embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Payo Ng Isang Single Mom: 'Make Time For Your Hobbies, Kahit Mahirap Maging Magulang'

    Huwag mong isiping dahil nanay ka na ay wala ka nang ibang pwedeng gawin.
    by Ana Gonzales .
Payo Ng Isang Single Mom: 'Make Time For Your Hobbies, Kahit Mahirap Maging Magulang'
PHOTO BY courtesy of Vanessa Salva
  • Minsa'y tinanong namin ang mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anong mga isinakripisyo nila nang sila'y maging ina. Karamihan sa kanila'y nagsabi na hindi na nila nabibigyan pa ng panahon ang kanilang mga hobbies dahil sobrang busy na sila ngayon sa pagiging nanay.

    Wala namang pagsisisi ang mga ina kung nasaan sila ngayon. Sa katunayan, marami sa kanila ang nagsabing kung maibabalik man nila ang panahon, wala silang babaguhin kahit na may mga aspeto ng sarili nila na naisakripisyo nang sila'y maging ina.

    More from Smart Parenting

    Bagaman lubos na fulfilling ang pagiging ina, lalo na kapag nakikita mong lumalaking mababait, malulusog, at masisigla ang iyong mga anak, importante pa ring i-nourish mo ang iyong sariling growth bilang babae.

    Ayon sa isang article mula sa Entity, mahalaga ang mga hobbies para mapanatili mo ang iyong sense of identity. Makakatulong ito para magkaroon ka ng nakahiwalay na persona bukod sa pagiging ina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    'Yan ang isa sa mga punto ng work-from-home single mom na si Vanessa Salva. Ayon kay mommy, na isang regular contributor sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, isa sa mga dahilan kung bakit siya may hobbies ay dahil gusto rin niyang mag-invest sa kanyang sarili.

    More from Smart Parenting

    Kailan lang ay nag-enroll si mommy sa isang Container Gardening Class na inorganisa ng Ateneo de Davao University.

    Hilig na talaga ni mommy ang gardening kaya naman excited siyang sumali sa Container Gardening Class ng Ateneo de Davao University.
    PHOTO BY courtesy of Vanessa Salva
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod kasi sa hilig na talaga ni mommy ang gardening, gusto rin niyang maging healthy ang kinakain nilang mag-ina."I am feeding my son whole natural food, kaya importante to sa akin na makakapagproduce ako ng gulay at prutas to lessen our expenses," kwento niya.

    Matagal na talagang goal ni mommy na makapag-produce ng mga pagkaing siya mismo ang nagtanim at umani.
    PHOTO BY courtesy of Vanessa Salva
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Alam rin niya na mahalagang maging mabuting halimbawa sa kanyang anak kaya gustong-gusto niya ng gardening. "Gardening is a meaningful work to show off to my son—for imitation. It's also a great domestic task for them. He's helping me everyday in putting soil, mixing soil media, watering, etc."

    Game na game naman ang kanyang cute na cute na little helper!
    PHOTO BY courtesy of Vanessa Salva
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kahit sa pagbubungkal ng lupa ay tumutulong si baby!
    PHOTO BY courtesy of Vanessa Salva

    Paalala ni mommy, importante na magbigay ka ng panahon para sa iyong mga passions. "Invest on lifelong learning/education, learn-unlearn-relearn and say hooray to personal developments kahit mahirap maging magulang."

    More from Smart Parenting

    Dagdag pa niya, huwag mong madaliin ang iyong sarili. "Make time for your hobby kapag may panahon," payo niya. "Kung wala, okay lang din 'yan. Make time for it next time." Marahil ang pinakaimportanteng tip ni mommy: "Kapag may opportunities at okay naman [ang circumstances] mo to follow through, go lang."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman kung pakiramdam mo ay huli na ang lahat para i-pursue mo ang iyong mga hobbies at passions, isipin mo ang mga kapwa mo nanay tulad ni mommy Vanessa. "I hope you find that cultivated passion "in between" parenthood that you hope to have (in case if you haven't yet done)," sabi pa niya.

    Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon para i-pursue mo ang iyong mga hobbies? Anu-anong mga ginawa mo? Kumusta ang iyong experience? Ano pang ibang hobbies at passion ang gusto mong masubukan? I-share mo na iyan sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles