embed embed2
  • Sabi Ng Mga Anak Ni Sunshine Cruz Sa Kanya: 'You Deserve To Have A Boyfriend'

    Ang mga anak ni Sunshine Cruz ang nagkumbinsi sa kanyang magka-boyfriend
    by Jocelyn Valle .
  • Nang maging single mom si Sunshine Cruz noong 2013, wala siyang inisip kung hindi ang kapakanan ng kanyang three daughters at wala sa kanyang mga plano ang pumasok sa bagong relasyon.

    Pagbabalik-tanaw ng aktres, “Ang goal ko noon is makapag-ipon para makapagpatayo ng bahay para sa mga anak ko. But then, bigla na lang siyang dumating.”

    Ang tinutukoy ni Sunshine ay ang kanyang boyfriend na si Macky Mathay, na nakilala niya sa pamamagitan ng kanyang good friend na si Ara Mina. Half-brother ni Ara Mina si Macky.

    Noong panahon na iyon, tatlong taon nang hiwalay si Sunshine sa kanyang asawang si Cesar Montano. Nasa proseso na ng annulment ang kanilang kasal, na naganap noong September 2000. Ibinigay ng korte kay Sunshine ang full custody ng kanilang mga anak: Angelina, Samantha, at Chesca.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tuluyang na-grant ang petition for annulment noong September 2018, kung kailan nakamit na rin ni Sunshine ang goal na pagpapatayo ng bahay para sa kanyang mga anak.

    Nagkuwento si Sunshine sa SmartParenting.com.ph sa online event nitong February 4, 2020, kung saan ipinakilala siya at ang panganay niyang si Angelina Cruz bilang pinakabagong endorser ng Silka skin whitening products.

    Pahayag ng 43-year-old na ang mga anak pa niya mismo ang nagkumbinsi sa kanyang magkipag-date at sinabihan pa siyang, “You deserve to have a boyfriend.”

    Panay naman daw ang paliwanag niya sa mga bata na, “Hindi naman minamadali ’yan. Kung ibibigay sa atin ng Diyos, ibibigay.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero nang magsimulang makipag-date si Sunshine, hindi muna niya ipinakilala si Macky sa kanyang mga anak. May paninindigan kasi siyang “kung hindi ako sure na pangmatagalan si Macky, huwag na lang muna.” Para hindi raw “magulo ang utak” ng mga bata.

    Sa panig naman ni Angelina, 19, kinuwento niya sa amin na excited silang magkakapatid na makikila ang dini-date ng kanilang mommy. Kapag nga raw sinusundo o hinahatid si Sunshine sa bahay nilang mag-iina, sumisilip ang magkakapatid sa bintana para makita ang itsura ni Macky.

    Sabi pa ni Angelina, “We’re super chismosa, the three of us [sisters]. So sometimes we’d peek through the windows, ask our mom questions. Because our mom kept it a secret. They were just starting to get to know each other.”

    Kaya naman noong pinakilala na si Macky sa kanilang magkakapatid, “excited” daw silang tatlo at kaagad “we really liked him.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag naman ni Sunshine na hindi niya pinlano ang unang pagkikitang iyon ng kanyang mga anak kay Macky. Hindi rin daw niya kinailangang i-prepare sina Angelina, Samantha, at Chesca dahil “siguro nakita lang talaga nila na very focused ako sa pagpapalaki sa kanila.”

    Lahad pa ni Sunshine na naganap ang pagkikitang iyon sa isang impromptu lunch. Aniya, “Kasi kinukulit na nila ako that time. They wanted to meet Macky. Sabi ko, ‘Anak, it’s not the right time, just wait.’ Ganyan ako.

    “So, one time, sinundo ako ni Macky sa airport. We went to a restaurant here in the South. Pinasundo ko ang mga anak ko, and they thought baka kasama lang nila ako for lunch. No’ng nakita nila si Macky, my God, talon sila nang talon. They were really happy. So ’yun ang first meeting nila.Nakakatuwa sila.”

    May paalala si Sunshine sa mga kapwa nila Macky na single parents sa kani-kanilang mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Unang-una, huwag n’yong hanapin ’yung magiging partner ninyo. Mahalin n’yo muna ang sarili n’yo. Mag-focus muna kayo sa trabaho, sa mga anak n’yo as much as possible.

    “Samahan n’yo ng dasal, na ibigay ng Panginoon ang para sa inyo. Ako kasi eventually after three years, do’n dumating si Macky without even finding a guy.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa tulad niyang anak ng single parents, payo ni Angelina na unawain ang mga magulang. Ika nga ng young actress, singer, at product endorser, “Understand where they’re coming from, that your parents deserve happiness as well.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles