-
Paano Na? Magkaiba Kami Ni Hubby Ng Parenting Style
Maaari nga bang maging matagumpay ang relasyon ng mag-asawang magkaiba ang parenting style?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

'Opposites attract' sabi nga nila. Boring naman daw kasi ang isang pagsasama kung agree lang kayo palagi ng partner mo sa isa't-isa.
Ang pagkakaroon din ng magkaibang opinyon ang pagkakataon ninyo para lumabas sa inyong kani-kaniyang comfort zones at matuto ng ibang mga bagay.
Ngunit paano kung ang pagkakaiba ng inyong opinyon ay may kinalaman sa pagpapalaki ninyo sa inyong mga anak? Makaka-survive nga ba ang isang pagsasama kung saan magkaiba ang parenting style ng mga magulang?
Sabi ng mga eksperto, oo. Makaka-survive ang isang pagsasama ano man ang inyong parenting style.
Tulad ng maraming bagay, kailangan ninyong pagtrabahuhang maigi ang inyong relasyon kung hindi kayo nagkakasundo sa paraan ng pagpapalaki ng mga bata. Narito ang mga pwede ninyong gawin para maging maayos ang inyong pagsasama kahit magkaiba ang inyong parenting style.
Mga pwede ninyong gawin para hindi pag-awayan ang magkaibang parenting styles
Unahin ang inyong pagsasama
Malimit, lalo na para sa mga ina, uunahin mo talaga ang kapakanan ng iyong mga anak—children first and tawag dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPayo ng mga eksperto, mas maganda kung uunahin ninyong mag-asawa ang inyong pagsasama. Ang pagkakaisa niyo kasing mag-asawa ay magsisilbing mabuting halimbawa sa inyong mga anak.
Kung maayos din kayo ng partner mo at maganda ang pundasyon ng inyong relasyon, mababawasan ang stress ninyong dalawa at mas mapagtutuunan ninyo ng pansin ang pagiging magulang.
Humanap ng maaari ninyong maging inspirasyon
May mga kakilala ba kayong couples na magkaiba rin ang parenting style ngunit maayos naman ang relasyon?
Kung oo, pwede kayong lumapit sa kanila para magtanong kung ano ang sikreto nila para hindi maging hadlang ang kanilang magkaibang parenting style sa kanilang relasyon.
Mas maganda kung mas matanda sila sa inyo, para 'advanced' na sila sa stage ng parenting at marriage.
Ayusin ang pakikipag-usap ninyo sa isa't-isa
Bukod sa pagkakaroon ng open communication, mahalaga rin ang tonong gagamitin ninyo sa isa't-isa. Mahalaga rin kasi ang paraan kung paano ninyo pag-uusapan ang mga bagay na may kaugnayan sa inyong mga anak.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHuwag ninyong hayaang pangunahan kayo ng galit. Hanggat maaari, iwasan ninyong magtalo agad lalo na kung lumalabas ang inyong mga pagkakaiba. Kung hindi ka sang-ayon sa pamamaraan ng asawa mo, ipaliwanag mo sa kanya ito ng mahinahon.
Iwasan ninyo ang pagsigaw, pati na rin ang panlalait sa choices ng isa't-isa.
Magtalaga ng mga rules at boundaries
Mahalaga na mayroon kayong patakaran mag-asawa. Halimbawa, hindi niyo na dapat pang ipakita sa mga anak ninyo ang mga hindi ninyo pagkakaunawaan.
Pwede niyo ring italaga na hindi kayo magtatalo sa harap ng mga bata o hindi ninyo kokontrahin ang isa't-isa na nakikita ng mga anak ninyo.
Mahalaga ang mga rules at boundaries para maayos ninyong maipatupad ang parenting styles ninyo kahit magkaiba.
Salungat man ang inyong mga parenting styles, iisa lang naman ang inyong goal—ang makapagpalaki ng masaya at mabubuting mga bata.
Kaya sa halip na magtalo tungkol sa kung kaninong parenting style ang mas tama, pagsamahin niyo na lang ang mga mabubuting bahagi ng inyong parenting style.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagkaiba ba kayo ng parenting style ni hubby? Ano ang nagiging epekto nito sa pagsasama ninyo? I-share mo na iyan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments