;
embed embed2
  • May Dalawang Klase Ng Sukob, Ayon Sa Mga Pamahiin Sa Kasal

    Ibinahagi ng mommies sa Parent Chat ang kanilang mga karanasan at opinyon sa sukob.
    by Jocelyn Valle .
May Dalawang Klase Ng Sukob, Ayon Sa Mga Pamahiin Sa Kasal
PHOTO BY Shutterstock
  • May mga pamahiin sa kasal na patuloy na pinaniniwalaan ng mga Pinoy. Kaya marami pa rin ang nagtatanong kung totoo ba, halimbawa, ang sukob sa kasal pati na sa patay. Gusto lang nilang makasiguro na walang balakid sa pagharap nila sa dambana o sa huwes.

    Ang problema, tulad ng mga ibinahagi sa SmartParenting.com.ph Parent Chat, kapag may biglaang pangyayari sa pamilya na puwedeng maging rason sa pagpapalit ng petsa ng kasal. Paano raw kung may kasabay palang ikakasal din na kapatid o di kaya may pumanaw na lola?

    Sukob sa kasal

    Tinatawag na sukob sa kasal ang pagkakaroon ng higit sa isang kasal sa pamilya sa parehong taon. Sukob sa patay naman kapag may pumanaw sa pamilya bago ang kasal sa parehong taon din. May magandang paliwanag ang isang mommy sa Parent Chat tungkol sa sukob.

    Base raw sa kanyang sariling research at experience, iniiwasan noon pa ang dalawang kasal sa parehong taon dahil doble gastos ito para sa pamilya. Maaaring maubos ang kanilang kabuhayan kaya sinasabing maghihirap o mamalasin ang mga bagong kasal. Kaya, aniya, “It’s more of pagtitipid lang or practically on the part of the family.”

    Sukob sa patay

    Sa kabilang banda, sabi pa ni mommy sa chat group, ang sukob sa patay ay nag-ugat mula sa kaugaliang pagbibigay galang sa yumao. Respeto na lang daw kaya huwag na lang ituloy ang masayang pagdiriwang, tulad ng kasalan, sa gitna ng pagluluksa at dapat na pagdadalamhati.

    Sang-ayon sa ganyang paniniwala ang isa pang mommy. Ang hindi lang daw niya matanggap ay ang sinasabing may susunod sa hukay sakaling ituloy ang kasal kahit may kamamatay pa lamang na miyembro ng pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag niya, “Mas dapat isipin or concern do’n ay ’yung respeto nga sa mga nagdadalamhati pa na dapat bigyan ng pansin, kaya dapat ipagliban muna ang kasal.”

    Dapat bang baguhin ang petsa ng kasal para maiwasan ang sukob?

    Ayon sa mga mommy sa chat group, depende na sa mga ikakasal kung susundin nila ang pamahiin. Pero sabi naman ng isa sa kanila, kailangan makumbinsi muna ang mga nakakatanda sa pamilya na malakas pa rin ang paniniwala sa sukob.

    Kuwento ng isa pang mommy na nagbigay ng paalala ang kanyang nanay at lola tungkol sa sukob bago sila ikasal ng asawa na niya ngayon. Sa parehong taon din kasi ang kasal ng sister niya (March), pagkatapos namatay naman ang lolo nilang magkapatid (April), pero natuloy pa rin silang mag-asawa sa dambana (December).

    “Tinuloy namin ang wedding because it has already been planned even before those events happened,” saad niya patungkol sa kasal ng kanyang kapatid at pagkamatay ng kanilang lolo. “Wala namang something unusual that happened.”

    Sakali naman daw wala pang konkretong plano ang kasal, ayon pa rin sa chat group, puwede sigurong iwasan na lang ang taon kung kailan may kasabay na iba pang kasal sa pamilya o di kaya may pumanaw na kamag-anak. 

    Sabi nga ng isa sa kanila, “If your parents insist na next year na lang, if hindi naman pala kayo nakakapag-hard book, kasi wala naman mawawala sa pagsunod sa kanilang paniniwala.”

    Iba pang mga pamahiin sa kasal

    Ang nailathalang libro ni Neni Sta. Romana, ang Don’t Take a Bath on a Friday, ay binubuo ng compilation ng mga pamahiin o superstitions. Kabilang diyan ang may kinalaman sa kasal, gaya ng:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Hindi dapat isuot ng bride ang kanyang wedding gown bago ang kasal.
    • Huwag magkita ang bride at groom bago ang wedding ceremony.
    • Kapag nabitawan ang singsing habang nagaganap ang seremonyas, magiging malungkot ang pagsasama ng mag-asawa.
    • Kailangan sabuyan ng bigas ang newlyweds para maging masagana ang kanilang pagsasama.
    • Bawal magregalo ng kutsilyo o sharp objects bilang wedding gift dahil baka mauwi sa broken marriage.
    • May dalang suwerte ang regalong arinola para sa nagbigay at pinagbigyan na bagong kasal.
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles