embed embed2
  • Nagbago Na Raw Siya, Pero Nahuli Ko Sila Sa Email

    Totoo yata talaga ang sinabi nilang, 'Once a cheater, always a cheater.'
    by Ana Gonzales .
Nagbago Na Raw Siya, Pero Nahuli Ko Sila Sa Email
PHOTO BY iStock
  • Mahirap ibalik ang nasirang tiwala. Bagaman hindi ito imposible, mahabang panahon ang kailangan bago bumalik ang lahat sa dati. Minsan, kahit na magkapatawaran na, hindi pa rin maiiwasang magkaroon ng lamat ang pagsasama.

    More from Smart Parenting

    Marami ang nakakarelate sa sitwasyong ito sa online community ng Smart Parenting. Ayon sa karamihan sa kanila, narinig na nila ang mga pangako ng pagbabago mula sa kanilang mga partners, ngunit natuklasan nila na wala rin palang nagbago. Narito ang ilan sa mga kwentong ipinadala sa amin tungkol dito:

    #SPConfessions: Once a cheater, always a cheater?

    Paano magtiwala ulit?

    Dati na kaming naghiwalay ng asawa ko dahil sa pambababae niya. Iniwan niya kami at sumama siya sa iba, but eventually, we reconciled. 'Yun nga lang, para bang nagkaroon ako ng PTSD.

    Naging okay naman kami ni hubby. Wala nang instance ng cheating. Ginawa niya lahat ng makakaya niya para magtiwala ako ulit sa kanya. Naniwala naman ako na hindi na siya uulit. Natagalan man, dumating din kami sa point na naibalik nagkaroon ako ng faith sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Pero recently, nalaman ko na may iba nanaman siyang kinakausap. Nang tanungin ko siya tungkol dito, sabi niya, pakikipag-usap lang daw 'yun. Wala raw akong dapat ipag-alala.

    Bumalik lahat na para bang kailan lang nangyari 'yung unang beses na nag-cheat siya sa akin. Lately lagi na akong napaparanoid. Tuwing hahawakan niya 'yung phone niya, pakiramdam ko may kausap siyang iba. Tuwing may magtetext sa kanya, feeling ko niloloko nanaman niya ako.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi na siguro talaga mabubura 'yung mga nangyari noon? Hindi ko alam kung maaalis pa. Kung oo, paano? Paano ba magtiwala ulit? Dapat pa ba?

    More from Smart Parenting

    Lumipat lang sila sa email

    Nahuli ko ang asawa ko dati na nakikipagusap sa mga babae na nakilala niya online. Nag-away kami, naghiwalay sandali, pero naayos din namin at nangako siyang hindi na niya uulitin. Nakita ko naman na nag-effort siya talaga at mahal ko rin siya, kaya napatawad ko siya.

    Nakita ko rin sa kanya, hindi na niya masyadong humahawak sa phone niya. Hind na siya katulad ng dati na minu-minuto tingin siya nang tingin sa cellphone niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ngayong may enhanced community quarantine, work-from-home ang setup naming dalawa. Tabi kami ng computer dahil maliit lang naman ang space dito sa bahay. Minsan, hindi niya ni-lock ang computer niya. Doon ko nakitang nakabukas ang email niya—nandoon 'yung pangalan ng babae na naging dahilan ng paghihiwalay namin dati.

    Hindi ko alam kung ano 'yung nakita ko. Bakit nandoon 'yung pangalan niya? Bakit may emails sila sa isa't-isa? Sa totoo lang, nahilo ako nung nakita ko. Parang bumalik lahat sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin. Akala ko tapos na, akala ko okay na kami. Lumipat lang pala sila sa email para hindi ko makita sa phone niya.

    More from Smart Parenting

    Pinakasalan ko siya kahit niloko niya ako

    Wala sa plano ko na pakasalan ang asawa ko. May mga differences pa kasi kami na hindi pa namin na-settle. Pero nabuntis ako kaya nagpakasal kami. 

    Naging okay naman ang relationship namin. Hindi ko inasahan na magiging okay kami. Noon kasing mag-boyfriend pa lang kami, lagi kaming nag-aaway. Pero noong ikinasal na kami, naging maayos naman ang lahat. Until nahuli ko siyang nagchecheat. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I caught him sending lustful messages, personal photos, at kung anu-ano pa, with someone else. He said he was sorry at hindi na niya ulit gagawin 'yun. Pero, parang something inside me snapped. Nawalan ako ng amor sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kung may pagkukulang ako, deserve ko ba na mangyari sa akin ito? 

    Hindi ko alam kung anong gagawin. Parang hindi posible na magsama ang isang mag-asawa na may ganito sa buhay nila. Hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala.

    More from Smart Parenting

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles