embed embed2
  • 'Matagal Kong Sinisi Ang Sarili Ko' Paano Nahanap Ng Single Mom Na Ito Ang Forever

    Walang masama kung bibigyan mo ulit ang sarili mo ng isa pang pagkakataon.
    by Ana Gonzales .
'Matagal Kong Sinisi Ang Sarili Ko' Paano Nahanap Ng Single Mom Na Ito Ang Forever
PHOTO BY courtesy of Fair Francisco
  • Palagi naming sinasabi na hindi madaling maging magulang. Paano pa kaya kung mag-isa mong itinataguyod ang mga anak mo?

    'Yan ang malimit na sitwasyon ng mga single parents. Madalas din, ihinuhuli na nila ang mga sarili nilang pangangailangan para sa kanilang anak.

    Pero isang nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang nagpatunay na okay lang na bigyan mong muli ang sarili mo ng pagkakataong maging masaya.

    "Ang tagal ko rin kasing sinisi 'yung sarili ko kung bakit naging ganito 'yung lagay ko—na single mom ako," kwento ni mommy Fair Francisco sa amin sa isang Facebook Messenger interview.

    "Naging depressed ako, nandoon 'yung anxiety, nandoon 'yung bigla na lang akong magagalit, tataas ang boses. [Ibig sabihin] hindi ako okay."

    Sabi niya, naging mababa ang tingin niya sa sarili niya.

    Hindi na bago ang ganitong kwento. Single mom o dad man, hindi talaga madali kapag hindi nagtatagumpay ang isang pagsasama.

    Maraming mga nanay sa aming online community ang madalas magtanong: "Paano nga ba ako magtitiwala muli?"

    "I surrendered everything to Him," sabi ni mommy. "Pinatawad ko 'yung sarili ko. 'Yung mataas na [pagtingin] sa sarili ko, ibinalik ko rin 'yon."

    "Sinabi ko sa sarili ko na bago ako makipag-usap sa lalaki, dapat okay na ako. Dapat mahal ko [na ang] ang sarili ko. Hindi na lang ako papasok sa isang relasyon at mag-uumpisang makipag-usap sa iba kasi malungkot ako."

    Gaya nga ng sabi nila, kapag hindi mo inaasahan, saka dumarating. Nagkakilala sina Fair at Gerome sa isang online dating app at 'nagkita' silang muli sa Facebook—the rest is history.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isang napakaganda (at kwelang) post sa Village, ikinwento ni Fair kung gaano niya ipinagpapasalamat na mahal ni Gerome ang kanyang anak.

    "Nakaka-amaze isipin na kahit hindi niya sariling anak, kaya niyang tanggapin kung anong [mayroon] ako," sabi niya sa kanyan post.

    "Ganon naman talaga dapat ang thinking ng mga lalaking manliligaw sa single mom diba? Package deal kasi 'yon."

    "Para sa babaeng tulad ko na maraming pinagdaanan, napaka laking blessing na yung matupad yung prayers ko na sana may magmahal sa mga anak ko, yung love talaga ng isang ulirang tatay," dagdag pa niya.

    Kaya ang payo ni mommy Fair sa kanyang mga kapwa single mom, huwag mawalan ng pag-asa.

    "S'ya yung dahilan kung bakit hindi na ako tatandang dalaga. Kasi dati talagang desidido na ako eh. May lalaking tulad niya, maniwala ka."

    "Nilakasan ko na lang 'yung loob ko, tapos may kasamang dasal," sabi ni mommy Fair. "Go out there kapag ready ka na. Malalaman mo na lang na siya na 'yung para sa'yo kapag mayroon kang peace of mind."

    Anong kwento mo bilang isang single mom? Dumating na rin ba sa buhay mo ang iyong panghabangbuhay? I-share mo ang iyong kwento sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles