embed embed2
Love Ko 'To! This Couple Got Married At McDonald's, Happy Meal Ang Giveaway
PHOTO BY Fritzie Kate Giron
  • Isang napakahalagang bahagi nga ng buhay ng isang tao ang pagpapakasal. Tanda kasi ito na nahanap mo na ang taong pinipili mong makasama sa buong buhay mo. Kaya naman patuloy ang paglaki ng industriya ng events at weddings. 

    Ngunit, dahil sa COVID-19 pandemic na siyang naging dahilan ng pagbabawal ng mga mass gatherings, maraming mga kasal at selebrasyon ang naudlot o tuluyan na ngang hindi natuloy.

    What other parents are reading

    Sa sitwasyon ng magkasintahang sina Manuel at Gale Luna, napagdesisyonan nilang sa halip na hindi ituloy ang kanilang kasal, idaraos na lang nila ito sa simpleng pamamaraan.

    May 20 sana, sa Roxas City nila balak ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib. Bagaman nalungkot sa pagbabago ng plano, nakahanap pa rin ang magkasintahan ng paraan para maging kabuluhan ang kanilang wedding day.

    Nang minsang kumain sila sa McDonald's doon naisip ni Manuel na bakit hindi na lang sila doon magpakasal. "Kumain kami sa McDo [and I said,] 'oh why not here?' Parang win-win na rin kasi yung dream natin na magkaroon ng party nung bata tayo, we can have it on our wedding day.'"

    What other parents are reading

    Kung akala mo'y nagbibiro ang groom, nagkakamali ka. Dahil natuloy nga ang kanilang McDonald's wedding nito lamang June 16. Kwento pa ni Manuel, habang ikinakasal sila, hindi na nila naisip o napansin pa na nasa McDo sila. "It feels like it's a magical place kung saan kami nagtagpo," sabi pa niya.

    "Nung nakita ko siya naglalakad sa aisle, hindi ko na naisip na Mcdonald's 'to eh," dagdag ni Manuel. "Ang ganda na... Kasi nakikita mo 'yung asawa mo na naglalakad sa aisle."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni hubby, hindi na raw niya napansing nasa McDo sila dahil sa ganda ng mapapangasawa niya habang naglalakad ito sa aisle.
    PHOTO BY Fritzie Kate Giron
    What other parents are reading

    Walang kasing saya ang mag-asawa sa kanilang kasal.
    PHOTO BY Fritzie Kate Giron
    What other parents are reading

    Tanging pamilya nila ang kasama nila sa kasal dahil 30 katao lang ang pinapayagan ng McDonald's kada selebrasyon. Bakas naman sa mga larawan ang kaligayahan ng mga bisita, pati na rin ng bagong kasal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagsimula ang kwento nina Manuel at Gale noong college pa lamang sila. Nagkita lang silang muli limang taon pagkatapos. Nagpropose si Manuel kay Gale sa isang Moira Dela Torre concert.

    What other parents are reading

    Panoorin mo sa video sa baba kung paano nabuo ng magkasintahan ang kanilang kiddie party-themed McDonald's wedding.

    Mayroon ka rin bang kakaibang love story tulad ng kina Manuel at Gale? I-share mo na 'yan sa comments section o 'di kaya ay ipadala sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles