Hindi mo maikakailang maraming nagbago sa buhay mo simula nang maging nanay ka. Bagaman mahal na mahal mo ang iyong mga anak, siguradong nakaramdam ka na rin ng bahagyang kalungkutan dahil marami ka nang hindi nagagawa ngayon kumpara noong dalaga ka.
Hindi ito nangangahulugang pinagsisisihan mo ang pagkakaroon ng mga anak—normal lang na ma-miss mo ang dati mong mga nagagawa. Narito ang mga experiences ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village:
Buti pa si hubby, nagagawa pa rin ang mga gusto niyang gawin
Naiinggit ako sa asawa ko dahil nagagawa pa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin at mga bagay na dati na niyang ginagawa. Nakakakain siya ng masasarap kung saan-saan, nakakapaglibot siya sa mga magagandang lugar, may mga naeexperience siyang bago. Ako, dahil stay-at-home mom ako, hindi ako masyadong nakakalabas. Hindi ko na nakikita ang mga kaibigan ko, wala na rin akong me-time. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Pero nakakainggit hindi ba? Wala na akong ibang nagagawa, pero siya, parang binata pa rin.
Umaabot nga ako sa point na naaawa ako sa sarili ko. Minsan pakiramdam ko mukha na akong katulong. Siya, wala pa ring nagbago sa itsura niya. Wala pa ring nagbago sa routine niya. Hindi man lang niya ako tulungan sa anak namin. Hindi siya bumabangon kapag umiiyak ‘yung bata. Naglalaro lang siya ng kanyang mobile games, nagpupuyat lang siya sa social media. Hindi man lang niya ako tulungan. Buti pa siya, walang nagbago sa buhay.
Mas achiever na sa akin si hubby ngayon
Dati, halos pareho lang kaming achiever ni hubby—achiever in the sense na mataas ang mga sweldo namin, pareho kaming mataas ang goals. Nang mabuntis at manganak ako, kinailangan kong mag-stay sa bahay. Naging delicate kasi ang pregnancy ko at walang mag-aalaga sa baby namin. Okay naman dahil nakapag work-from-home naman ako agad at ngayon sa bahay na ako nagta-trabaho.
Kaya lang, minsan, naiinggit ako sa asawa ko dahil umaalis siya at lumalabas siya kasama ng mga officemates niya. May mga events siyang pinupuntahan at marami siyang bagong naeexperience. Samantalang ako, nasa bahay lang. Ang kasama ko lang ay ang computer ko at ang anak namin. Please, don’t get me wrong. I love my baby. Hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko. Pero bakit ganoon? Hindi ko maiwasang mainggit sa asawa ko. Hindi maiwasang sumama ang loob ko kapag nakikita ko siyang masaya. Parang naging boring ang buhay ko, samantalang siya, tuloy lang sa adventures. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Naramdaman niyo na ba ito? Normal bang mainggit sa asawa?
CONTINUE READING BELOW
watch now
Ang mga kwentong ito ay hango sa mga tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.
Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.