;
embed embed2
Kinausap Namin Ang Isang Judge Ukol Sa Protocols Ng Kasal Sa Huwes Ngayong Pandemya
PHOTO BY Shutterstock/Vulp
  • Malaking pagbabago sa pamumuhay ang dulot ng COVID-19. Kabilang dito ang pagpapakasal. Hindi na muna puwede ang big weddings (in short, maraming bisita) bilang pag-iingat sa pagkalat ng virus. Kaya marami, kasal sa huwes ang ginagawa nila kasi mas simple at hindi masakit sa ulo ang preparations.

    Mga pagbabago sa kasal sa huwes ngayong COVID-19 pandemic

    Nang magsimulang magluwag ang community quarantine noong May 2020, inanunsiyo ng Supreme Court na maaari na muling magdaos ng kasal sa huwes sa mga korte. Basta susundin ang health protocols na pagsusuot ng face mask at face shield, pati na ang pagsunod sa social distancing. Bukod sa mga magpapakasal, tatlong bisita lang puwedeng dumalo sa kasal nung panahon na iyon.

    Sa 2021, mas maluwag na ang mga alintuntunin sa civil wedding ceremony. Walang eksaktong bilang ng bisita ang pinapayagan. Depende ito kung saan ka ikakasal. Kailangan lang sundin ang health protocols at social distancing, halimbawa, sa mayor’s office o sa courtroom.

    May paliwanag si Judge Ma. Rowena V. Alejandria ng Regional Trial Court (RTC) Branch 121 sa Caloocan City. Aniya, walang “specific guidelines” mula sa Supreme Court tungkol sa pagpapakasal sa huwes. Sinisigurado lang nilang mga hukom na nasusunod din ang health protocols na ginagawa na nila sa court hearings.

    Sabi pa ni Judge Alejandria, “The usual parts of solemnization are done, giving the contracting parties the same solemnity of marriage and memories they would cherish despite the ongoing pandemic.”

    Tuloy pa rin ang pinakahihintay na parte ng seremonyas kung saan sasabihan na ang groom ng, “You may now kiss the bride.” Basta raw pagkatapos ng kasal, isusuot muli ng newlyweds ang kanya-kanya nilang face mask at face shield.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo ni Judge Alejandria sa mga magpapakasal sa huwes na iwasan ang pagkakaroon ng delay sa seremonyas upang hindi makompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng lahat. Hindi lang ng mga bisita sa kasal, pati na rin ang mga kawani sa korteng pagdadausan ng kasal.

    Legalidad ng kasal sa huwes

    Ang kasal sa huwes o civil wedding ay kinikilalang legal na pagbibigkis sa mag-asawa at nagbibigay ng karapatan bilang mag-asawa na naaayon sa batas. Kailangan lang sundin ang legal na proseso sa pagpapakasal, gaya rin sa church wedding.

    Unang-una, siguraduhin na may kakayanan ang bawat partido na tuparin ang tinatawag na requisites of marriage alinsunod sa The Family Code of the Philippines.

    Kabilang dito ang capacity, consent, the authority of the person performing the marriage, at ang marriage license. Dapat mayroon ding minimum na dalawang witness sa seremonyas na pipirma sa marriage certificate.

    Requirements sa pagkuha ng marriage license

    Sa paga-apply ng marriage license, nararapat na pumunta sa Civil Registrar’s office ng city o di kaya municipality kung saan nakatira ikaw o ang iyong partner. Mainam na tumawag muna sa telepono dahil may mga dokumento na dapat ihanda muna.

    1. Marriage license application form (sagutan na dapat)
    2. Birth certificate ng bawat partido na may pagpapatunay ng National Statistics Office (NSO), na kilala rin bilang Philippine Statistics Authority (PSA)
    3. Baptismal certificate, kung walang birth certificate
    4. Certificate of No Marriage (CENOMAR), na makukuha rin mula sa NSO/PSA
    5. Residence certificate o community tax certificate (cedula)
    6. Barangay clearance o di kaya proof of billing
    7. Valid ID
    8. Pinakabangong 1x1 ID photo
    9. Notarized affidavit ng parental consent (para sa edad 18-20)
    10. Notarized affidavit ng parental advice (para sa edad 21-24)
    11. Patunay na dumalo sa counseling seminar (para sa edad 18-24)
    12. Patunay na dumalo sa planning seminar (para sa edad 18 pataas)
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Alam nyo ba na merong tinatawag na marriage license exemption? Basahin dito kung ano ito at kung qualified ka. 

    Para sa mga non-Filipino o iba ang hawak na citizenship, may mga karagdagang dokumento na dapat isumite:

    • Legal capacity (makukuha ito sa embassy ng bansang hawak na citizenship)
    • Divorce certificate, kung kasal dati
    • Passport

    Kung galing ang isa o parehong partido sa annulment ng naunang kasal, kailangan isumite ang mga dokumento:

    • Certificate of Finality of Annulment from the Court
    • Certificate of Registration from the Local Civil Registrar

    Kung biyudo o biyuda naman, kailangang isumite ang death certificate ng yumaong asawa.

    Nire-require din ang personal appearance ng mga magpapakasal sa pagsumite ng mga dokumento at pagbabayad ng mga kaukulang fees. Bigyan ng hindi bababa sa dalawang linggo bago lumabas ang resulta ng marriage license. 

    Saan at kailan puwedeng maganap ang kasal sa huwes?

    Ang bisa ng marriage license ay tumatagal lamang hanggang 120 days. Kaya mainam na iplano kaagad ang civil wedding nang hindi kapusin sa oras, lalo na ngayong panahon ng pandemya na may mga limitasyon pa rin.

    Karaniwang isinasagawa ang civil wedding sa opisina ng mayor o di kaya sa korte ng city/municipal hall. Pero puwede rin naman sa private residence at public venue, gaya ng restaurant.

    Sino ang puwedeng magkasal na hindi pari?

    Ayon sa Philippine law, ang mga taong puwedeng magkasal ay ang mga sumusunod na solemnizing officers:

    • Ang mayor ng city o municipality kung saan nag-apply ng marriage license
    • Ang hukom o judge ng korteng nasasakupan
    • Military commanders, airplane chiefs, ship captains (sa rare circumstances, halimbawa, na nasa binggit ng kamatayan ang isa sa ikakasal)
    • Ano mang pastor, ministro, pari, imam, o rabbi ng kinabibilangan na relihiyon
    • Consul sa Philippine embassy (kung sa ibang bansa ikakasal ang Pinoy, tulad ng OFW)
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makikita ang buong listahan sa Solemnizing Officers Information System ng PSA.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles