embed embed2
  • 'Crush Kaya Kita Noon': Mga Messages Na 'Di Na Dapat Pinapadala Ng Taong May Asawa

    Matatawag nga bang 'emotional cheating' kung ganito makipag-usap sa iba ang partner mo?
    by Ana Gonzales .
'Crush Kaya Kita Noon': Mga Messages Na 'Di Na Dapat Pinapadala Ng Taong May Asawa
PHOTO BY Shutterstock/Burin P
  • Minsan na naming tinanong sa inyong mga miyembro ng aming online community kung okay lang ba sa inyo na nagfa-follow ng mga seksing babae o lalaki ang partner ninyo online. Marami sa inyo ang nagsabing okay lang, basta hindi nagre-reach out ang partner ninyo sa kanila.

    Pagdating naman sa pakikipag-usap sa iba, heto ang aming tanong: Anu-anong mga mensahe ba ang hindi na dapat ipinapadala ng isang taong may asawa o committed na?

    Narito ang ipinadalang sagot ng mga nanay at tatay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Sang-ayon ba kayo sa mga ito?

    Mga mensaheng hindi na dapat ipinapadala ng taong may asawa

    'Sweet nothings' tulad ng "Kumain ka na ba?" o "Anong ginagawa mo?"

    Ayon sa mga nanay at tatay sa Village, ano mang ginagawa ng ibang babae o lalaki sa pang-araw-araw na buhay nila ay hindi mo na dapat pinapakialaman.

    Dahil may partner ka na, hindi ka na dapat curious sa ginagawa ng iba, lalo na kung hindi mo naman kaibigan o kamag-anak.

    "Naaalala mo pa ba noong..."

    Partikular na mensahe ito para sa ex o dating karelasyon ng partner mo ngayon. Ayon sa mga nanay at tatay na sumagot sa aming tanong, ang noon ay tapos na at hindi na dapat binabalikan.

    Kailangan mong itanong sa sarili mo: "Ano pa nga bang makukuha o mapapala ko kung magbabalik-tanaw pa ako sa mga ginagawa namin noon ng ex ko."

    "May problema ako..."

    Walang masama sa paghingi ng tulong sa mga kaibigan mo, may asawa man sila o wala. Lalo na kung alam mong sila mismo ang makakatulong sa iyo. Magiging masama lang ito kung iba ang intensyon mo sa paghingi ng tulong.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas magandang pag-isipang mabuti kung tulong nga ba ang kailangan mo o may iba kang dahilan kung bakit ka nakikipag-usap.

    "Ang ganda/gwapo mo kanina..."

    Paliwanag ng mga nanay at tatay, kung officemate ang kausap, work lang dapat ang pinag-uusapan. Hindi na dapat nagbibigayan ng mga compliments na wala namang kinalaman sa trabaho.

    Pagdating naman sa mga kaibigang galing sa opposite sex, okay lang ito ayon sa mga magulang. Nagiging bawal at masama lang kung ang compliments ay ibinibigay mo sa 'kaibigan' mong hindi naman kilala ng partner mo.

    Mga detalye tungkol sa kasalukuyan mong sex life

    Kung may kakausapin ka man ngayon tungkol sa sex life at physical intimacy, dapat ay ang partner mo iyon. Wala nang iba pang dapat makaalam o makarinig ng mga detalyeng ito kundi ang partner mo.

    Kung nakikipag-usap ka man sa iba tungkol sa sex, hindi man kayo nagkikita at nagtatalik sa personal, maaari itong maituring na emotional cheating.

    Bukod pa sa mga ito, sinabi rin ng mga nanay at tatay na hindi na rin dapat nagpapadala pa o nakikipagpalitan pa ng selfies, video greetings, at kung anu-ano pang videos ang taong may asawa na.

    Hindi na rin dapat pang nakikipagtawagan, o mas malala, nakikipagkita pa sa iba kung may partner o asawa na.

     

    Naranasan mo na bang mahuli ang partner mo na nagpapadala sa opposite sex ng mga mensaheng hindi na dapat? Anu-anong mga mensahe pa and hindi na dapat ipinapadala ng mga taong may asawa na?

    I-share mo Iyan sa comments section o ipadala sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Read more articles by Ana Gonzales here

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles