga responsibilidad? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa Smart Parenting Village.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.